Capitulo Veintiocho
Celine's birthday is only a week away when she decided to ask her friend a very personal question. Nag-date silang dalawa ni Janelle one Saturday. Noon lang ulit sila nagkasama nang sila lang dalawa.
"Libre mo 'to ha. Since birthday mo naman na next week," Janelle told her. Inaya kasi niya itong kumain sa isang kainan sa mall na medyo mahal at outside sa price range nya.
"Hindi ba dapat, 'yong may birthday ang nililibre?"
"Palagi kaya kitang nililibre! Para ngang birthday mo araw-araw, e," himutok nito.
"Sus. Labag pala sa loob mo 'yon. Sana di mo na lang ginawa."
"E kasi naman, 'te, kung hindi kita ililibre, e baka sa Mcdo ka na lang kumain forever!"
"Oo na. Pero basta ha, kapag may itinanong ako sa 'yo, sasagot ka nang matino."
"I'll try." Janelle smiled sheepishly. Then sumeryoso ito nang sumimangot sya. "Okay, fine!"
Huminga siya nang malalim. Ayaw sana niyang tanungin si Janelle tungkol sa bagay na iyon pero wala naman siyang ibang mapagtatanungan. She can only confide things to Janelle, Kelvin and Yuan. Pero hindi pwede kay Yuan kasi tungkol dito ang itatanong niya. Hindi rin naman pwede kay Kelvin dahil hindi naman ito steady sa relationships nito.
"Ga'no ba katagal bago mo sagutin ang manliligaw mo? I mean, may specific bang time period na kailangan munang lampasan bago 'yon? Parang probi sa trabaho tapos after 6 months, saka iri-regular?" sunod-sunod niyang tanong. She blurted the words out so fast kasi nahihiya siya. Mabuti na lamang at hindi na nito ipinaulit.
"Hindi naman kasi gano'n 'yon. Basta gusto nyo ang isa't isa at maganda naman ang intensyon sa 'yo nung guy, e di go na. Relationship naman ang dapat na pinatatagal. Kahit short time lang 'yong courtship."
Tumango-tango siya. "Ah. Okay."
"Bakit?" tanong nito. Ngumiti lamang siya bilang sagot. When Janelle realized what she just asked, pinandilatan siya nito at hinampas sa braso. "Hoy! Ano'ng pinaplano mo, ha?!"
"Birthday ko na kasi next week... so iniisip kong--"
"No! No!" Janelle exclaimed indignantly. "Ilang months pa lang 'yang nanliligaw sa 'yo, tapos sasagutin mo kaagad? Malay mo ba kung nagbabait-baitan lang 'yan!"
"Pero kasasabi mo lang, e..."
"Forget what I said! Minsan lang talaga sumasagot ako agad bago ko i-digest 'yong tanong!" dahilan nito.
Sinimangutan niya ito. Halata namang nilulusutan lamang nito ang mga sinabi nito kanina.
"Bakit ba kasi ayaw mo kay Yuan? Ang bait-bait kaya nung tao."
"Hindi kasi porket mabait, dapat binu-boyfriend na. Hindi maganda sa isang relationship ang puro kabaitan lang. Dapat may desire! Dapat may thrill! Kinakabahan ka man lang ba kapag nandyan sya? Naku-conscious ka ba? Kasi parang hindi, e. Sobrang kumportable ka sa kanya."
"Masama ba 'yon?"
"Masama kapag sobra. Ang love kasi, parang fire. Passionate. Kung magiging kalmado naman na parang tubig, minsanan lang. Hindi pwedeng puro tubig kayo palagi kasi for sure, kapag tumagal, mawawalan kayo ng gana sa isa't isa."
"Parang ang pangit naman kung maiilang ka sa karelasyon mo, di ba?"
"Kung wala kang pagkailang sa start ng relationship, parang mas better pang maging friends na lang kayo," Janelle responded. "Okay sana kung maging kumportable ka kung years na ang itinagal nyo. Kasi by then, for sure, kilalang-kilala nyo na ang isa't isa. E, hindi. Hindi pa nga kayo, ganyan ka na."
Hindi niya alam kung opposed lang si Janelle dahil ayaw nito kay Yuan o talagang may punto itong gustong iparating. Pakiramdam kasi niya ay biased ito. If it was someone else, na gusto ni Janelle, for sure... ipagtutulakan pa siya nito para sagutin ang taong iyon.
But Janelle will always be Janelle. Kapag ayaw, ayaw. There's no swaying her friend.
But because of Janelle's words, nagdadalawang-isip na tuloy siya. She actually thought that it was a great plan to finally say yes to Yuan on her birthday, pero napaisip siya sa mga sinabi ni Janelle.
She can't really recall a moment where she felt thrill or excitement when she's with Yuan. Akala niya ay walang kaso roon. She actually thought that it's a great thing kung kumportable siya sa magiging boyfriend niya.
Pero ano nga ba naman ang alam niya? After all, she's never been in a relationship before. First time sana niya kung sakali, kaya lang, mukhang mauudlot pa.
--
There's still a part of Kelvin that won't let go. Akala niya dati, basta ma-divert ang atensyon niya sa iba, magiging okay na diya. Pero hindi pala.
Gaile is a great catch. Mabait ito, artistic, talented at maganda pa. Nakasundo rin nito kaagad ang mommy niya nang dalhin niya ito sa shop. Nang ipakilala naman niya ito sa mga kapatid, nagka-crush kaagad ang dalawa rito.
She's supposed to be the ideal girl, a mix of sugar and spice... Tamang timpla, kumbaga. But his stupid heart longs for someone else.
Bihirang-bihira na nga silang magkita ni Celine after the Wonderland concert. That was also the night when Gaile acknowledged the fact that they're already dating. Hindi siya nagpaalam manligaw at hindi rin naman ito tumanggi o pumayag.
It's just a mutual thing. Parang naramdaman na lamang nilang dalawa na nasa ganoon stage na nga sila. And so, every night, pumupunta siya sa gig nito. Minsan, kapag may time, dadalawin nila ang mommy niya sa shop. Gaile even brought cupcakes that she baked, which his mother found very delectable. Yes, Gaile can also bake and cook. Talk about being ideal.
So why does his stubborn heart refuse to cooperate? Lalo lamang siyang nalito nang sabihin sa kanya ni Janelle ang sinabi rito ni Celine. Plano na pala nitong sagutin si Yuan sa birthday nito.
He should be happy for her. Pero nasaktan talaga siya. That night, he stayed in his condo. Nagdahilan na lamang siya kay Gaile nang hanapin siya nito.
He felt betrayed somehow. Umaasa pa kasi siyang mauuntog si Celine at mari-realize din nito na siya naman talaga ang gusto nito. Para siyang tanga. Pakiramdam niya ay napaka-arogante niya. He can't seem to accept the fact that some people won't find him attractive. Palibhasa kasi, nasanay siyang nilalapitan ng babae. That became the norm for him.
Masakit palang paulit-ulit na ipamukha sa 'yong hindi ka gusto ng taong gusto mo.
Dapat nagsawa na siya sa kaaasa. Madali naman siyang magsawa, pero bakit kung kailan gustong-gusto na niyang mawala 'yong feeling, saka naman ito lalong lumalalim?
--
Three days before Celine's birthday, he called her to ask about her plans for the day. Inamin nitong lalabas ito kasama si Yuan. Pumatak kasi ng Sabado ang birthday nito, March 21.
He immediately told her to call the date off, because he has something planned for her, kahit wala.
"Sana sinabi mo kaagad," sabi nito sa kanya.
"Naghi-hesitate kasi ako kun itutuloy ko pa," dahilan niya.
"Hindi ba pwedeng sa Sunday na lang 'yan?"
"Hindi mo na birthday sa Sunday."
He heard her sigh. "Kainis naman 'to. Panira ng plano!"
"Kung ayaw mo, e di sasama na lang ako sa inyo."
"Hindi pwede!" tanggi nito, then she grunted. "Sunday na lang kasi! Or next Saturday?"
"Gusto ko sa birthday mo," he said firmly.
"Jusko naman, Kelvin! Panira ka talaga!"
He wanted to tell her how much that hurt, but he just faked a laugh and insisted on what he wants. In the end ay napapayag din niya ito.
When Celine's already on board, kinausap naman niya ang mommy niya para turuan siyang magluto. Simpleng pasta dish at merengue cake lang ang gagawin niya. Saka salad sana, but he's pretty sure that Celine won't eat the leafy greens.
--
Thursday ng gabi, nasa bahay siya ng mga magulang, nagpapaturong magluto.
"Akala ko ba, wala na, kuya?" tanong ni Kian.
"It's for her birthday."
"Hindi ba pwedeng bumili ka na lang ng regalo?" Kristoff butted in.
"Pabayaan nyo nga ang kuya nyo. He's old enough to know what he's doing," his mother told them. "Saka ayaw nyo no'n? You'll have pasta and cake for dinner."
Kristoff wrinkled his nose.
"Luto ni kuya. Baka hindi masarap."
"Gee. Thanks for the moral support," he told him.
Pinaalis ng mommy niya ang dalawa sa kusina. Maluluto na ang pasta na kanina pa niya inoorasan. The sauce was already cooked at kahit hindi man iyon kasing sarap ng luto ng mommy niya, at least it's edible.
He couldn't say the same thing about the merengue though. It was gritty because it wasn't mixed properly.
"Bakit hindi na lang fudge brownies ang gawin mo? It's her favorite, after all."
"That's why I don't want to make it. I might screw it up."
"But she'll appreciate it more, because you put a lot of effort into making it."
Siguro nga ay tama ito. Siguro kahit hindi ganoon kasarap ang pagkakagawa niya, Celine will still thank him for it. He just wants the dinner to be perfect. He wants everything to go well, hopig that she will then realize na sila pala talaga ang bagay. It's a really long shot, but he's willing to take a chance. Wala namang mawawala sa kanya.
--
When Kelvin told Celine that they're just having dinner, she asked him if she could spend the day with Yuan. Para at least, nakasama na niya si Yuan sa birthday nya, napagbigyan pa niya si Kelvin sa gusto nito.
Pero nakisali naman si Janelle. Nag-aya rin itong lumabas. Libre raw nito. Alam naman niyang magtatampo ito kapag hindi siya pumayag.
So she agreed to meet her. Gumala silang dalawa, nag-shopping at kumain sa isang mamahaling restaurant. Doon na siya kinutuban na hindi nito pera ang ginagastos nito.
Sa shopping pa, understandable na gagastos ito because she's Janelle. Shopping is her middle name. But to "waste" money on a really expensive food? That's definitely not her friend.
"Umamin ka nga. Pakana ni Kelvin 'to, 'no?"
"Grabe. So si Kelvin lang ang nanlilibre sa 'yo?"
"Kilala kita. Mas gugustuhin mong mamatay sa gutom para sa isang pares ng sapatos. Hindi ikaw 'yong tipo na gagastos ng malaki para sa pagkain."
Makukumbinsi pa siya kung nasa 1000 ang limit nito. Kaso isang order ng dish, lampas 500. Hindi naman siya nasarapan sa kinain nilang escargot at foie gras. Sinamahan pa nito ng caviar na hindi man lang niya naubos.
In the end, Janelle admitted that it was Kelvin's idea. Ipinakita pa nito ang credit card na kulay gold na kanina pa nito ipinasa-swipe sa mga establishments na pinuntahan nila.
"Huwag kang magagalit sa kanya, ha."
"Hindi naman ako galit. Kaya lang, gumastos pa talaga sya para dito. Pwede namang sa mumurahin lang tayo kumain. Sayang 'yong gastos."
"Ano ka ba! Once in a lifetime opportunity lang 'to. Syempre pinatos ko na!"
Nailing na lamang siya sa kaibigan.
--
Nang humapon ay pumunta sila sa boarding house niya para mag-ayos. Ipinasuot sa kanya ni Janelle ang mga pinamili nilang bagong damit kanina. Inayusan din siya nito.
Tapos ay nag-commute sila papunta sa condo ni Kelvin nang mag-alas sais. She was okay at first, because she thought that Janelle will celebrate with them. Kaso ay umuwi rin ito. Naging awkward tuloy bigla.
Parang masyadong romantic ang atmosphere sa condo ni Kelvin. Tapos 'yong setup nito sa kusina, parang gawain ng boyfriend o girlfriend. Naiiling siya.
He even dressed up for the occasion, which made her more uneasy. Kung sana ay casual lang ang suot nila at nag-takeout na lang sila ng pagkain, baka okay pa.
"Happy birthday," he greeted. Ibinigay nito sa kanya ang hawak nitong mga bulaklak.
"Salamat."
"So... did you like it?" he asked.
She nodded, not wanting to hurt his feelings, kahit hindi siya mapakali.
"Nag-abala ka pa talaga."
"Syempre, birthday mo," nakangiti nitong sabi.
He led her to the kitchen. Pinaupo siya nito at saka hinainan. Isang plato ng pasta ang inilagay nito sa harap niya. May meatballs iyon at pula ang sauce, pero hindi spaghetti ang pasta. Hindi niya alam kung ano ang tawag dahil hindi pa naman siya nakakakain ng gano'n.
Ipinatong niya ang bulaklak sa lamesa. Kelvin then lit up the candles on the table and turned off the light.
He told her to start eating. Unang tikim pa lamang niya, alam na niyang hindi ang mommy nito ang nagluto. Matabang 'ying sauce. Okay naman ang hitsura pero kulang sa lasa. Kelvin gave her an apologetic smile, admitting that he just learned how to cook that the other night.
"Masarap naman," pagsisinungaling niya. He beamed. Mukhang natuwa ito sa sinabi niya.
"Really? Because Kristoff didn't like my first try. He said it was too bland."
She would have to agree with Kristoff, pero hindi na lamang niya sinabi.
The brownies were no better. Na-excite pa naman siya dahil paborito niya iyon, but they were too bitter for her taste. Still, she faked a smile to show him that she liked it. Baka kasi kapag sinabi niya ang totoo ay magtampo na naman ito sa kanya.
--
Nang matapos kumain, pinapunta siya nito sa sala kung saan nandoon ang mga regalo para sa kanya. One's from Janelle, the other one from Kylie, and the last one, from his family.
Kelvin went to his room for a bit. Paglabas nito, may dala na itong gitara na nakabalot. Hindi naman maikakailang gitara iyon dahil sa hugis.
It must have been an expensive guitar. Knowing Kelvin, he always goes for quality, kahit gaano pa kamahal iyon.
"Janelle told me that you've always wanted one."
"Oo, kaso hindi ako makabili kasi ang dami kong dapat unahin."
"Well, you have one now. Come on, open it."
She nodded vigorously. She tore up the wrapper. Mas sira, mas maganda. Ganoon kasi ang turo sa kanila.
Her eyes shone when she saw the brand. Mamahalin nga.
"Look here." Kelvin pointed at the signature. "I had Armi sign it."
Namilog ang mga mata niya. "Seryoso ka ba?!"
"Yep."
Not only did he buy her a gift she really wanted, but he also had it signed by her favorite singer. That has got to be one of the best birthdays she's had. Mabuti na lamang pala at pinagbigyan niya ito. It was all worth it.
"Why don't you try playing it?"
Itinono niya ang gitara. She did a little strumming before Kelvin asked her to sing. Since it was signed by Armi, she decided to sing one of her band's songs.
'Di mo lang alam, naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
Kelvin listened intently. Tutok na tutok ito sa kanya habang kumakanta siya.
Lumipas mga araw na ubod nang saya
'Di na rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala, patawad na sana
Ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal
There was something in his eyes that she couldn't explain. It felt like longing, but for what, she doesn't know. Siguro ay nadadala lamang ito sa kanta.
Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa t'wing nagkukulitan
Baka sakaling maisip mo naman
Ako'y nandito lang, hindi mo lang alam
Matalino ka naman
Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
Sa laro na ito ay dapat bang sumuko?
Sana 'di ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y iyong masasaktan
Nang ganito, sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko
He smiled sadly. Iyong ngiti nito, hindi umabot sa mata. Nalungkot din tuloy siya bigla.
Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
'Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan
Kelvin clapped his hands when she finished the song. She thanked him for everything that he's done that night.
"It's nothing."
"Buti okay lang kay Gaile? Akala ko lumalabas kayo tuwing Sabado?"
"Nagsabi naman ako sa kanyang hindi ako pwede ngayon, e. Babawi na lang ako."
She smiled. "Dapat lang. Great catch na 'yon, 'no. Huwag mo nang pakawalan."
Nagsalubong ang kilay nito.
"O, bakit?" tanong niya.
Instead of answering, kinuha nito ang gitara at ipinatong sa lamesa. Then he scooted closer.
"Celine..."
"O?"
He seemed nervous. Hinawakan kasi nito ang kamay niya at nanginginig ito.
"Okay ka lang?" she asked, a bit worried.
Umiling ito. She asked him what's wrong, but he just stared at her. Para bang nag-aalangan ito.
Maya-maya ay huminga ito nang malalim. Tapos ay agulat na lamang siya sa sunod nitong ginawa. He cupped her face with his trembling hands at unti-unti itong yumuko. She was frozen on the spot. Naramdaman niya ang mga labi nito sa mga labi niya.
There was an explosion after. Like firecrackers... Sa tiyan yata niya iyon nanggaling.
It was overwhelming. She felt like drowning. Even more when he gently pushed her down on the couch, his lips not leaving hers.
It took a lot of willpower to push him away. He fell on the floor, dazed and confused. She's pretty sure that she looked worse.
"Celine... I..."
Hindi na niya ito pinatapos magsalita. Kinuha niya ang gamit at saka siya tumakbo palabas. She could hear him shouting her name, but she didn't look back.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro