Capitulo Veintidos
Celine spent the rest of her Christmas with Candy and his gay friends. Nag-inuman ang mga ito habang siya naman ay ibinuhos ang sama ng loob sa pagvi-videoke.
Hindi na siya umuwi ng bahay. She regretted the things she said right after she said them, but at the same time, she felt relieved for letting them out.
Palagi kasi siyang walang kibo. Nasanay siyang hinahayaan na lamang ang lahat. Pakiramdam kasi niya ay wala rin namang mababago kapag nagsalita siya.
Kaya naipon ang lahat ng sama ng loob niya sa ama. It slowly consumed her. It made her distant and angry. At dahil sa wala namang ginagawa ang ama niya para bumawi, her anger wasn't appeased.
"Beh, tagay mo na." Scarlette, one of Candy's friends, was handing her the shot glass. Hindi kagaya ni Candy, slender naman si Scarlette. Saka mahaba ang buhok nito na ombre ang kulay. Ito rin ang may pinakamahabang pilikmata (falsies daw) sa apat niyang kainuman.
"Ano ka ba, bakla! Hindi nga sya pwedeng uminom!" saway ni Candy sa kaibigan.
"Isang shot lang naman, friend! Unfair naman kung puro pulutan lang ang kanya!"
"Okay lang, Candy." Kinuha niya ang tagayan at saka ininom ang alak. Napangiwi siya nang humagod ang mapait na alak sa kanyang lalamunan. She's always hated the taste of liquor. Blessing na rin sigurong mabilis siyang malasing. She can't stand the taste of it anyway.
Agad siyang humingi ng juice to wash it down. Inubos niya ang isang baso, ignoring the complaints from everyone. Saka siya nag-excuse.
Lumabas siya sa bakuran ng bahay ni Candy. May nga tanim na rosas sa gilid ng concrete fence. Mahilig kasi sa bulaklak si Candy kaya palagi itong may bulaklak sa tenga nito.
Bukod doon, may maliit na swing set din at seesaw. Para naman sa mga pamangkin ni Candy na madalas dumalaw rito.
She sat on the swing and fished out her phone. Her family knows when to leave her alone. Ni isang text message o tawag ay wala siyang natatanggap mula sa mga ito.
Inisip niya kung kakampihan ba ng mga ito ang tatay niya o siya. Sino ba ang mas importante para sa mga ito? They were always telling her to forgive. Masama raw ang may hinanakit. Kahit gaano pa raw kabigat ang kasalanan ng tatay niya, dapat ay matuto siyang magpatawad.
Alam ba ng mga ito kung gaano kahirap iyon? She can't just forgive. She needs to heal first. Hindi naman overnight ang pagpapatawad. Hindi porket nag-sorry, patatawarin mo na agad. Dumadaan muna iyon sa proseso.
Hindi lahat ng tao ay kayang tanggapin ang lahat ng sakit nang may ngiti sa labi. Hindi naman siya masokista.
Maybe she'll be able to forgive her father, but not at the moment. Hindi pa niya kaya. It will take time and they will have to wait untik she's ready.
--
December 27...
Kelvin was so excited for his birthday. He barely slept last night because he couldn't stop thinking about it. Partida pa noon na galing siya sa party na in-organize ng mga kaibigan niya for him last night.
"Happy birthday, kuya!" bati ng mga kapatid niya. Sinalubong siya ng mga ito sa may dulo ng hagdanan. They woke up early to help his parents prepare for his birthday celebration. Nagluluto ang parents niya sa kusina habang ang dalawa niyang kapatid ay naglalagay ng malaking sign na HAPPY BIRTHDAY sa dingding.
It still feels like Christmas though. Nandoon pa rin kasi ang mga dekorasyon nila noong pasko. They will take them down next year, after the celebration of the three kings.
"Thanks!"
He headed to the kitchen. Humalik siya sa pisngi ng ina at niyakap naman ang ama when they greeted him. They usually just go out to have lunch during his birthday, but this time, they decided to celebrate it at home.
Dumating kasi ang tito Vico at tito Mitch niya galing Italy. Doon na naninirahan ang mga ito kasama ang mga anak nito. They adopted one Korean and one Filipino baby and raised them as their own. Ngayon ay kasingtanda na ni Kian ang dalawa.
It's been a few years since their last Christmas back in the Philippines. Uuwi rin ang mga ito after new year sa Italy.
Pupunta rin ang pamilya ni Kylie saka ang tita Neri at tito Joem niya with their four kids. His ninang Rose might drop by. Hindi niya sigurado dahil hindi naman ito nag-confirm. Sa probinsya kasi ito nag-pasko.
Celine, Jake and Janelle will also be there to celebrate with him. And then, pagdating ng hapon, he'll be moving out.
Well, technically, he'll still be spending the rest of the year with his family. Maglilipat lang siya ng gamit sa condo niya para next year, susi na lang ang dala niya pag-alis.
His family knows about his other agenda. His father, as usual, thinks that it's a stupid idea. But his mother encourages him to be stupid. Minsan lang daw sya kasing ma-in love. Okay lang daw na magpakatanga, basta kaya pa niya, sige lang. His feelings may be inevitable, but his actions are his choices.
He could always stop kung hindi na niya kaya.
So tonight, on his birthday, kapag sila na lamang ni Celine ang magkasama, aamin na siya rito. Because his feelings are only growing deeper the more he hides them from her.
--
Kylie's family was the first to arrive. May mga dalang regalo ang mga ito kahit sinabi niyang huwag na. They just like giving gifts. Halos kasi-settle in pa lamang ng mga ito nang dumating si Jake. Then came Vico and Mitch. Maya-maya pa ay dumating naman ang mga tito Joem niya.
It was almost lunch time when Celine arrived. She's wearing her usual outfit: shirt and jeans. She flashed a smile when he let her in, pero pansin niyang hindi iyon umabot sa mga mata nito.
"Happy birthday!" she greeted.
"Thanks!" Hinawakan niya ang buhok nito. Parang umiksi iyon. "Nagpagupit ka?"
"Trim lang." Hinagod nito ang buhok. "Okay lang ba?"
"Wala namang nabago, e. Umiksi lang." He touched it again. "It's really soft though."
"Pinilit kasi ako ng friend ko na ipa-treatment. Libre raw nya kaya pumayag na ako."
He simply nodded and led her to the dining room, kung saan naka-settle na ang mga bisita. Napatigil ito sa paglalakad nang makita ang mga taong nandoon. Nakatingin ang mga ito sa kanila.
"Come on, I'll introduce you to everyone."
He nudge her towards the table. Isa-isa niyang pinakilala ang mga kamag-anak sa nahihiyang si Celine. Isa lang ang tanong nang mga bagong kilala nito.
"Is she your new girlfriend?"
"We're just friends," paulit-ulit niyang sagot.
Celine sat in between him and his uncle Vico. Kaya naman hindi maiwasang daldalin ito ng tito niya.
"Are you single?" his uncle asked.
Tumango si Celine. "Opo."
His tito said something in Italian, but Celine was too shy to ask what it meant.
"Just ask me later," bulong niya rito.
--
Celine's still feeling a little out of place kahit lahat naman ay kumakausap sa kanya.
The dining room was big enough for all of them. At dahil maraming tao, hindi masyadong nag-i-echo. Masyado kasing malaki ang bahay para sa kanya. Tuwing nagsasalita siya, parang may echo.
Maingay ang mga ito, lalo na iyong mommy ni Kylie at ang tito Vico ni Kelvin. The two bickered a lot. Tawanan naman nang tawanan ang mga nakapaligid. The house is full of positive energy. Masaya ang lahat.
Marami ring pagkain. Pasta-lovers yata ang pamilya ni Kelvin dahil apat na klase ng pasta ang nakahain: lasagna (Kristoff's favorite), spaghetti, carbonara at pesto. May cake, brownies, cookies at cake rin. Tapos may veggie salad, chicken at barbeque.
Kelvin told her that he wanted to make it like a normal birthday celebration. Madalas daw kasi silang kumakain sa labas tuwing birthday nito. Somewhere fancy, kasi tuwing pasko lang at bagong taon sila usually naghahanda.
Janelle arrived after the scrumptious lunch. Nagkikwentuhan ang ilan sa sala habang naglalaro naman ang mga bata nang dumating ito. Kahiy na madaldal at friendly si Janelle, bigla itong nahiya nang makita ang mga bisita.
Pero nang maipakilala ito ay nawala na ang hiyang iyon. Naka-jive nito kaagad ang mommy ni Kylie. Madaldal kasi ito. Pati ang tito ni Kelvin, tuwang-tuwa rin dito dahil kikay ito.
Vico already offered to give her some clothes that Mitch, his partner, designed. Si Red naman, binigyan ito ng ilang makeup items. Siya naman, nakasundo si Nia, kapatid ni Kylie na may pagka-introvert.
Janelle was enjoying the attention. Lalo na nang ipakita nito sa kanila ang engagement ring nito na nakalagay as pendant sa necklace nito.
Nag-propose daw rito si Marlon noong Pasko, sa harap ng buong pamiya nito. Doon kasi nagpasko si Janelle. She kept it a secret and planned on telling them sa araw ng birthday ni Kelvin. Hindi naman nito akalaing maraming makiki-celebrate.
--
Kelvin was enjoying his birthday celebration, pero gusto na niyang matapos iyon nang makaalis na sila ni Celine. Napasarap kasi sa kwentuhan ang mga kamag-anak niya, lalo na't nandoon si Janelle, kaya alas singko na ng hapon sila nakaalis.
He only has a few boxes of his things in the trunk. Ilang libro at damit saka toy collections ang nandoon. And he also brought a bottle of champagne to celebrate.
Nang makarating sila sa condo, agad nilang sinimulan ang pagtatanggal ng nga gamit sa mga boxes. It took them two hours to arrange all the furnitures to his liking. Nailagay na rin nila ang ilang decorations kagaya ng paintings at family photos.
"Gutom ka na ba?" tanong niya sa kasamang kanina pa naglalaro ng bubble wrap.
"Hindi pa naman masyado," sagot nito.
He sat beside her. Nakidutdot na rin siya sa bubble wrap.
"How's your Christmas?"
"Ayokong pag-usapan."
"Why not?"
Celine shrugged. "Basta. Huwag mo nang piliting malaman kasi magagalit lang ako sa 'yo."
"Okay. I'll stop asking."
Natahimik ito ng ilang minuto. He wanted to say something, anything, just to bridge that quiet gap, pero wala siyang maisip. Hindi rin naman siya magaling sa jokes. Hindi niya alam kung paano ito mapatatawa.
"Sorry ha. Nai-spoil ko tuloy ang birthday mo," sabi nito maya-maya.
"It's okay."
"Ayoko kasing sabihin sa 'yo 'yong problema ko ngayon. Nakakahiya naman. Ayokong masira ang araw mo."
"My day is too good to be ruined," sabi niya nang may ngiti.
Celine smiled back. Itinaas nito ang mga paa sa sofa at sumandal sa balikat niya, while relentlessly pinching the bubbles. She even let him out his arm around her. And his day instantly just got a lot better.
"I just remembered... di ba may sasabihin ka sa 'kin?"
"Oo nga, 'no. Nakalimutan ko na."
"I have something to tell you as well, pero ikaw muna. Ladies first."
Kinuyumos ni Celine ang bubble wrap at saka itinapon sa isang box na walang laman.
"Ano na?" udyok niya.
Napahawak ito sa pisngi. "Huwag na pala. Nakakahiya."
"Dali na!" pangungulit niya. "I've been wondering about it since Christmas eve, e."
She exhaled sharply. "Okay, fine. Pero mag-promise kang hindi mo 'to sasabihin sa parents mo. Hindi naman nila kailangang malaman, e."
"Promise."
She looked at him. Namumula ito ng bahagya. Will she say that she finally likes him? Because it feels like it. Parang iyon kasi ang pakiramdam niya. His heart won't stay still. Hindi ito mapakali.
"Nililigawan na ako ni Yuan." Pagkasabi'y tinakpan nito ang mukha. "Nakakahiya!"
She then told him how it happened, but he couldn't get past tyat first statement. Pakiramdam niya'y may nabasag sa loob niya. His heart began to hurt and all he wants to do is to squeeze it so hard until the pain stops.
But he just sat there, faked a smile and pretended to listen.
"Thanks ha. Gumaan ang pakiramdam ko. Ilang araw na kasing wala akong pinagsasabihan, e."
"Sure. Anytime."
"Ano nga pala 'yong sasabihin mo?"
"Oh, that..." He rubbed his belly. "Gutom na 'ko, e. Let's eat?"
In reality, he feels like his stomach's full of bricks. Wala siyang ganang kumain, but he pretended to eat with gusto, even swallowing the food whole to the point na nabibilaukan na siya.
There were still a few things that need to be done inside the house, to which Celine agreed to help. Pumayag na rin itong doon matulog tapos ay maglilinis naman sila kinabukasan. Hindi na kasi sila nag-ayos pagkabalik nila. Nanuod na lamang sila ng movies sa phone niya.
"Sa kwarto ka na matulog. I'll just sleep on the couch," he told her when the clock turned 11.
"Ano ka ba. Condo mo 'to. Ikaw dapat ang natutulog sa kwarto mo."
"Ikaw ang babae. You sleep in my room. I'll take the couch."
Umiling ito. "Ako ang bisita, sa couch ako. Unless gusto mong umuwi na lang ako?"
Imbes na iyon ang mangyari ay pumayag na lamang siya sa gusto nito. Nilagyan nila ng mga punda ang mga unan saka niya ito binigyan ng kumot.
"Gusto mong mag-aircon?"
"Huwag na. Sanay ako sa electric fan."
When she's settled, pumasok na siya sa kwarto para matulog. But it felt strange. Namamahay pa yata siya. O baka sadyang hindi pa siya inaantok. Or maybe it's what she said that's keeping him awake.
Pabaling-baling siya, pipikit-mumulat.
He grunted when he looked at his phone and saw that it's already almost two in the morning pero wala pa rin ang antok niya.
Bumangon siya at sinilip kung gising pa si Celine sa sala. Through the dim light, he saw that she's already fast asleep.
He sat on the floor close to her. Tiningnan niya itong mabuti. Even when she's sleeping, she's still smiling.
Ever so gently, he caressed her face.
"Bakit gano'n?" pabulong niyang tanong. "They told me na mabilis akong magsawa. But why is it that it's been months since we met and I still like you?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro