Capitulo Veinticuatro
"Ligawan mo kaya?"
That was Janelle's piece of advice bago ito umuwi. When Celine volunteered to clean the dishes, nagpaiwan silang dalawa sa sala para mag-usap.
"I tried that already, di ba? I was already dumped," he reminded her.
"Hindi naman nya malalaman na nililigawan mo sya, e. Hindi mo naman sasabihin."
That confused him. Ano naman ang sense ng panliligaw na gagawin niya kung hindi naman alam ng nililigawan niya na nanliligaw siya? Isn't that kind of... pointless?
When he asked her, Janelle has his to say: "Gagawin ko lang 'yong panliligaw pero hindi mo sasabihin sa kanya kasi siguradong iiwasan ka nya. Ganyan kasi si Celine. Kapag ayaw nya, iniiwasan nya."
That's what he's afraid of. Masakit kaya 'yong iiwasan ka ng taong gusto mo dahil sa gusto mo sya.
"So what's the point?" he asked.
"Para hindi ka dehado. Kasi kung hahayaan mo lang si Yuan, mahuhulog talaga si Celine sa taong 'yon. Hindi kasi sya 'yong tipo ng babae na madadaan mo sa santong paspasan, lalo na kung wala naman syang feelings sa 'yo. She's the kind of girl na kailangan mong utuin muna, make her fall without her knowing that she's already falling. Dapat sa kanya dinadaan sa pasakalye na makapagpapa-realize sa kanya na gusto ka na pala nya. Dapat sa kanya mismo manggaling na gusto ka nya. Kasi sobrang dense nyan. For sure, kahit sabihin ko sa kanyang gusto mo sya, hindi 'yan maniniwala. At kapag ikaw ang umamin, iiwasan ka naman nya."
He made a mental note to try it the following weeks. Panliligaw sa gawa, hindi sa salita ang ginawa niya. He showered her gifts with everyday. He took her out to expensive dinners. And Janelle was right. Celine has no idea that he's already courting her. Sa utak nito, magkaibigan pa rin lang sila. That he's just sweet, nothing more.
--
Kahit nang dumating ang Valentine's day, imbes na maghanap ng ibang ka-date, nakiagaw na lang siya sa oras ni Yuan with Celine.
It was a Sunday and she's supposed to go out with Yuan that day. Nagpunta sa amusement park ang dalawa. Maghapon ang dalawa roon tapos nang gumabi, nanood naman ang mga ito ng gig ng Up Dharma Down sa isang resto bar.
He was worried all day na baka pagkatapos ng araw na iyon ay sagutin na ni Celine si Yuan. Kaya maghapon niya itong tini-text. She replied a couple of times but that's it. Kalaunan ay nainis yata ito sa pang-aabala niya.
Nag-textna lang ito ulit nang makauwi ito. Bandang alas once na rin iyon at kahit gusto niya itong makita ay hinayaan na lamang niyang makapagpahinga ito. But she did agree to have breakfast with him the next morning as her apology because they weren't able to eat dinner together that day.
--
Kinabukasan, maaga siyang gumising at nag-ayos. Saka siya dumiretso sa dorm ni Celine. She's already dressed and waiting for him.
Medyo basa pa ang buhok nito.
"Naligo ka na?"
Tumango ito.
"Why? Your shift starts at 10pm."
"Nakakahiya naman sa 'yo kung nakapantulog pa ako tapos ikaw, bihis na bihis."
She eyed his outfit with a frown.
"Pink talaga?"
"What's wrong with pink?" kunot-noo niyang tanong. "Are you one of those girls na tingin sa lalaking naka-pink, bakla?"
Celine grinned. "Sira! Hindi. Ngayon lang kasi kita nakitang nakaganyan."
"Valentine's day kasi kahapon. I was supposed to wear it yesterday but you cancelled," sabi niyang may halong tampo.
"Sorry na kasi. January pa lang kasi, naka-plano na 'yon. Sana nung Saturday ka, para pre-Valentine's."
Iyon nga sana ang gusto niya para kahit hindi eksaktong Valentine's day, at least siya ang nauna. But 13 is reserved for his mom. Sa fourteen kasi, parents niya ang magka-date. So kapag 13, silang magkakapatid ang lumalabas kasama ang mommy nila.
--
They ate at her favorite place, Mcdo. Celine loves to eat pancakes in the morning. Tapos sasamahan ng mainit na kape... it just makes her morning perfect.
"Hey, what are you doing this Saturday? May concert tickets kasi ako."
"Wonderland?" she asked. She's been dying to go to that concert ever since it was announced. Kakanta ang paborito niyang Pinoy band, along with other indie artists, local and international. Kasama rin yata si Jason Mraz.
Kelvin nodded. "I guess you're planning on going? We could go together."
"Plano ko nga... plano namin ni Yuan."
"Oh."
"Inaya nya ako kahapon. May tickets na kami." She smiled apologetically. "Sorry."
Gustuhin man niya itong ayaing sumama, nahihiya naman siya kay Yuan. He's been asking her lately kung nanliligaw ba sa kanya si Kelvin. At kahit ilang sabi niyang hindi, hindi pa rin maalis sa mukha nito ang pag-aalala.
Yuan feels inferior to Kelvn. Who wouldn't? Kahit naman siya, nai-insecure din minsan sa kaibigan niyang gwapo, mayaman at maganda ang pamilyang pinagmulan.
"Sayang 'ying VIP tickets ko. May backstage pass pa," simangot nitong sabi.
"Sorry talaga." Gusto sana niyang kay Kelvin na lang sumama. She might even get a chance to take pictures with the artists. Kaso nakakahiya naman kay Yuan. Kahit hindi VIP tickets ang binili nito, mahal pa rin iyon.
"Saka Kelvin, huwag ka na lang magpadala ng flowers sa office. Nakakailang kasi."
"Why not? Don't you like them?"
Umiling siya. "Hindi naman sa gano'n, pero kasi si Yuan--"
He held up his hand. "Okay. I get it."
"Baka kasi isipin nyang nagpapaligaw din ako sa 'yo kahit hindi naman."
"They're just flowers. They don't mean anything. Kahit si Kylie binibigyan ko rin when I want to," he explained.
"Alam ko namang sweet ka. Kaso nami-misinterpret ng ibang tao, e."
"Okay. So ano pa ang bawal? Bawal ka na ring sunduin? Bawal na rin tayong lumabas na dalawa?"
Mukhang naiinis na ito. What a way to ruin his morning... pero kung hindi naman niya ito pagsasabihan, hindi naman ito titigil.
"Masyado ka kasing sweet as a friend. Lahat na lang ng kakilala ko, iniisip na ikaw ang nanliligaw, hindi si Yuan. Syempre, nai-insecure 'yong tao."
"Well, pasensya na lang sa kanya. But I am always like this. And I won't change for him."
"Then can you do it for me?" she asked. "Please?"
She really likes Yuan and whatever it is that they have right now, she doesn't want it to end. She just hopes that Kelvin understands where she's coming from. Because she wants to keep them both. Compromise... that's all she asks from him.
--
Kelvin didn't know what to do after that breakfast. Ilang buwan na rin silang magkakilala ni Celine at ilang buwan na rin siyang nahihirapan dahil sa sitwasyon. Hindi na niya alam kung ano ba ang dapat gawin.
When he talked to Janelle later that day, she insisted that he shouldn't give up. Habang hindi pa raw sinasagot ni Celine si Yuan, may pag-asa pa siya. Pero meron nga ba?
Pati trabaho niya, naaapektuhan. He was supposed to be meeting a client that afternoom for his project proposal, but he was mentally absent. Hindi niya naipaliwanag ng maayos ang kailangang ipaliwanag. Mabuti na lamang at nandoon si Jace, his business partner. Jace took over the meeting and he was later scolded for being absentminded.
"Ilang linggo ka nang ganyan. You're acting like a lovestruck fool again," Jace reprimanded. "I'm not saying that it's bad to love, pero pare, ilugar mo naman. Kapag oras ng trabaho, sa trabaho ka dapat naka-focus."
"I'm sorry, Jace."
Bumuntong-hininga ito. "Tama nga si kuya. Malala ka na."
Naiiling itong bumalik sa office nito, leaving him in their small meeting room.
Magkaklase sila ni Jace noong college. He met Jake through him. Pero mas naging ka-close niya si Jake, Jace's older brother. Kalog kasi si Jake, hindi katulad ng kapatid nito na masyadong business-minded.
Four years ang tanda ni Jake kay Jace pero mas mukha pa itong bata sa kapatid nitong palaging seryoso. But Jace is good with business. Nang magtayo siya ng kumpanya, ito kaagad ang kinuha niyang katrabaho. He was supposed to go the states after passing the board exam, pero nahikayat niya itong magbuo na lang ng sariling kumpanya.
Kanya ang resourses at ito naman ang bahala sa pagpaplano. And two years later, the business is still doing okay.
--
Having the brothers as his friends have its perks. They could both give him good advice kahit hindi pa niya sinasabi sa isa kung ano ang nangyayari. They're practically like one person in two separate bodies. And alam ni Jake ay alam na rin ni Jace and vice versa.
He was just about to call Jake when he called.
"Nagsumbong na naman ang kapatid ko. Wala ka na naman daw sa sarili."
He sighed. "I was just a little disoriented."
"P're, hindi na nakakatuwa 'yang ginagawa mo. Sa labas ng trabaho, okay pa 'yan, pero once na nasa office ka na--"
"Jake, spare me the lecture. Jace already gave me one."
"Okay. So... ano ba ang nangyari?"
Sinabi niya sa kaibigan kung ano ang napag-usapan nila ni Cekine kanina over breakfast.
"May point naman sya, p're. Sinasapawan mo 'yong nanliligaw, e!"
"I didn't mean to."
"Oh, bullshit. You meant to."
He grunted. "I just don't kniw what else to do. Hindi naman kasi ako sanay na hindi sweet sa mga kaclose kong babae."
"'Yong pagka-sweet mo kasi kay Celine, may malisya."
"Hindi naman nya alam 'yon," dahilan niya.
"Pero si Yuan, nakakakutob. Syempre, kapag nanliligaw ka sa isang babae, ayaw mo namang may kakompetisyon ka."
"Why not? I'm okay with it. May the best man win na lang."
"Syempre, kung ibang babae, ikaw ang pinipili palagi. E pa'no kung si Celine? Ilagay mo 'yong posisyon mo kay Yuan. Paano kung ikaw ang nanliligaw tapos may kaibigan syang mas galante pa sa 'yo at parang araw-araw, Valentine's day kung manuyo sa babae? Hindi ka kaya kabahan?"
Hindi siya nakasagot. In a way, tama nga naman ito.
"Kung ako sa 'yo, imbes na inuubos mo ang oras mo kay Celine na wala namang balak na patulan ka, maghanap ka na lang ng ibang pwedeng paglaanan mo ng atensyon. Baka hindi ka lang sanay na walang girlfriend kaya ka nagkakaganyan."
"Iba 'to, Jake," he insisted.
"Kahit na. Pointless pa rin kung maghihintay ka sa wala. Para kang naglalaro ng tennis mag-isa. Serve ka nang serve pero walang nagbabalik sa 'yo ng bola. O, di ba, para kang tanga."
"Hindi naman kasi gano'n kadaling lumayo sa kanya, e. I already tried it. I can't."
"Hindi ko naman sinabi sa 'yong lumayo ka sa kanya. Ang akin lang, sa iba ka na lang maging sweet. Manligaw ka ng iba. Ang daming babae dyan. Baka masyado ka lang naka-focus kay Celine kaya hindi mo sila napapansin. Malay mo... hanggang magkaibigan lang talaga kayo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro