Capitulo Veinte
Jam-packed ang December ni Celine. Not only did she help in wrapping the gifts that Kelvin bought, but she also went with him to the hospital. Ka-close na nito ang mga bata doon. They were so happy to see him.
Bukod sa mga regalo ay may short program din silang ginawa. May kaunting salo-salo, may exchange gift at may performance din ang mga bata. Kelvin urged her to sing for them, which she did.
Muntik na siyang maiyak nang yakapin siya ng mga bata pagkatapos. Buti na lamang at napigilan niya ang sarili. It would be unfair to the kids na todo ngiti kung siya naman ang iiyak.
Nang makaalis na sila ng ospital, saka na lamang siya umiyak.
"Sorry," she told him.
"It's okay. Normal lang naman na makaramdam ka ng awa for them."
Pinahid niya ang luha. "Alam mo ba, minsan ko na ring nahiling na sana may cancer ako o kaya tumor sa utak," she said with a laugh. "Para ituring ako ng ibang tao na special. Para may excuse akong gagamitin. Tapos... nung nakita ko sila kanina... na-realize ko na ang selfish pala ng hiling na 'yon. Normal na nga ako, walang sakit, pero hindi pa ako matutong magpasalamat sa kung anong meron ako."
"Buti na lang hindi ka umiyak kanina."
"Sila ngang may malubhang karamdaman, nakukuha pang ngumiti e. Ano'ng karapatan kong malungkot? Kumpara sa kanila, ang babaw ng problema ko."
Kelvin shook his head. "Don't say that. Wala namang maliit na problema e."
She heaved out a sigh. "Tama na nga 'to. Christmas season ngayon. Dapat masaya."
"Do you want a hug?"
"Huwag na." She might feel the tingles again. For some unknown reason, it scares her.
--
Biyernes, bago mag-Christmas week, ginanap naman ang Christmas party nila. Wala sana siyang balak sumama dahil may trabaho sila, but Jake insisted. Excused daw muna sila sa trabaho for the time being.
Christmas party rin kasi ng counterpart nila sa US. Kaso, after work ang mga ito o bandang alas otso pa ng umaga kinabukasan, Philippine time.
Dahil magpa-pasko naman, generous ang mga ito. Pwedeng magliwaliw muna. Kaya maaga silang pumasok ni Yuan. Alas sais pa lamang ay nandoon na sila.
Ang mga tao naman sa office ay nagsisipaghanda na para sa gaganaping Christmas party.
"O, 'yong mga newbie, maghanda na kayo ng ipi-perform ha. Sing and dance lang ang pwede. Walang tutula!" anunsyo ni Jake.
"Hala. Bakit naman magpi-perform pa?" pabulong niyang reklamo.
"Tradition kasi sa company," paliwanag ni Yuan.
"Ano'ng gagawin mo mamaya?" tanong niya rito.
"Kakanta, syempre. Hindi naman ako marunong sumayaw e."
She sighed. "Sige, kakanta na rin lang ako."
Alas syete, nagsialisan na ang ilan. Hinintay muna niya si Janelle na may tinatapos pang trabaho. Urgent daw kasi iyon kaya hindi nito maiwan. Mag-a-alas otso na nang matapos ito. Wala nang tao sa office kundi silang dalawa.
"Alam mo ba kung sa'n 'yong venue?" tanong niya sa kaibigan.
"Oo alam ko... kapag nakakotse. Kaso kapag commute, hindi."
"Hala! E hindi ko rin alam ang pagpunta do'n!"
"No worries! May masasakyan naman tayo."
"May dala kang kotse?"
Humalakhak ito. "'Te, wala kaya akong kotse!"
"E malay ko ba. Prenteng-prente ka kasi kanina. Kung alam ko lang na hindi mo alam ang pagpunta do'n, sana nagpahintay tayo kay Sir Jake."
"Ayos lang. May susundo nga kasi sa 'tin."
"Sino nga?"
"Sino pa ba? E di Kelvin!"
Kumunot ang noo niya. "Bakit sasama sya e hindi naman sya employee?"
"Sa kanila naman 'tong company."
Kung sabagay, may point nga naman ito. Hindi na lang siya nakipagtalo.
"Anong oras daw sya pupunta rito?"
Janelle checked her phone. "Asa parking na raw sya. Tara na!"
Sumunod siya rito pababa ng parking lot. True enough, he's already there, waiting. Pinasakay siya ng kaibigan sa unahan kahit gusto niyang kasama ito sa backseat. Magmumukha raw kasing driver si Kelvin kapag ginawa niya iyon. Ayaw naman ni Janelle sa unahan.
--
Ilang minuto lamang ay nasa tapat na sila ng isang hotel sa Kalayaan. Doon daw sila sa nag-iisang floor na may terrace, na itinuro ni Kelvin kanina mula sa malayo.
"Ja, see that paper bag next to you?" asked Kelvin, nang mai-park nito ang kotse.
"Yes. Why?"
"Regalo ko sa 'yo," nakangiti nitong sagot.
Napapalakpak si Janelle sa tuwa, lalo na nang makita nitong mamahaling dress ang laman noon. "Ang bongga naman! Thank you, may pamasko na 'ko!"
"Ako ang pumili nyan," pagmamalaki niya.
"Hindi naman ikaw ang nagbayad," pambabara ng kaibigan niya. "Thanks, Kelvs. Sorry wala akong gift ha. Hindi naman ako na-inform na may exchange gift pala."
"Okay lang. Sa birthday ko na lang."
"Sure! Kelan ba?"
"December 27. Punta kayo sa bahay ha."
"Speaking of which," singit niya. Kinuha niya sa bag ang isang box ng pabango na regalo niya rito. "Pa-pasko at pa-birthday ko na 'yan sa 'yo ha."
It was the most expensive gift she's ever given to anyone. Pero kumpara sa mga regalong naibigay ni Kelvin sa ibang tao, mumurahin pa iyon.
Pabango iyon na pina-customize nya. Wala kasi siyang mapili sa mga tindahan, so nang malaman niyang pwede siyang gumawa ng sariling scent, iyon na lamang ang pinili niya.
"Kung ayaw mo ng amoy, itago mo na lang. Hindi ko kasi sure kung magugustuhan mo."
"Magugustuhan nya 'yan, for sure!" Janelle said. "Di ba, Kelvs?"
Ngumiti si Kelvin. "Yeah."
The two exchanged knowing looks. Parang may alam ang dalawa na hindi sinasabi sa kanya. But being not the prying kind, hindi na lamang niya inalam kung ano iyon.
--
Pagdating nila sa function room, naabutan nilang nagkakantahan na ang ilan sa mga katrabaho nila sa kumpanya. Malaki ang lugar. May mga tables kung saan kanya-kanyang pwesto ang mga empleyado. May isang mahabang table kung saan nakalagay ang mga pagkain. May lamesa sa unahan kung saan nakapatong ang mga nakabalot na prizes at ilang bote ng alak.
Patay na. Mukhang may inumang magaganap.
Eksakto namang may videoke rin.
Naupo sila sa bandang unahan, sa table nina Jake at Yuan. Tuwang-tuwa ang ilang empleyado (especially the women, she noticed) to see Kelvin there. Taon-taon pala talaga itong sumasama sa Christmas party bilang proxy ng daddy nito.
"Guys, pwede nang kumain!" anunsyo ni Walter, ang VP ng Operations. Nagsitayuan sila at pumila.
Maraming pagkain sa mesa tapos may mga servers na nandoon para takalan sila. May maliit na litson, may ilang trays ng maja blanca, may spaghetti, pancit, chop suey, shanghai rolls, holiday ham, cake at kung anu-ano pang ulam.
Pagkakuha nila ng pagkain, saka sinimulan ang presentation ng mga newbies. Kaunahang nag-perform si Yuan. Pagbalik nito, he urged her to perform next. Mas nakakakaba raw kasi kapag mamaya pa. Saka para makakain na rin siya nang maayos.
Kaya pagkatapos ng isang group na nagsayaw, sumunod na siya. She also sang.
Next is Janelle, na hindi alam kung ano'ng gagawing talent.
"Kumanta ka na lang din!" udyok ni Jake.
"Duet tayo, sir."
The two sang Sinta by Aegis. And it's still as
funny as she remembers.
"Sana pala nag-duet na lang din tayo," sabi sa kanya ni Yuan.
"E di mamaya. Pwede naman."
May ilan pang nag-perform after nina Janelle, habang si Jake naman ay nagsimula nang mag-ikot para magpatagay. Sa unahan naman ay may mga nagpapa-games. Tapos na kasi halos kumain ang lahat na nandoon.
"Hala, sir, hindi po ako umiinom," tanggi niya nang ibigay nito sa kanya ang isang shot ng tequila.
"Bawal ang KJ, Celine!"
"She said she doesn't want to," singit ni Kelvin. "Huwag mong pilitin. You know how she is when drunk."
Iniabot nito kay Kelvin ang tagayan. "E di ikaw ang uminom para sa kanya."
Bago pa man siya makareklamo ay nainom na nito ang tagay. Jake hooted, then he went to another table. Habang nag-iikot ito, sila namang mga nasa unahan ay kanta nang kanta kapag walang
games sa unahan.
--
After just an hour and a half, paubos na iyong mga mamahaling alak na nasa isang table. She noticed that Kelvin's already drunk. Namumula na ito at medyo lango na rin kung makatingin.
"Sir Kelvs, ikaw naman ang kumanta!"
Umiling si Kelvin. "No, sorry!"
Well, he's not that drunk if he's still able to say no. Pero nakailang tagay na ba ang boss niya rito? Dalawa kasi ang tagay rito, isa para sa kanya at isa para sa sarili nito. It's a good thing na maraming empleyado ang nasa party kaya maraming tao ang umuubos ng isang bote. Otherwise, baka nakadapa na si Kelvin sa kalasingan.
Jake stopped for a while to sing. Lintik Na Pag-Ibig by Brownman Revival. Inis na inis si Kelvin dito at ngali-ngali pang batuhin ng tagayan. Tawang-tawa naman si Jake habang pasayaw-sayaw sa harap nito.
Lintik na pag-ibig
Parang kidlat
Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat
Sinundan iyon ng I'm Yours ni Jason Mraz na kinanta naman ni Janelle. Saka sila nag-duet ni Yuan.
"Kaya mo pa ba?" tanong niya kay Kelvin pagkatapos. Nakahawak na kasi ito sa sintido nito.
"Hindi na," mahina nitong sagot.
Thinking that he meant the drinking, pinakiusapan niyang tumigil na si Jake sa pagtatagay.
--
Mag-a-alas onse na when things start to get a little SPG. May isa kasing game na pagalingang sumayaw. Isang lalaki at isang babae ang participant.
For the women, si Janelle ang nag-volunteer kasi pera ang premyo. 'Yong VP nila ang kinantyawang maupo sa unahan para bigyan ng lapdance. Habang nagsasayaw si Janelle sa unahan, may bidding namang nagaganap para sa premyo. The more she dances, lalong tumataas ang premyo nito.
Sa dulo ng sayaw, naka-7K ito. Janelle was ecstatic.
"O, sino naman sa lalaki?" tanong ng host.
Kelvin leaned closer to her and whispered, "Do you want to see me dance?"
Nagsalubong ang kilay niya. Now he's really drunk.
Narinig yata ni Jake iyon dahil bigla itong sumigaw nang, "Si Kelvin!"
The people around her got excited. He asked her again, louder this time, for everyone to hear. Hiyang-hiya siya sa mga kantsyaw ng mga kasama.
"Yes, please!" panggagatong ni Janelle.
"I will only dance if she says yes," Kelvin told everyone. Kaya siya naman ang pinilit ng mga ito.
"Sige na! Magsayaw ka na!"
He grinned and got up. "Okay, sino'ng sasayawan ko?"
Some women raised their hands. Buti na lamang at hindi siya ang hinila nito sa unahan. She'll die from embarrassment.
The lights were dimmed as Kelvin began dancing.
"Oh my god! Ang hot nyang sumayaw!" Janelle was giggling uncontrollably. She had to agree. He really does looks hot while dancing.
--
Kelvin was enjoying himself. Walang inhibitions kapag lasing, and although linaw pa naman siya, alam niyang lasing na rin siya. Medyo umiikot na rin ang paningin niya habang sumasayaw.
Pero natapos naman niya iyon nang hindi natutumba.
The host gave him his prize after, but he refused. Sinabi na lamang niyang ipampremyo na lang iyon sa next game. He's just eager to go back to his seat and ask Celine how his performance was.
Kaso ay wala naman ito nang bumalik siya roon. He didn't even notice na tumayo ito.
"Ang hot n'on a!" kumento ni Janelle na pinapaypayan ang sarili.
Ngumiti siya. "Thanks! Si Celine?"
Tumuro ito sa may labas. Nakita niyang nag-uusap doon ang dalawa. Yuan said something which made her blush. Kahit nasa malayo ay alam niyang namumula ito. It's the face she makes kapag kinikilig ito.
He can't help but scowl.
"Alam mo, hindi ko alam kung sino sa inyong dalawa ang iuuntog ko."
Binalingan niya si Janelle. "Bakit mo naman kami iuuntog?"
"Kasi pareho kayong tanga. Tanga ka sa kanya. Sya naman, tanga sa iba."
He doesn't like that feeling. Kung siya ang papipiliin, he'd wish na sana hindi na lang niya nararamdaman ang nararamdaman niya. Masaya siya tuwing nakikitang masaya si Celine, pero sobrang lungkot naman kapag nakikitang iba ang nagpapasaya rito.
--
Hindi makapaniwala si Celine sa sinabi ni Yuan kanina. He just asked her out! Parang nailagay siya sa spot bigla. Hindi niya alam ang sasabihin. Lalo pa nang aminin nito sa kanyang gusto siya nito. Hindi lang ito makatyempo dahil palaging nasa paligid si Kelvin.
Akala pa nga nito ay may gusto sa kanya ang kaibigan. Para raw kasing ganoon. Buti nalinaw niya kaagad na walang namamagitan sa kanila ni Kelvin.
"Laki ng ngiti mo a!"
Napahawak siya sa pisngi. Nasa passenger's seat siya ng kotse ni Jake. Nasa likuran naman si Kelvin na mukhang tulog na. Ihahatid nila ito bago sila dumiretso sa boarding house.
Mabuti na lamang at hindi pa lasing si Jake. Si Kelvin kasi, hindi na kayang mag-drive.
"Ang saya po kasi ng Christmas party," dahilan niya.
Bukod sa nanalo siya ng gift certificates mula sa isang game, nanalo rin siya ng isang rice cooker sa raffle. Hindi naman kasi siya swerte sa ganoon, pero nakapanalo siya kahit rice cooker.
And then, Yuan asked her out. Talagang the best ang Christmas season!
--
Pareho silang nakaalalay kay Kelvin hanggang sa may pintuan.
"Dapat pala may nakahanda tayong wheelchair. Ang bigat nitong taong 'to!" reklamo ni Jake.
He rang the doorbell.
"Kayo kasi, sir, e. Nilasing nyo."
"He needed the drink anyway," sabi nito sa kanya. "Kasalanan nya 'yan, tanggap kasi nang tanggap."
"E kasi nga po, tinatagayan nyo."
"Kasi nga, gusto nya rin namang malasing. May pinagdadaanan kasi 'to."
Wala namang sinasabi si Kelvin sa kanya. Maybe she's not that kind of friend to him, the one he can confide to. Pero sana ay maging open naman ito sa kanya. Para kasing iyong mabababaw na bagay lamang ang alam niya.
Hindi tuloy niya alam na may problema na pala ito.
Jake rang the doorbell again. This time, bumukas na ang ilaw sa loob. Then the door opened. Lumabas ang mommy at daddy ni Kelvin.
"O, bakit nalasing 'yan?" tanong ni Vince sa kanila.
"Kasalanan ko po. Sorry. Kinuha nya po kasi 'yong mga tagay ko. Hindi po kasi ako umiinom," paliwanag niya.
Moira exhaled sharply. Saka nito sinamaan ng tingin si Jake. "Jake, hindi ba sabi ko don't get him drunk?"
"Problemado ma'am, e," dahilan nito.
Tinapik ni Moira ang anak sa pisngi. "Kelvin, anak, gising na."
Umungot si Kelvin at tiningnan ang nagsalita. Nang makitang ang ina iyon, bigla itong ngumiti at humiwalay sa kanya.
"Mommy!" Yumakap ito sa ina. "I love you!"
"I love you, too. Let's go inside na, okay?"
Umurong si Kelvin at hinawakan sa tigkabilang balikat ang ina.
"Merry Christmas!"
Biglang natawa si Jake. The sound made Kelvin turn around. Nang makita nito si Jake ay niyakap din ito.
"P're, ang lakas mo namang makabading!"
"I love you, Jake! Merry Christmas!"
Napasapo na lang si Moira.
"O, si Celine naman!"
Bigla siyang napaurong. But Kelvin was already walking towards her. He gave her a bear hug, but it was like being embraced by a live wire. Parang lahat ng nerve cells niya sa katawan, sumasayaw bigla.
"I love you, Celine."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro