Capitulo Uno
What is love?
Celine rolled her eyes. Pakyu, she typed. She minimized the chat box and continued with her work. Pero itong makulit niyang katrabaho at kaibigan na si Janelle, nag-chat na naman.
Ganda ng sagot. Kaya wala kang boyfriend e. To which she replied, LOL.
Nakita niya itong tumayo mula sa cubicle nito para pumunta sa pwesto niya. Dalawang hanay ng mga cubicles ang station nila. Tig-limang magkatalikuran. Nasa dulo siya, sa tabi ng bintana, habang ito naman ay nasa kabilang row, sa kabilang dulo, katabi ng aisle.
"Coffee tayo?" aya nito.
Tiningnan niya nang masama ang kaibigan. Naka-off shoulder pink blouse ito at dark-blue na skinny jeans. May gem bracelet, may chandelier earrings at pearl necklace. Nakasuot ito ng patusok na sandals na mataas ang takong. Ayos na ayos din ang kulot nitong buhok na parang araw-araw pinasa-salon dahil sa kintab at lambot.
Bumuntong-hininga siya. "Mcdo?"
Janelle grimaced. "Mcdo? Hello, girl! Ang beauty ko, pang-Starbucks! Mcdo ka dyan!" bulalas nito sabay pagulong ng mata.
"Wala akong pera pang-Starbucks."
"Palagi mo na lang sinasabing wala kang pera. Pa'no ka magkakapera nyan kung palagi mong kinukontra?"
"Sinasabi kong wala akong pera kasi mapanggago ang universe. Kung ano 'yong gusto ko, 'yong opposite ang ibinibigay. So sinasabi kong wala akong pera for the universe to prove me wrong and give me money," mahaba niyang paliwanag.
"Sus. What-ever! Basta Starbucks tayo. Libre kita."
She didn't really like going to Starbucks pero dahil libre naman ay sumama na rin siya. Napansin niyang noong isang linggo pa ito nawiwiling magkape. At palaging sa Starbucks, kung saan nakakaiyak ang isang cup ng kape. Noong isang linggo pa siya niyayaya nito pero hindi siya sumasama. Sobrang busy kasi niya noon kaya halos nakadikit na siya sa upuan buong maghapon.
Bumaba sila ng building at nag-underpass papunta sa kabilang side ng kalsada, kung saan sila magkakape.
"Bakit hindi na lang dun sa may atin? Mas malapit naman doon."
"Maraming tao do'n."
Pagkapasok nila sa coffee shop ay agad siya nitong inutusan na um-order ng dalawang drinks para sa kanila.
"Uy, hindi ako marunong dito!" she hissed.
"Basta mamili ka ng kape tapos tall ang size. Heto ang pambayad." Inabutan siya nito ng 500 at saka ito umakis para maghanap ng upuan. She had no choice but to order. Isang coffee jelly at dark mocha frappé ang in-order niya. Nang tanungin siya kung ano'ng pangalan na ilalagay sa cup, she said her name, but she later found out na instead of Celine ay Selena ang inilagay ng nasa counter. She then waited for their drinks to be made tapos ay saka niya hinanap ang kaibigan. Nakita niya itong nakapangalumbaba sa gilid. She looks to be in some kind of trance.
Inilapag niya ang kape sa lamesa and snapped her fingers.
"Huy!"
Inis nitong pinalis ang kamay niya. "Bwisit naman 'to! Abala ka sa pagnanasa ko!"
Naupo siya sa tapat nito. "May pinagnanasaan ka pang iba bukod sa boyfriend mo?"
"Crush lang naman e," nakanguso nitong sabi. Kinuha nito ang kape at saka uminom. "Iyong boyfriend ko kasi, hindi kasinggwapo nya."
Kumunot ang noo niya. "Nino?"
"Sa 5 o'clock mo. No! Don't look! Ay!"
It's too late. Nakalingon na siya. Lucky for them, nakatungo ang lalaki. Relaxed itong nakasandal sa couch, ang isang kamay ay may hawak na libro at ang isa naman ay nakahawak sa kape nito. He's alone on one corner, parang may sariling mundo.
Maamo ang mukha nito. Parang ang tino-tinong tingnan. At mukhang mayaman.
Bumaling siya sa kaibigan.
"Ang gwapo, di ba?" kilig na kilig nitong tanong. "Ang amo-amo ng mukha pero magkakasala ka sa katawan!" kagat-labi nitong dagdag.
"Ang landi mo, "she said, disgusted.
"Normal ang tawag dito, 'te. Palibhasa ikaw, devoid of emotions!"
She rolled her eyes. "Kaya ka kape nang kape, ano? Dahil sa lalaking 'yan. Nako, isusumbong talaga kita sa boyfriend mo."
"Alam naman ng boyfriend kong sya lang ang mahal ko kahit sandamakmak ang crushes ko. Hindi naman siguro masamang magnasa sa iba? Food for the eyes lang naman e."
"Kahit saang anggulo mo tingnan, kalandian pa rin 'yan."
"KJ mo! Tumanda ka sanang dalaga!"
"Mag-palpitate ka sana," she retorted.
Natahimik ito bigla. Saka nito dali-daling inayos ang sarili kahit wala naman nang aayusin dito. Parang may hanging dumaan sa gilid niya. She didn't know why her heart jolted like that when the guy passed by. Halos himatayin naman ang kaibigan niya nang makalabas ang lalaki sa coffee shop.
"Ang yummy nya, friend!"
"Pwede bang bigyan mo naman ako ng konting kahihiyan? "
But it seems like she didn't hear her. "Oh. My. God!" Agad itong tumayo at tinungo ang table na pinwestuhan ng lalaki kanina. She grunted when she saw why. Ngiting-ngiti nitong itinaas ang plastic cup na ininuman ng lalaki kanina. Gusto niyang lumubog sa lupa sa kahihiyan, lalo pa't pinagtitinginan sila ng mga tao.
"Kelvin ang name nya!" Janelle exclaimed when she went back to their table. "Grabe, pati pangalan nya, ang yummy!"
"Lumipat ka nga ng table! Baka akalain nilang magkasama tayo."
Dumila lamang ito at saka pinaikot-ikot ang cup.
"Kailangan talagang may heart sign sa tabi ng pangalan ni Kelvin?" taas-kikay nitong tanong.
"Baka crush din sya noong barista."
"Ang dami ko namang kaagaw sa kanya!"
"May boyfriend ka na."
"Kahit na!" pagpupumilit nito.
"Haynako. Bumalik na nga lang tayo sa office. Tutal wala naman na rito 'yong pinagpapantasyahan mo."
Simangot itong sumunod sa kanya palabas ng coffee shop. Tangan pa rin nito ang cup ni Kelvin. Gusto niyang batukan ang kaibigan. Masyado talaga itong hyper pagdating sa gwapo. Mabuti na lamang at pasensyoso ang boyfriend nito. Sobrang pasensyoso.
"Hindi mo pa ba itatapon 'yan?"
"Hindi. Huhugasan ko 'to tapos idi-display ko sa bahay."
"Lagot ka kay Marlon."
Janelle wrinkled her nose. "Oo nga, 'no? E di sa bahay mo na lang."
"Nasa boarding house lang ako, Ja."
"E di itago mo sa drawer mo."
"Lalanggamin pa 'yong mga damit ko. Ayoko."
Bumuntong-hininga ito. "Fine. Sa drawer ko na lang nga."
Pagkabalik nila ay agad nitong hinugasang maigi ang cup at saka itinago sa drawer nito. Pati straw, hindi nito itinapon.
"For sure, kapag nalaman ni Kelvin 'yang pinaggagagawa mo, mandidiri sya sa 'yo."
"As if naman malalaman nya."
"Malay mo... magkatuluyan kayo."
Nangislap ang mata nito. "Tingin mo, may pag-asang maging kami?!"
"Wala," she readily responded.
"Bwisit ka!"
She laughed. "Magtrabaho ka na nga!"
--
Kinabukasan, bago mag-alas tres ng hapon ay inaya muli siyang magkape ng kaibigan.
"No," tanggi niya.
"Please, Celine!" pakiusap nito. "Para naman kasi akong tanga kung tatambay ako ng matagal doon na wala akong kasama."
"E di mag-aya ka ng iba."
"Gusto ko ikaw! Sige na!"
She sighed. "Alam mo, nadi-delay ang work ko dahil sa 'yo."
"Ililibre naman kita, e."
"Aatakihin ka talaga sa puso nyang kaka-kape mo."
Ngumiti ito nang makitang ini-lock niya ang computer. "Yes! Thank you!"
When they arrived at the place, wala pa rin doon ang lalaki. Janelle insisted that they wait until he arrives. Nang makita kasi niyang wala naman ito ay nag-aya na siyang bumalik. After all, her friend's only there for the guy.
This time, it was Janelle who ordered habang siya naman ang humanap ng pwesto nila. Nang puntahan siya nito ay hindi lang kape ang dala nito. May dalawang slices pa ng chocolate cakes sa tray.
"Libre rin 'to?" tanong niya habang nakaturo sa cake.
"Oo na. Kuripot ka talaga."
Ngumiti siya at nilantakan ang cake habang ito naman ay maya't maya ang tingin sa pintuan. Pasado alas tres na siguro nang dumating si Kelvin. Nakita nilang dalawa kung paano ito makipag-usap sa babaeng nasa counter na pagkalaki-laki ng ngiti. Mukhang magkakilala ang dalawa dahil nakailang hagod sa braso ni Kelvin ang babae.
"Baka sila?" tanong niya sa kaibigan.
Janelle rolled her eyes. "As if naman papatulan nya 'yan!"
"Why not?"
"She's not pretty enough," pairap nitong sagot.
"Ikaw, tingin mo papatulan ka nya?"
"Naman! Kaso may boyfriend na ako so give ko na sya sa 'yo, basta pwede ko pa ring titigan."
"Ayoko. Sa 'yo na lang."
"Ay? Choosy ka pa, te?"
"Alam mo namang hindi ko type 'yang mga ganyan. Saka malay mo ba kung bakla yan--aray!"
Bumaon sa paa niya ang takong ng sapatos nito.
"Hindi sya bakla!" mariin nitong sabi.
"Oo na! Kailangan talagang manapak?!"
Janelle regained her composure when she saw the guy walking towards them. Naupo si Kelvin sa katabing table. Sa likod niya ito pumwesto. Alam niya kahit hindi tingnan dahil parang bulateng inaasnan itong si Janelle at panay ang kurot sa braso niya.
And also, there's that weird feeling again. Parang may kung anong kilabot sa batok niya. It's something like static electricity. Hindi niya mawari kung bakit may nararamdaman siyang ganoon. And why does it feel like someone's drumming in her chest?
It's exactly like yesterday. What the heck was that?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro