Capitulo Trenta Y Uno
If it's Janelle's intention to confuse her, then she succeeded. Litong-lito na si Celine sa kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Parang may tabing na natanggal sa mga mata niya. She can see things the way they are now. Kung dati ay walang malisya para sa kanya ang ginagawa ni Kelvin, ngayon bawat kibo nito, hindi niya mapigilang hindi bigyan ng kahulugan.
Pero may instances din na pinagdududahan niya ang sinabi ng kaibigan. Wala naman kasing espesyal sa pakikitungo sa kanya ni Kelvin. He treats everyone the same, maliban kay Gaile, which is understandable since dating naman ang dalawa.
"Parang hindi naman," pabulong niyang sabi sa kaibigan. Nasa hulihan sila ng grupo sa paglalakad.
"Ha?" kunot-noo nitong tanong. Nakataas ang kamay nila pareho, shielding their faces from the scorching sun. Pupunta raw silang underground river, pero mag-i-stop over muna sa isang kainan. Seafood restaurant na nakatayo sa isang malaking bato na nasa dagat. Mababaw ang tubig na kinatatayuan ng restaurant. Kapag high tide, pinakamalalim na ang hanggang bewang.
Kanina pa excited si Janelle sa pagkain. Hindi pa ito nag-agahan para ihanda ang sarili sa kainan mamaya, kaya naman nahihilo na ito sa paglalakad.
"Wala," sagot niya sabay iling. "Kaya mo pa?"
"Kaya pa naman. Pero gutom na 'ko."
Inabutan niya ito ng tubig, pero umiling ito at ipinakita sa kanya ang isang bote na kakalahati na lamang ang laman.
"Ano 'yong sinasabi mo kanina? Ano'ng parang hindi naman?"
Alangan siyang tumingin kay Marlon. Janelle immediately understood. Pinauna nito sa paglalakad ang lalaki. Saka ito kumapit sa braso niya.
"O, kwento na. Dali!"
Bumuntong-hininga siya.
"Parang hindi naman."
"Na?"
Inginuso niya si Kelvin sa unahan. Nakikipagkwentuhan ito kay Gaile, na nakakapit sa braso nito.
"Ah." Janelle gave her a nod of comorehension. "Sabi ko na nga ba, hindi ka maniniwala, e."
"Para kasing hindi naman."
"Haynako, Celine. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa 'yo. Siguro kahit lahat kami, 'yon ang sabihin sa 'yo, hindi ka pa rin maniniwala. Why don't you just ask him? Para sure."
Yeah, sure. Because that won't be awkward, at all. Madali nga lang namang lapitan si Kelvin at tanungin ito. 'Hoy, mahal mo raw ako. Totoo ba?' And then what?
Ilang scenarios na rin ang nabuo sa utak niya. Una, baka itanggi nito. Mapapahiya lamang siya. Pangalawa, baka pagtawanan siya nito. He might say that it's absurd and that it will never happen. At pangatlo at pinakamalala, he might say that he does.
And then what?
Kapag nasa kanya na ang bola, ano naman ang gagawin o sasabihin niya? Paano kung tanungin siya nito kung ano ang plano niyang gawin doon? What will she say then?
She shook her head. No. Things will be complicated. Ayaw na niyang isipin iyon. And more importantly, parang napakaimposible namang magkagusto ito sa kanya.
Hindi lamang siya iyong tipo ng babaeng magugustuhan nito. Realistically, it's impossible. Well, not really, kontra niya sa sarili.
She grunted. Parang nangyari na ito dati. Pang-ilang beses na ba? Noong high school, parang may lalaki ring mukhang may gusto sa kanya. Palagi kasi siya nitong sinusundan ng tingin. Pero may nangyari ba? Wala. Kaklase niya ang niligawan nito. Iniyakan nya 'yon. Para kasi siyang tanga.
Naulit pa iyon noong college. Dalawang beses pa. And it's not like she's been in love with them. It's just a possibility. Alam niyang kapag na-pursue 'yong possibility na iyon, it could have led to love.
Pero wala, e. Hanggang tinging-makahulugan lang. Hanggang maling akala. Hanggang sa nagsawa na siyang umasa. Ayaw na niyang mag-assume. Nakamamatay daw kasi.
And sure, guys have shown interest. Pero iyong gusto rin niya, iyong may possibility... wala. She's never met a guy who likes her enough to pursue her... well, until Kelvin.
Ang kaso, hindi naman niya ito gusto. Then came Yuan. And it somehow felt right. Like, finally, dumating na rin 'yong pagkakataong hinihintay niya.
But what about that spark? What about the fireworks in her stomach when Kelvin kissed her? Was she supposed to ignore all those things?
Kung titingnan naman ito, mukhang masaya itong kasama si Gaile. Parang tama ang dalawa para sa isa't isa. Bagay. Fit. Match.
Kaya naman imposible talaga.
She sighed again.
"May nanalo na ba?" tanong ni Janelle sa kanya.
"Ha? Saan?"
"Sa loob mo. Internal battle. Mukhang madugo, e." Ngumisi ito. "Siguro hindi mo lang makita 'yong sinsabi ko ngayon because you refuse to see it that way. Iniisip mo kasing imposible."
"Mind reader ka ba?"
"Kilala lang kita."
--
The road became narrower. Halos isang oras na rin silang naglalakad. Hindi kasi sila sumakay ng jeep dahil may nakapagsabi sa kanilang malapit lang daw ang lugar na pupuntahan nila. Thirty minutes na lakad lamang daw galing sa hotel. Iyon pala, ang akala ng napagtanungan nila ay sa bungad lamang sila ng lugar pupunta. May mga kainan din kasi doon. The man failed to mention that it will take another 30 minutes to get to the exact place.
Medyo mabagal pa naman ang pace nila dahil panay sila nang kuha ng pictures.
Her entire body hurts, pero nang makarating sila sa lugar, parang nawala ang lahat ng pagod niya sa paglalakad.
It was such a picturesque sight na kahit hindi kagandahan ang phone niya ay naengganyo rin siyang kumuha kahit isa o dalawang litrato lang.
Nagpahuli siya para mag-picture. Dahil naaliw siya, hindi niya agad napansin na siya na lamang ang hindi tumatawid. She hurried towards them. Ibinulsa niya ang phone at saka nilusong ang tubig.
Nakaakyat na ang ilan niyang mga hagdan na hinulma mula sa malaking bato. Medyo madulas iyon kaya ingat na ingat siya.
Nagulat siya nang biglang ilahad niya Yuan at Kelvin ang mga kamay para tulungan siyang makaakyat.
She saw Janelle above, make brushing motions. Gusto niyang matawa, had it not been for the two gentlemen in front of her, na parang hinihintay siyang magdesisyon kung kaninong kamay ang tatanggapin niya.
"Kaya ko na," she muttered.
Halos pagapang niyang inakyat ang hagdan dahil takot siyang madulas.
"Haba ng hair mo, 'te!" sabi nito sa kanya nang magkatabi sila.
Napansin niyang nakakunot ang noo ni Gaile sa kanya. As if questioning why, as if she knew something. Jake looks amused. Ngingiti-ngiti lang ito sa isang tabi. Maybe he knows something too.
--
Katabi niya sina Marlon at Janelle sa upuan. She made sure na malayo siya kina Kelvin at Gaile. But stares don't need physical contact. Kahit gaano pa siya kalayo, hindi pa rin siya ligtas sa mga makahulugang tingin ni Janelle.
Tuwing dadako naman ang tingin niya kay Kelvin, palagi itong nakangiti. But then again, he's like that to everyone so she can't know for sure kung may kahulugan ba iyon o wala.
Mabuti na lamang at masarap ang pagkain. It provided a great distraction. Everything's fresh. Lalo na iyong seafood platter na sobrang vibrant ng mga kulay.
"First time mong makakain ng lobster, friend?" tanong ni Janelle nang mapunang nasa pangalawang lobster na siya.
They all looked at her in amusement. It's true. Unang beses pa lang niyang makakain noon. Hanggang hipon lang kasi sila. Ang mahal naman kasi ng lobster.
"Sorry naman kung first time," nakanguso niyang sabi.
"Hindi naman kita jina-judge. O, heto!"
Her friend threw her her lobster. Kelvin and Yuan followed, almost at the same time.
"Baka naman pumutok ang batok ko nito, guys. Kalma lang kayo sa pagiging generous," biro niya. She tried to brush the self-consciousness away. Kung bakit ba naman kasi palaging nagsasabay ang dalawa. Ang dating tuloy, parang pinagkukumpitensyahan siya ng nga ito.
So she took Janelle's lobster and ate it while leaving the other two on her plate.
--
Halos tatlong oras din silang nag-stay sa lugar dahil nag-picture taking pa sila. Well, sila ang subject. Sya ang photographer. She likes being behind the lens. There's no need to make face or do awkward poses. Para pa naman siyang tuod sa harap ng camera.
Nakuha pang lumangoy ng mga kasama niya kaya lalo silang natagalan. Dahil sadyang mababaw ang tubig, napakalayo ng nilakad ng mga ito makalangoy lang nang maayos.
She was left on the beach to take pictures and guard their belongings.
Maya-maya, habang abala siya sa pag-zoom in sa DSLR ni Kelvin, nakita niya itong naglalakad papalapit sa pampang.
Ibinaba niya ang camera saka siya naupo sa tabi ng mga gamit nila. There's that uneasy feeling again...
Nginitian siya nito saka ito naupo sa tabi niya.
"Okay ka lang dito? Lumangoy ka kaya."
"Hindi ako marunong," she told him. She was never able to learn how to swim. Fantasy pa naman niyang tumira sa ilalim ng dagat dati. Gustong-gusto kasi niyang makakita ng makukulay na isda saka corals.
"Pwede namang magtuto, e."
"Hindi na 'ko matututo. Matanda na 'ko."
He chuckled. "Fine."
They both looked at the sea. Kinawayan ni Kelvin si Gaile. Kumakaway kasi ito sa kanila.
"Balik ka na do'n," sabi niya rito.
"Later."
"Pinapabalik ka na, o." Gaile was motioning him to come back into the water.
"Mamaya na," he insisted. "You're alone here."
"Ayos lang naman."
"Why don't you try to have some fun? I'll take care of our bags. Mag-picture ka do'n, o." He pointed at the area near the restaurant.
"Natatakot akong lumusong, e. Baka malaglag 'yong camera." Mahal pa naman. Wala siyang pambayad.
"Give me that. Tapos punta ka sa dagat. I'll take pictures of you."
"Ayoko."
"Wala ka pang picture. Sayang din 'to. Magandang pang-profile pic."
She made a face. "Awkward ako."
"E 'di candid. Kunwari 'di mo alam na kinukunan kita ng picture."
Umiling siya. "Huwag na."
In the end, Kelvin wasn't able to convince her. But he did give her a piece of his mind.
"You can't just be the observer all the time. Minsan, live your life. Don't just watch other people live theirs."
She gave him a questioning look, which he answered with a frown.
"What?" he asked.
Bilang tugon, itinaas niya ang camera at kinuhanan ito ng close-up picture. Napaurong ito sa gulat. She smiled and showed him the image.
"Pang-profile pic mo."
--
Hindi rin sila nakatuloy sa underground river dahil nagkatamaran na sila. Tumuloy na lamang sila sa isang beach party kinagabihan. Everyone, except her, was in their swimming attire. Todo-bikini ang mga babae. Ang mga lalaki naman, naked from the waist up. She felt like the odd one out kasi siya lamang ang naka-t-shirt.
Iyong pinuntahan pa nila, akala mo gathering ng Victoria's Secret angels at Abercrombie models. Kung hindi sumasayaw ang mga tao, umiinom o nakikipag-flirt ang mga ito.
To save herself from the mingling game, nag-ikot na lamang siya at kumuha ng random pictures.
Nang bumalik siya, nakikisayaw na ang mga kasama niya.
Con tu fisica y tu quimica tambien tu atonamia
La cerveza y el tequila y tu boca con la mia
Ya no puedo mas (ya no puede mas)
Ya no puedo mas (ya no puede mas)
Kung ano ang ikinasintunado ni Kelvin sa pagkanta, siya namang ikinahusay nito sa pagsayaw. She took pictures of him dancing. Then Gaile joined in. She's a great dancer too. Bagay na bagay nga ang dalawa.
--
Iyong ngiti niya habang nanunuod, unti-unting nawala nang makita niyang papalapit si Kelvin. Agad na tinakasan ng kulay ang mukha niya nang ma-realize kung ano ang balak nitong gawin.
Bago pa siya makareklamo ay nahila na siya nito sa gitna.
"'Yong camera!"
Iyong camera... na sana ay isinabit niya ang cord sa leeg. It was her only excuse not to dance, na madaling nakuha sa mga kamay niya at naipasa kay Jake.
And she was whisked away, just like that. She knows that she looks stupid. But everyone's cheering her on, as if goading her to just dance, let loose and live life. The energy caught up to her quickly.
And before she knew it, she was dancing with him. His hands holding hers, twirling her around. She couldn't wipe the silly smile off of her face.
---
Sorry sa typos!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro