Capitulo Trenta Y Dos
The following days were uneventful. Bawal kasi ang music, karne o kahit paggagala tuwing Biyernes Santo. Kaya ang naging lagay, nasa hotel lang sila, naglalaro ng Uno.
Nasa kanan niya si Kelvin kaya tuwing nari-reverse ang daloy, gumaganda ang cards niya. Ang sama tuloy ng tingin ni Janelle sa kanya dahil ilang beses na itong natalo. Pahiran pa naman ng lipstick ang parusa sa talunan.
"Ayoko na!" Janelle blurted out after a few rounds. Pulang-pula na ang mukha nito dahil sa lipstick.
"Last na!"
"Ayoko na nga!" Tumayo ito at nagmukmok sa isang tabi. Naturally, her fiancé followed. Hanggang sa isa-isa nang nagsiayawan ang ibang kasali.
Nauwi sila sa panunuod ng TV. Pero na-bore din sila dahil sa limitado ang channels. Mabuti na lang at naglabas ng Jenga blocks si Jake. He set them up on the floor while they watch with interest. Maya-maya, sumigaw ito ng 'game!' and then, it began.
--
She carefully pulled out another block. Then she turned it over to read the instruction written. Yung ibang Jenga block kasi, may nakasulat sa likod. May ilang tanong. May ilang dare. Kaya dagdag pressure sa paghila.
"Dance the Nae Nae," she read with a sour face. Jake guffawed. "Iba na lang!"
"Hindi pwede! Huwag kang KJ!" Janelle told her.
"Bawal ang music!" she pointed out.
"Ano'ng gusto mo? Itula namin yung Nae Nae?"
She grunted. Ayaw naman niyang masabihan ng maarte. Kasi hindi naman siya maarte. Sadyang hindi lang siya kumportableng gawin ang kailangan niyang gawin. Pero para sa mga kasama, ginawa na rin niya para matapos na ang kahihiyan.
It was the most embarrassing ten seconds of her life.
--
"Kiss someone you like," Kelvin read a little while later. Celine could feel her heart start pounding faster. Lalo na nang tumayo si Kelvin at iginala ang tingin sa buong kwarto.
"Ang dali naman nyan!" reklamo ni Jake.
Lalong lumakas ang kaba niya nang bigyan siya ni Janelle ng makahulugang tingin. Then Kelvin's eyes landed on her. Nagsimula na siyan magdasal nang maglakad ito palapit sa kanya. Ayaw niyang gumawa ng eksena. Ayaw niyang magkagulo.
Magwo-walkout na sana siya nang bigla siya nitong lampasan. Right. How can she forget? So that's what Jake meant by the dare being easy. Nakita niyang hinalikan ni Kelvin si Gaile sa pisngi. Parang may kung anong kumurot sa kanya.
Maybe it's because she assumed, again, and she ended up disappointed. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw niyang umaasa.
It was stupidof her to do so. Alam naman niyang nagdi-date 'yong dalawa tapos nag-expect syang may ibang mangyayari. Kasalanan ito ng kaibigan nya, e. Ginulo kasi nito ang isip niya. But at least, now, she knows that it's just a baseless conclusion.
--
The Jenga game ended early when Yuan knocked over the blocks. Nagkatamaran na kasing ayusin ang mga blocks kaya inimpis na lang nila. Pagkaimpis nila sa laruan, wala na ulit silang magawa. Nagkwentuhan na lang sila, pampalipas oras, hanggang sa dalawin ng antok.
Bago matulog, kinausap niyang muli si Janelle.
"Parang hindi talaga, e."
Janelle tsk-ed. "Kung gusto mong malaman kung totoo ba o hindi, e di itanong mo sa kanya."
Pagkasabi'y nagtalukbong ito ng kumot at tinalikuran siya para matulog.
"Huwag na. Kakalimutan ko na lang," bulong nya sa sarili.
--
But it bugged her. It bugged her until after vacation, nang bumalik na sa normal ang lahat. It bugged her at work. Kating-kati na siyang malaman kung ano ba talaga, kahit isang parte sa pagkatao niya ang gusting huwag na lang alamin kung ano ang totoo.
The curiosity is killing her. She has to know. Iyon lang naman. Para sa peace of mind niya, gusto lang niyang malaman. What will she do after? Saka na lamang niya iisipin kapag nandoon na siya sa sitwasyon na iyon.
So one Saturday, she decided to ask him. Knowing that he might be with Gaile at the time (at ayaw niyang magsimuka ng gulo), sinigurado muna niyang ito ang may hawak ng phone nito. Matagal pa bago ito naka-reply dahil magkausap pa ang dalawa sa phone. Nagdalawang-isip pa tuloy siya. Kaya lang, kinulit naman siya nang kinulit nito, paulit-ulit na tinanong kung ano ang kailangan niya hanggang sa napilitan na rin siyang sabihin ang totoo.
May sinabi sa 'kin si Janelle tungkol sa 'yo, she texted.
Ano? he asked.
Maha-- Umiling siya at binura iyon. Never mind, she typed. Pero binura niya iyong muli. She exhaled. Itanong na nga para matapos na, sabi niya sa sarili.
May gusto ka raw sa 'kin? She hit 'send' before she could herself. Ayaw niyang gamitin ang salitang 'mahal' o ang phrase na 'in love'. Masyadong mabigat. Masyadong seryoso.
Kelvin didn't reply. He called instead. Sa pagkataranta niya'y itinago niya ang phone sa ilalim ng unan hanggang sa matapos iton mag-ring. Then she typed a new message.
'Wag kang tumawag!
Why not? he replied.
I-text mo na lang. Meron o wala lang naman.
Nabitawan niya ang phone nang tumawag na naman ito. She just stared at her phone and waited for the call to end.
I want to elaborate my answer, he replied a while later.
E di magpaliwanag ka thru text.
Ayoko. She could feel his stubbornness from those 5 letters.
Wag na nga. Kalimutan mo na lang.
Don't you want to know my answer?
She sighed. Sure, she wants to. But talking over the phone would be too much.
I'm coming over.
Napamulagat siya nang mabasa ang huli nitong text. Dali-dali siyang nagbihis. Lumabas siya ng bahay pagkapag-ayos at nagbyahe papuntang MOA. Nagsisisi tuloy siyang tinanong pa niya ito. Things suddenly became complicated. And knowing Kelvin, he probably wouldn't stop until he gets what he wants, which is to sort things out with her.
Let me guess. Umalis ka ng bahay, 'no?
Kumunot ang noo niya nang mabasa ang message nito.
Oo. Pa'no mo nalaman?
Because that's how you'll react. Instead of facing the situation, you'll just run and hide. I know you enough to know that.
Natatako--
Napamura siya nang sumaktong tumawag ulit ito habang nagtatype siya. She rejected the call.
Kalimutan mo na lang. Di na ako interesadong malaman.
--
Napauwi si Celine nang wala sa oras sa bahay ng mga magulang para lamang mipaiwasan si Kelvin. Hindi niya alam ang gagawin kapag nakita niya ito.
But the weekend didn't last long and unless gusto niyang matanggal nang wala sa oras sa trabaho, then kailan pa rin niyang pumasok. And as expected, Kelvin took advantage of that.
Mas gugustuhin pa sana niyang nakangiti ito pagpunta ng office. The atmosphere would somehow be lighter. Kaso hindi. Seryosong-seryoso ito.
"Can we talk now?"
"Busy ako," she said without throwing him a glance.
Alam niyang kanina pa nagtataka si Yuan sa ikinikilos nilang dalawa.
"Yuan can handle your work for a few minutes," pagpupumilit nito.
"Saka na lang tayo mag-usap."
Judging from the amount of goosebumps on her nape, she's guesing that he's staring intently from behind her. She didn't dare turn around. Gustong-gusto na niyang tumakbo sa CR para magkulong but she knew that any attempt to escape would be futile.
"Kausapin mo na. Hindi ka rin naman titigilan nyan," pabulong na sabi sa kanya ni Yuan.
"Ayoko."
Nilingon nito si Kelvin. "Ano ba kasing sasabihin mo? Ako na lang ang magri-relay."
"Okay."
Patayo na si Yuan nang samaan niya ito ng tingin.
"Ayaw mo kasing kausapin," sabi nito sa kanya.
"Okay lang namang sa kanya ko sabihin. I think that it would be better if he knows too," she heard Kelvin say.
"Huwag nga kasi!" inis niyang sabi.
"Talk to me then," he replied, boring his eyes at her. Naglakad ito papuntang pantry.
"Bakit parang ang seryoso naman yata nya? Ano ba kasi 'yon?" pangungulit ni Yuan.
"Wala. Hindi naman importante."
"Pero aligaga ka," puna nito. "Kausapin mo na. Get it over with. Mas lalo ka lang hindi mapapakali kapag pinatagal mo pa."
He's right. Sooner or later, she has to face Kelvin. Mas mabuti na 'yong mas maaga para lumipas na rin kaagad.
--
She saw him in an sitting on a chair, fiddling with his phone. Bukas ang TV na nasa taas pero walang sound. Naupo siya sa tapat nito at naghintay na tumunghay ito.
"Meron o wala lang. Tapos umuwi ka na."
He didn't speak. He just stared at her.
"Ano na?"
"Why do you want to know?"
"Curious lang," sagot niya.
"Ano'ng gagawin mo kapag sinabi kong 'oo'?"
Nag-iwas siya ng tingin.
"Ewan."
"You'll probably just avoid me."
Nagyuko siya ng ulo. That's the only option that she can think of.
"Well, you don't have to," narinig niyang sabi nito. Nang tumunghay siya ay nakatayo na ito at papalabas na ng pantry. Wait, did he already answer the question?
Bumalik siya sa pwesto na parang mas lalong naguluhan. So... wala nga talaga? Hindi kasi nito direktang sinabi. But the way he said what he said--
She shook her head. No na nga, di ba? sabi niya sa sarili. Ayan, move on na. Nasagot ka na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro