Capitulo Trenta
Celine contemplated on the message for a few days. Nakokonsensya siya. He kept on saying sorry and she kept on ignoring him. Tuloy, hindi na rin siya pinapansin ni Janelle. Masyado raw siyang malupit kay Kelvin.
"Kiss lang 'yon. Huwag mong gawing big deal," were the last words she told her.
Her friend might think that she's just overreacting, but to someone who's never been in a relationship and never been kissed before, it is a big deal. She's treating the whole thing as a taint on her clean record.
Palibhasa kasi, ang mga kaibigan niya, nakailang relasyon na. They might have gotten a lot of kisses already. Pa'no naman siyang isang NBSB?
Pero tama rin naman si Janelle. It's just a kiss. Maybe there's no reason behind it at all. Why was she getting so worked up over a kiss, anyway?
In the end, pumayag na rin siyang sumama. She even sent Kelvin a message saying that he could go, but that doesn't mean na bati na sila.
--
Kelvin felt relieved that he could at least go to Palawan with everyone else. Of course, he wants to go. Si Celine lamang naman ang inaalala niya. Alam niyang gugustuhin nitong wala siya roon.
Mabuti na lamang at naawa ito sa kanya kahit papaano. Gaile got disappointed when he told her that he probably won't go. Pati ito ay gusto na ring mag-back out. Even Jace, who only agreed to go because he'll be going. Isinama rin kasi niya si MJ.
But things are thankfully swerving to the right direction. Iyon nga lamang, parang may restraining order pa rin sa kanya. Did the kiss suck that bad that even the thought of it repulsed her? Because it's a different story for him. He liked it so much, he's dreamt of doing it again.
She wasn't even experienced, but when he tasted her lips, eveything just sort of fell into place. He didn't even know that he'll like it that much. Usually kasi, deal-breaker sa kanya kapag hindi marunong humalik ang babae. It's not really as glamorous as what's portrayed in the movies. Hindi naman kasi lahat, alam na kaagad ang gagawin, even on their first try.
But with Celine, her inexperience even made it a bit more magical. It brought him back to his first kiss. He felt shy, unsure, but excited, at the same time. It was something new, but totally familiar.
And at that moment, he knew that he needs to have her. Not in a physical way. He needs her soul, her heart... It's something that he didn't think he'd want in this lifetime, but it was the first time that he felt a connection towards someone. And he doesn't want to lose it, ever.
--
Natuloy din sila sa Palawan. Siyam silang lahat. Kagaya ng ipinangako ni Kelvin, libre silang lahat sa pamasahe. May tutuluyan na rin silang hotel pagdating nila. Magkasama sila ni Janelle sa kwarto. MJ's with Gaile. Sina Marlon at Yuan ang magkasama sa isang kwarto at sa kabila naman ay ang magkapatid na Jace at Jake. Since odd number sila, si Kelvin na lamang ang nag-solo.
Once they're all settled, kumain muna sila sa isang restaurant na malapit sa hotel. They brought with them a few change of clothes and some gadgets dahil pagkakain ay tuloy agad sila sa paggagala. Pupunta pa raw sila sa isang malapit na isla.
Celine's really excited to take pictures, kaso low-res ang camera ng phone niya kaya hinayaan na lamang niya na ang mga kasama ang kumuha ng mga litrato. Good thing there's always a group picture. Doon na lamang siya nakikisali.
She also took a few pictured with the others, except for Kelvin, who's keeping his promise of staying away.
Nang matapos silang kumain, dumiretso na sila agad sa isang pier at saka sumakay sa isang malaki-laking bangka na magdadala sa kanila sa isla. Mag-o-overnight daw sila doon, tapos ay babalik sila sa hotel, magpapahinga at gagala uli.
Nawala ang antok niya nang makakita siya ng dagat. Bihirang-bihira kasi siyang makakita noon, kahit na tindera ng isda sa palengke ang nanay niya. Hindi naman kasi siya palasama sa panghuhuli ng isda. Ni hindi nga man lamang siya marunong lumangoy.
--
Ilang minuto lamang at nakarating na sila sa isla. Hindi masyadong crowded sa lugar, pero may mga tao pa rin silang kasama. Wala silang sari-sariling kwarto, tents lang. Tapos pampubliko ang CR. Sinabi naman ni Kelvin sa kanila na solo nila ang isla kapag gumabi na. He rented the place for an overnight stay.
Tuwang-tuwa ang mga kasama niya.
They went snorkelling first. It was a scary first time for her. Natakot siya nang hindi agad lumapat sa lupa ang mga paa niya dahil nasa medyo malalim na parte sila. Syempre nga naman, walang trill kung mag-i-snorkelling ka sa mababaw lang.
Game na game naman ang mga kasama niya, kahit na si Janelle na hindi rin marunong lumangoy.
She did enjoy the experience though.
Next, they rode a banana boat. Tapos ay langoy-langoy na. Since she doesn't know how to swim, doon na lamang siya sa mababaw. She's also feeling a bit self-conscious dahil siya lamang ang hindi naka-bikini. Hindi naman kasi mataas ang kumpyansa niya sa sarili para magsuot ng ganoon.
Naging taga-picture na lamang tuloy siya.
Nagpahinga lamang ang mga ito nang gumabi na. Nagluto sila ng hapunan sa nakahandang ihawan. Balot ng kanya-kanyang towel, naupo sila paikot sa bonfire na ginawa ng mga lalaki kanina.
The night sky is filled with stars. The breeze has gone colder. Napahigpit ang kapit niya sa towel niya.
"Nilalamig ka pa?" tanong ni Yuan sa kanya. Without waiting for her answer, he draped his own towel on top of hers.
"Hindi ka nilalamig?"
Ngumiti ito at umiling.
"Where are you going?" she heard Gaile ask. Bigla kasing tumayo si Kelvin.
"I'll just get some beer," sagot nito. Nang makaalis ito ay saka lamang niya napansin ang isang malaking coleman sa gilid ni Jake na may lamang bote-bote ng alak. Everyone ekse noticed it as well.
"Ang dami pang beer dito, a!" puna ni Jake.
"Baka hindi napansin," Yuan told him.
Janelle just frowned at her and shook her head. Hindi naman niya alam kung ano ang ibig sabihin noon.
--
Kelvin seemed upset. Kanina pa ito inom nang inom. He's already drunk and Gaile's already hiding all the beers away para tumigil na ito. Nailing na lamang siya. He seemed upset, but he's acting like he's all right.
Something was off with him though. She just couldn't put her finger on it.
Pinatulog na ito ni Gaile nang hindi na ito makatayo nang diretso. Sila naman ay nag-ayos na ng kanya-kanyang tent. Kasama niya si MJ sa tent niya. Janelle's with Marlon. Kelvin's with Gaile. At 'yong tatlong lalaki, sama-sama on a larger tent.
Nagkayayaan na silang matulog right after. Nakatulog siya agad nang makahiga, pero makalipas ang ilang oras ay naalimpungatan siya.
Hindi na siya makatulog ulit kaya lumabas muna siya ng tent. Since it was full moon, maliwanag pa rin kahit walang ilaw sa buong isla. Sarado na kasi noon ang mga stalls at ilang establishments dahil hanggang alas sais lamang iyong mga offered activities. Saka nirentahan nila ang lugar kaya wala nang natirang bukas na tindahan.
Kalmado ang dagat sa harap niya. Walang kaalon-alon. She was scanning the horizon when she saw a familiar figure sitting on the shore.
Nakatitig lamang si Kelvin sa dagat. Worried that he might do something crazy because he's drunk, she approached him.
Ibinalot niya ang towel na dala sa sarili at saka naupo malapit dito. He was a bit surprised to see her there.
A few minutes of silence passed. And then she heard him mutter his hundredth (it would seem) apology.
She inhaled deeply.
"Kalimutan mo na 'yon," sabi niya rito.
He laughed dryly. "Good luck with that."
Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito, pero hindi na niya itinanong. Maybe he's still drunk. She doesn't want to provoke him.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya.
"Kasi hindi ako makatulog."
"Ah."
"Aren't you going to ask me why?" Umiling siya. "Right. You're not interested."
Tumayo ito.
"Sa'n ka pupunta?"
"Dyan lang. Don't worry, I won't drown myself."
Hindi na siya tumayo. For some reason, he seemed pissed. Kung galit ito sa kanya ay hindi niya alam kung bakit. May nasabi na naman kaya siyang hindi maganda?
--
The next morning, nag-explore naman sila sa isla. Tapos ay lumangoy ulit. Pagkapananghalian, saka lamang sila bumalik sa hotel nila. She was so tired, she almost fell asleep while taking a bath.
Nahiga kaagad siya pagkalabas ng banyo. Niyugyog ni Janelle ang balikat niya at pinagalitan siya. Bawal daw siyang matulog nang basa ang buhok dahil baka mabaliw siya lalo.
Bumangon siya at tinuyo ng towel ang basang buhok.
"So, kumusta ka naman?" Janelle asked her.
"Parang di naman tayo magkasama simula noong isang araw."
"Hindi kasi tayo masyadong nakapag-usap these past few days."
"E kasi bigla ka na lang hindi namansin," himutok niya.
"Nakakainis ka kasi!"
She huffed. "Okay na kami."
Nagsalubong ang kilay nito. "Truth?"
Tumango siya.
"Mabuti naman at natauhan ka. Ang bait-bait no'ng tao, ginaganyan mo."
"May kasalanan din naman sya."
"Ewan ko ba sa 'yo. Kung ako ang hinalikan no'n, magtatatalon pa ako sa tuwa."
"Ikaw 'yon," she pointed out, wrinkling her nose.
"Bakit ba kasi parang asar na asar ka dyan kay Kelvin? Parang palagi na lang syang bad shot sa 'yo. Ang weird lang kasi. 'Yong ibang babae, kinikilig sa kanya tapos ikaw..."
"Hindi lang talaga ako kinikilig sa kanya."
"Bakit nga?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko sya type."
"Bakit?!"
"Para kasi syang tatay ko. Ayoko sa mga gano'ng lalaki," pag-amin niya.
"Grabe ka naman!" Janelle exclaimed. "Mas matino naman sya sa tatay mo!"
"Pareho lang silang babaero."
"Hoy, seryoso si Kelvin sa mga naging girlfriends nya."
"Pero hindi naman nagtatagal."
Janelle rolled her eyes. "Minsan kasi, hindi pa ng tao nakikita ang hinahanap nya kaya hanap pa sya nang hanap. Kung nakita nya ba agad 'yong hinahanap nya, tingin mo dadami ang naging girlfriends no'n? Syempre he tried his options first bago sya mag-conclude."
"Ang dami namang options no'n."
"Nagkataon lang. Ngayon naman, parang nakita nya na 'yong hinahanap nya kaya tumigil na sya."
Tumango-tango siya. "Sana nga si Gaile na 'yon."
"Gaga. Hindi si Gaile ang tinutukoy ko."
She frowned. "E, sino?"
"Tingin ka sa kanan mo."
Confused, she looked to her right, only to find her own reflection frowning at her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro