Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulo Siete

"What? Bakit mo binasted? Gaga ka ba? Dapat nagpa-kiss ka man lang muna!"

Inilayo ni Celine ang phone mula sa tenga. Excited na excited kasing magpakwento si Janelle tungkol sa nangyari over dinner nila ni Kelvin kaya pagkauwi niya sa bahay ay tinawagan niya ito kaagad.

"Bakit naman ako magpapa-kiss sa kanya?"

"For experience lang."

"Sira ka talaga."

Narinig niyang may umaray sa kabilang linya. Si Marlon yata. Pamihadong hinahampas na naman ito ng kaibigan niya. Janelle's like that when she's frustrated.

"Bakit mo naman kasi binasted? Hindi ka ba nanghihinayang?! Baka 'yon na nga lang ang maging manliligaw mo, ever, pinakawalan mo pa!"

"Grabe ka naman. Parang sinabi mo na ring wala nang magbabalak na manligaw sa 'kin."

"Siguro nga, meron, pero downgrade na lahat if ever! Tanga ka kasi!"

She gave out an exasperated sigh. "E hindi nga kasi seryoso. Aminado naman sya e."

"So?! Dapat nakipaglaro ka na lang! At least, di ba, kung hindi man kayo magtagal, naging kayo naman. Hindi lahat ng babae may ganyang opportunity!"

"It's supposed to be a relationship, not an opportunity. Saka masama na bang gustuhin kong seryosohin ako?"

"First time mong maligawan, seryosohan agad? Dapat 'yong mga una-una, for experience muna. Para kapag nandyan na 'yong talagang para sa 'yo—"

"Scarred na 'ko, gano'n? Ayoko nga."

"Ang arte nito."

"Maarte na kung maarte, but I know I deserve better than a half-assed relationship. Okay na 'ko sa hindi kagwapuhan, basta sincere at gusto talaga ako. Ano naman ang mapapala ko kay Kelvin? Sobrang gwapo nga, madali namang magsawa."

"Sus, bahala ka na nga. Ikaw rin, panghihinayangan mo 'yan one day."

"Saka ko na puproblemahin 'yan kapag nanghihinayang na 'ko."

Janelle hung up on her. Napabuntong-hininga siya. Nainis siguro ito. Magkaibang-magkaiba kasi sila ng pananaw sa buhay. Sa mga pagkakataong tulad nito, nagka-clash silang dalawa.

Alam naman nitong gusto lamang nito na sumaya siya. But the thing is, being alone doesn't necessarily mean that she's lonely. She's okay with being single. Ang utak kasi niya ngayon ay nasa pag-iipon ng pera.

Bilang panganay, inako na niya ang ilang responsibilidad na dapat sana ay sa ama niya. Apat silang magkakapatid, pero bigla na lamang umalis ang tatay niya pagkasilang ng bunso. Tindera sa palengke ang nanay niya at mag-isa lamang itong nagtatrabaho.

She graduated at the age of 19. Maaga kasi siyang nagsimulang mag-aral. Pagkatapos na pagkatapos ng kolehiyo ay naghanap na kaagad siya ng trabaho.

She's been working ever since. Romantic love was never the priority. Hindi naman kasi nito mababayaran ang renta nila sa pwesto sa palengke o ang mga gastusin nila sa bahay. May tatlo pa siyang kapatid na tinutulungang papag-aralin. Ayos sana kung seryoso e. Motivation pa sana iyon. Pero 'yong sasakit lang ang ulo nya sa kaiisip kung hanggang kailan na lang sila magtatagal? Huwag na. She doesn't need that kind of stress.

Celine woke up the next day, sweating. Sinipa-sipa niya ang electric fan sa may paanan. Hindi na ito umaandar. Bumangon siya at tiningnan kung nahugot ba ang saksak pero hindi naman.

She groaned. Mukhang natuluyan na ang electric fan niya. Tatlong taon na rin kasi ito sa kanya.

Inis niyang tiningnan ang oras sa phone. Pasado alas dyes na pala ng umaga.  Sobrang init na sa kwarto nila. Siya pa lamang ang gising. Ang tatlo niyang kasama ay prenteng-prente pa ring natutulog.

She was supposed to wake up early, pero hindi tumunog ang alarm niya. Pati yata phone niya ay gusto na ring magpapalit.

Bumaba siya mula sa top bunk at kumuha ng damit sa drawer. Bumaba na siya para maligo. Hindi siya tatagal nang walang electric fan sa kwarto. Kahit pa sabihing tag-ulan na, mainit pa rin.

Pagkaligo ay agad siyang nagbihis para pumunta sa mall at mamili bg electric fan. Doon na rin siya bibili ng biscuits at cup noodles. Ang taas kasi ng patong sa vendo machine. Iyong Lemon Square na seven pesos lang sa tindahan, sampung piso sa opisina.

Halos kabubukas pa lamang ng mall nang dumating siya.  Agad niyang tinungo ang bilihan ng appliances, pero napatigil siya sa tapat ng nadaanang kainan. Kumalam ang tiyan niyà sa gutom.

She decided to eat first. In-order niya iyong value meal para tipid. Saka siya tumuloy sa plano niyang puntahan. Saglit lamang siya sa mall at palabas na sana nang may makita siyang pamilyar na mukha sa di kalayuan. Naghanap siya ng tataguan as they approach.

Tama nga ang hinala niya. Madaling magsawa si Kelvin. Kaba-basted lamang niya rito kagabi tapos ay may ka-date na kaagad itong ibang babae. And this one's right up his alley. Mukhang mayaman ito. Kita niya ang tatak ng chanel sa shoulder bag nito. She's also vey pretty at mukhang mas bata sa kanya ng ilang taon.

She couldn't hide her disappointment. At the back of her mind, she was actually hoping that he would prove her wrong.

"Where do you want to eat?" Kelvin asked Kylie.

"Syempre, sa paborito kong restaurant!"

He groaned. "Not again! We eat there every time we're here!"

If things turned out differently last night, si Celine sana ang ka-date niya ngayon. Kaso dahil nabasted sya, ang pinsan niyang si Kylie ang kasama niyang gumala. Naikwento kasi niya rito kagabi ang nangyari kaya nag-aya itong lumabas. Gusto nga sana nitong mag-out of town silang magpipinsan kaso ay tinatamad siya.

Ngumuso ito. "Fine! Since brokenhearted ka naman, ikaw na ang mamili ng kakainan."

"I'm not brokenhearted," tanggi niya.

"Aww... she didn't damage you enough? Sayang. Akala ko pa naman makikita na kitang umiiyak over a girl."

He scoffed. "That's never gonna happen."

"Never is a long time, kuya."

Ginulo niya ang buhok nito. They went to her favorite restaurant, like she wanted. Kylie ordered the same food she always orders. Sa kadaldalan nito ay nakalimutan niya pansamantala ang inis niya kagabi.

He's pissed at Celine. Not because she rejected him, but by how badly she sees him as a man. Para kasi rito, playboy siya, hindi marunong magseryoso. Pero lahat naman ng nakarelasyon niya, sineryoso niya. Hindi lang talaga nagtagal kasi mabilis siyang magsawa.

"Kasi nga, dapat kapag hindi pa malalim 'yong feelings mo, huwag ka munang manligaw. Atat ka kasi laging magka-girlfriend," pangangaral ni Kylie sa kanya.

True. Hindi siya sanay nang walang girlfriend. Maybe that's why when he meets a girl that he likes, nililigawan niya kaagad. He's not used to not being sweet to someone.

"You finally met your match," nakangiti nitong dagdag.

Umuwi si Celine nang hapon na iyon sa kanila. Hanggang hapon siyang Lunes doon. At buong weekend siyang tingin nang tingin sa phone niya, checking if there's a phone call or message from him. Dalawang linggo rin kasi itong nangulit sa kanya. She was a bit used to it.

Mabuti na rin pala iyong hindi sila nagkikita ni Janelle. Ramdam kasi niyang gigil na gigil itong sakalin sya tuwing mag-uusap sila sa phone. Like when she told her about Kelvin...

Akala niya ay sasang-ayon na ito sa kanya, pero pinagalitan pa sya nito.

"Ikaw kasi! Kung hindi mo binasted 'yon, e di hindi sya maghahanap ng iba!"

"Kasalanan ko na naman?"

"Kung sinagot mo ba sya, makikipag-date sya sa iba? Hindi, di ba?"

"Ang bilis naman nyang naka-move on."

Bumuntong-hininga ito. "Ano, okay ka lang ba?"

"Oo naman."

"Hindi ka man lang nagselos nung nakita mo sila?"

"Hindi. Disappointed lang."

That tingly feeling she felt the first time that he passed by her? Matagal nang wala. She thought it's what they call spark, but that spark died when she got to know him. It didn't ignite.

Disappointed lang sya and she knows that it will pass.

"Ja, pasok na 'ko. Bukas na lang ulit."

"Agad? Alas dyes pa lang."

"Maaga kasing papasok 'yong ka-team ko from BPO. Galing pang Las Piñas 'yon. Nakakahiya naman kung late ako."

Flexi time kasi sa kanila. Ayos lang na late ka, basta i-extend mo rin 'yong time mo. Sanay si Janelle sa ganoon kaya madalas itong late.

Janelle sighed. "Okay, sige."

She ended the call and prepared for work. Kaunting oras lang ang naitulog niya kanina dahil galing pa siya sa kanila. Sana ay hindi siya antukin sa trabaho. Hindi kasi siya sanay na ganoon ang oras ng pasok. Mas okay pa iyong first shift e.

Ang advantage lang siguro, hindi mainit at kakaunti ang tao. Hindi kagaya sa umaga na palaging rush hour.

On her way to the office ay bumili siya ng kape in a large cup. Lalaklakin niya iyon para hindi siya antukin. She hopes that it would be enough for the night. Baka magaya siya sa mga call-center agents na kape na yata ang dumadaloy sa katawan.

Tahimik sa lobby ng building. Nakapatay na ang ilang ilaw. Dadalawa na rin lang yata ang elevators na gumagana. It was a bit creepy.

Pati sa office nila, bilang na bilang na sa kamay ang mga empleyado. Parang isa o dalawa lang per department. Nang makarating sya sa station niya ay may tao na roon. Sa katabing cubicle ito nakapwesto. Napatunghay ito nang marinig na may paparating.

"Hi!" bati nito. "Celine?"

"Yes po," sagot niya.

Tumayo ito at inilahad ang kamay. "Ako 'yong nakausap mo sa phone last week. I'm Yuan Karlo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro