Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulo Seis

Hindi ni Celine matanggihan ang mga regalo ipinadadala ni Kelvin sa kanya. Hindi niya ito nakita nang ilang araw, pero palagi itong may padalang bulaklak o pagkain. Kalat na sa department nila ang panliligaw nito kahit hindi pa man ito nagtatanong at hindi pa naman siya pumapayag.

She still thinks that he'll get bored eventually. Kapag naramdaman nitong hindi naman siya interesado ay titigil na rin ito. She doesn't like him in a romantic way and she can't afford to.

"Uy may pizza!"

Napatingin siya sa delivery guy na may bitbit na tatlong malalaking kahon ng pizza. Kasunod nito si Janelle at ang head department nila, parehong malaki ang ngiti.

"Galing kay Kelvin," kilig na kilig na anunsyo ng kaibigan niya.

Simula nang malaman ng mga ka-department niya na nililigawan siya ng anak ng CEO ay naging mas mabait ang nga ito sa kanya. Kahit iyong mga nasa ibang department, parang gustong laging nakadikit sa kanya.

And this is one of the many reasons why. Dati kasi ay si Janelle lamang ang naaambunan ng grasya. Ngayon, buong department na nila ang nililigawan ni Kelvin. And they have been goading her to say yes to him already, samantalang wala pang isang linggo itong nanliligaw.

"Sagutin mo na kasi. Hindi ka rin naman dehado kay Kelvin. Mabait 'yon," sabi ng manager nya.

"Oo nga. Saka gwapo pa," sabat ni Sara, iyong kaibigan ni Janelle sa procurement na laging nasa area nila kapag may kainan.

"Hindi naman po porket galante at gwapo e sasagutin ko na," sabi niya sa mga ito.

"Bakit? May iba ka pa bang requirement? Mayaman din 'yon. Ang ganda ng family background. Maganda ang lahi. Matalino..."

Nagkibit-balikat na lamang sila. They probably wouldn't understand. Siguro ay hindi ng mga ito maiintindihan kung bakit hindi niya gusto si Kelvin. Sino nga ba naman siya para mag-inarte? But that's just it. Dahil ba mas mataas ang lebel nito kesa sa kanya ay wala na siyang karapatang tumanggi rito? Ganoon na lamang ba? Kapag ikaw ang nasa lowerhand, ikaw na lamang palagi ang magku-compromise?

She doesn't like him because he doesn't seem sincere. Halos isang buwan pa lamang silang magkakilala, nanligaw na kaagad ito. Imposible namang mahal na siya nito kaagad, because love takes time to develop. Attraction? Malabo. Siguro ay naiisip nitong easy lang siya dahil wala naman siyang masyadong maipagmamalaki para mag-inarte. Or maybe he sees her as a challenge. Or that she's different. Maybe it's his first time courting a girl like her.

Siguro para rito, laro-laro lang iyon. Pero ayaw nya ng laro lang. Paano kung mahulog sya tapos hindi naman pala ito seryoso? She can't just enjoy it while it lasts kasi kung magmamahal sya, gusto nya pang-matagalan. And it looks like he's not in it for the long run.

--

The next week, Kelvin began courting her in person. Madalas itong magpunta sa office nila. Madalas siya nitong ayaing kumain sa labas. Madalas rin itong mag-volunteer na ihatid siya pauwi. Kasingdalas ng mga iyon ang pagtanggi niya. Pero ipinaglihi yata ito sa kulit dahil kahit ilang tanggi niya ay hindi pa rin ito tumitigil. Di kalaunan ay nairita na rin siya. Napi-pressure na rin kasi siya dahil pati mga katrabaho niya ay nangungulit na rin.

Friday, her last day as a third-shifter, nag-aya na naman ito. Pinagbigyan niya ito that time. She wanted to tell him no, to stop courting her. Hindi kasi ito makahalatang ayaw niya. Hindi rin ito nagsawa kaagad, kagaya ng inaasahan niya.

Mukhang tuwang-tuwa naman ito nang mapagbigyan niya. She was almost feeling guilty for what she was about to do, but she knew that it would be better than leading him on. Sa isang mamahaling restaurant sila kumain. Nahiya siya sa hitsura niya. Ang mga kumakain kasi doon, puro may mga alahas sa katawan, mga naka-mamahaling cellphone at mukhang posturang-postura. She's the odd one out. Parang namali lang siya ng pasok.

She let Kelvin order dahil mukhang sanay itong kumain doon.

"I'm glad you agreed to have dinner with me."

"Hindi kasi masyadong busy," dahilan niya.

They talked about work first. Nakumustahan, na para bang hindi sila nagkikita araw-araw.

Her mouth watered when the food arrived. Sa amoy pa lamang ay kumukulo na ang tiyan niya.

"Let's eat?"

Halata sa kanila kung sino ang mayaman at kung sino ang hindi. Galaw-mayaman kasi si Kelvin. Saka mukhang mayaman naman talaga ito.

She tried to enjoy the food as much as she could, but when they started talking again, medyo nag-wane down ang gana niya.

"Nakailang girlfriends ka na?" tanong niya rito.

Nag-isip ito saglit. "I'm not sure. Seventeen, I think?"

Napamulagat siya. "Seventeen? Tapos 24 ka pa lang?"

"I've had my first girlfriend when I was in second year high school," paliwanag nito.

"Maaga ka palang lumandi," bulong niya.

"What's that?"

She faked a smile. "Nothing."

"How about you? How many boyfriends have you had?"

She began counting, and then she said, "No, I'm just kidding. Wala pa akong nagiging boyfriend."

"Really? Why?"

She shrugged. "Kasi walang nanliligaw?"

He pointed to himself, as if to ask, 'E ako? Ano'ng tawag mo sa 'kin?'

"Yung seryoso," paglilinaw niya.

Itinuro nitong muli ang sarili.

Umiling siya. "I don't think you are."

Sumimangot ito. "Why not?"

"Kasi easygoing ka masyado? Ewan ko. Hindi ko lang ramdam na seryoso ka talaga."

"Just because I'm easygoing doesn't mean that I'm not serious."

"Sige nga, sabihin mo, bakit ka nanliligaw? Hindi naman pwedeng dahil gusto mo lang."

"Isn't that enough?"

"Para sa 'kin, hindi," sagot niya. "Kapag kasi nanliligaw ka, dapat gusto mo 'yong tao. As in gustong-gustong-gusto mo. Gustong-gustong-gusto mo ba 'ko?"

"I'll get there."

"E bakit nanliligaw ka agad kung wala ka pa naman pala roon?"

He shrugged. "I just want to. When I'm attracted to a girl, I court her because I want her to be my girlfriend. Isn't that how it's supposed to be?"

"Tapos ano? Nagtatagal naman ba kayo?"

"Yeah. Months," he answered casually.

"Gaano katagal 'yong pinakamahaba mong relationship?"

"Four."

"And you still think that there's nothing wrong with that?"

He shook his head.

--

Siguro nga ay magkaiba sila ng pinaniniwalaan. He seems like the kind of guy na mag-i-invest kaagad ng time sa isang tao kapag nagustuhan nito. And when it ends, it's okay. No big deal. Move on to the next conquest.

Siya kasi iyong tipo na titingnan muna kung magtatagal ba iyon. Is it worth investing her time and efforts to? Hindi ba masasayang kapag pinaghirapan niya? Because when she loves, she loves hard. She doesn't want to give her whole heart to someone tapos kapag ibinalik sa kanya, may bawas na, tainted na. Kung siya nga ang masusunod, gusto niyang kapag nagmahal siya, iyon na hanggang huli. One great love, ika nga.

Hindi naman siya nakikipagparamihan sa ibang tao e. Aanhin mo naman kasi iyong napakaraming relasyon kung hindi naman magtatagal?

"So... I guess it's a no then?" he asked, pagkatapos na pagkatapos nilang kumain at magdiskusyon tungkol sa opposite views nila about love and relationships.
Tumango siya. "Sorry kung nasayang ang effort mo. Akala ko kasi titigil ka rin agad."

"It's alright."

"I hope we can still be friends, kung okay lang sa 'yo."

Ngumiti naman ito. "Sure. We can be friends."

--

Kelvin couldn't pinpoint the reason why he feels sad. It's not supposed to be a big deal. Hindi naman niya mahal si Celine. He just likes her. Is it because it's my first time to be rejected? tanong niya sa sarili.

That must be it. This must be what if feels like to not be liked back. It sucks. Pero naiintindihan naman niya ang punto nito. She wants something serious. He can be serious, but for a time being only. Baka nga magsawa rin siya agad. Bakit kasi napakabilis niyang magsawa?

Hanga siya sa mommy niya dahil nagawa nitong magmahal ng isang tao lang. They always tease her for being obsessed with their dad before. Nakwento kasi ng daddy nila na hinabol-habol daw ito ng mommy nila noong college. She was so obsessed with him back then and it took his father 10 long years to realize that he loves her back.

Why can't he love like that? Imagine, nakaya ng mommy niyang habul-habulin ang daddy niya sa loob ng dalawang taon. Siya ngang sinasagot agad, madaling nagsasawa. Iyon pa kayang nagmamahal na hindi naman nasusuklian?

"You look upset," his mom commented.

Humalik siya sa pisngi nito, glad that his brothers are already upstairs.

"What happened?"

"Basted," simangot niyang sabi. "This, being my first time, sucks."

"I'm sorry," sabi nito saka siya nginitian. "I never thought that someone will have the heart to say no to you."

"It kinda bums me out. Should I be bothered?"

"Baka karma na 'yan, anak," biro nito. "Ikaw kasi, ang bilis mong ma-attract. Mabilis ka rin tuloy ma-fall out of attraction. Sa susunod, maghinay-hinay ka. Let the feeling bloom first. Para kapag sigurado ka na, kahit gaano pa katagal, hindi ka na magsasawa kaagad."

Tumango na lamang siya. Maybe he needs to do just that. Pero sa ngayon, ayaw na muna niya. He still likes Celine. He doesn't know what to do with that feeling yet. Hihintayin siguro muna niya iyong mawala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro