Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulo Quince

Iba pala kapag nasasanay ka na sa isang bagay tapos bigla-bigla itong mawawala. Kahit ayaw mo pa sa bagay na iyon, kapag nawala ito, parang may kulang.

Kelvin texted her earlier, saying that he won't be able to accompany her to work. Wala itong Ibinigay na paliwanag. Not that she wants him to explain. It was just odd.

Itatanong pa naman sana niya rito kung ano ang nangyari noong Sabado nang malasing siya. She was pretty sure that she did at least one stupid thing.

Shrugging it off, she headed to the office alone. She couldn't help but notice how quiet it is without him. Oo nga't marami pa ring tao sa paligid, but she felt alone. Sanay siyang may madaldal na kasama sa paglalakad.

Pero siguro naman ay makikita rin niya ito kinabukasan kaya dapat panga ay i-enjoy niya iyon.

As usual, nauna na naman si Yuan sa office.

"Hi!" bati nito. "Kumain ka na?"

"Kanina," sagot niya. "Pero medyo gutom na 'ko."

"Tamang-tama. May dala akong siopao. Paborito ko 'yan. Marami kasing laman saka masarap ang pagkakagawa."

Binigyan siya nito ng isa.

"Thanks."

Ipinatong niya iyon sa desk at saka kinuha ang laptop mula sa drawer niya.

"Hindi mo yata kasama si Kelvin?" puna nito.

"Hindi raw sya makapupunta, e."

"So solo pala ulit natin ang office," nakangiti nitong sabi.

Gustong-gusto niya talagang nakikita itong nakangiti. He brightens up the room when he smiles. Nakakagaan ng pakiramdam.

--

"Kuya, hindi ka naman nakikinig e!"

Simangot na si Kylie. Kanina pa kasi siya nito kinakausap pero nakatutok lang siya sa pinapanuod habang ang utak naman ay naglalakbay sa kung saan.

Instead of going to Celine's place like he does every weekend, he sent her a text message saying that he can't come. And then, he found himself going to his cousin's house para magpalipas ng oras.

"Sorry," he muttered.

"Alam mo, you're mentally absent. Kung gusto mo syang makita, just go."

"I can't." He made a promise to himself that he'd at least try to not see her everyday. Kaya simula kanina ay hindi na niya ito kikitain. Siguro kapag minimal ang interaction nila, mababawasan 'yong feelings niya rito na pakiramdam niya ay unti-unti nang lumalalim, especially after that almost kiss last Saturday.

"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo."

"I'll suffer more if I went there just to be ignored again. If you could just see them together, then you'd understand. It's like they have their own little world and I'm just an outsider.

Malinaw pa rin sa memorya niya kung paano magtitigan ang dalawa habang nagdu-duet. He can't take it. He wants her to look at him that way, the way he looks at her. And at the same time, he's telling himself to just let go of the damn feeling para okay sila pare-pareho.

This on-going tug of war inside him is driving him crazy.

"I used to wish to see you finally fall for someone just to see how you'd handle it. Ngayon kita ko na, you're not handling it well. I'm sorry, kuya. Kung may magagawa lang ako for you, I'd do it."

Inakbayan niya ito. "Let's just watch the movie, okay?"

He doesn't even like Barbie. But Kylie insisted. At dahil nasa home theater siya ng mga ito, si Kylie ang nasunod. Medyo nadi-distract naman siya dahil kada galaw ni Barbie, kini-criticize niya. Si Kylie naman ang nagdi-defend sa pinanunuod.

Mag-a-alas doce na nang pasukin sila ng Tita Red niya. Pinagalitan nito si Kylie na todo puyat kahit may pasok pa kinabukasan.

"I'm sorry, tita. It was my fault."

"It's okay, Kelvin. Basta next time, huwag kang masyadong magpagabi para hindi nagpupuyat si Kylie. Alam mo naman 'yan, hindi matutulog hanggat nandito ka."

Tumango siya at humalik sa pisngi nito. Saka siya nagpaalam sa pinsan. So that option's out. Kakailanganin niyang humanap ng ibang distraction. He missed the times when it used to be so easy to find something to be distracted about.

--

Kinabukasan ay hindi na naman pumunta si Kelvin. Celine received a message from him saying that he's busy with work. Hindi naman nito kailangang magpaalam. She doesn't mind dahil sanay naman siyang pumasok nang mag-isa.

She simply replied 'okay' saka siya lumabas para kunin ang pinalabhan. Bumili na rin siya ng makakain on the way. Pabalik na siya nang may biglang tumawag pero dahil sa puno ang dalawa niyang kamay ay hinayaan na lamang niya iyong tumunog hanggang sa makauwi siya.

Nang makarating sa bahay ay saka niya tiningnan ang phone. Nanay pala niya ang tumawag. Agad niya itong tinawagan para kumustahin. And the sound of her voice made her worry.

Parang kaiiyak lamang nito. Sa tinagal-tagal na panahon na mula nang iwanan sila ng tatay niya ay hindi na niya ito narinig umiyak. Ngayon lang ulit. He has to be the reason behind it. Tatay lamang naman niya ang nagpapaiyak sa nanay niya.

Setting aside the anger, she asked what's wrong and patiently listened to her mother's broken explanation.

Hindi ma-absorb ng utak niya ang sinasabi nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Parang namanhid na nga siya.

All she could hear are the words 'lung cancer', 'stage 3', at 'pera'.

Mahilig manigarilyo ang tatay niya. Kaya madalas silang amoy-sigarilyo sa bahay dati. Kahit saan ito magpunta ay may hithit ito. Kapag pinagsabihan ito ng nanay niya, mag-aaway ang dalawa. Aalis ang tatay niya at gabi o madaling-araw na babalik.

Those were some of her fondest memories. Iyong mga panahong wala ang tatay niya sa bahay. It was peaceful and quiet, and him leaving them was one of the best and worst day of her life.

Masaya siyang umalis ito dahil pakiramdam naman niya ay pabigat lamang ito sa kanila. Babaero, maninigarilyo at lasenggo ito. Tamad pa. But at the same time, naaawa siya sa nanay niya. He may not be a great father to them, but it was very evident that her mother loves him very much.

Kaya ngayong bumalik itong may dalang problema, ang nanay na naman niya ang umaako. Kailangan daw nito ng perang pampagamot.

Matapos ang ilang taon, bumalik na rin ito sa wakas. But apology wasn't on the table. That is just like him. Ni minsan ay hindi ito humingi ng tawad sa mga kasalanan nito sa kanila.

He leaves, then he returns, thinking that it's okay for them to have him back. Na para bang walang nangyari. And then he'll leave them again.

Hanggang sa office ay dala pa rin niya ang inis dahil sa tawag na iyon. Humihingi sa kanya ng tulong ang ina dahil kapos din ito. Ang kinikita nito sa pagtitinda ng isda sa palengke ay ipinangbabayad nito sa utang at renta. Malaking dagok kasi sa kanila nang bumalik ang tatay niya two years ago. Ilang araw lamang iyon at noong paalis na ito ay saka lamang niya nalaman.

Wala kasi siya madalas sa kanila dahil sa trabaho.

When she found out that he asked her mother for money, nagalit siya. Lalo na't bigay lang nang bigay ang nanay niya. Kinapos sila sa pera noon.

At ngayon, ayaw sana niyang bawasan ang ipon niya pero kapag hindi niya pinahiram ng pera ang ina ay mangungutang na naman ito.

"Hoy!"

Napakurap siya. Nasa harapan na pala niya si Yuan.

"Kanina ka pa tulala. Hi!"

"Sorry. May iniisip lang."

"Mukha nga. Tinatawag kita kanina sa elevator pero di mo 'ko napansin. Nasaraduhan tuloy ako."

Inilapag niya ang gamit at huminga nang malalim. He was curiously eyeing her, waiting for some sort of explanation.

"Care to share? Mas gagaan ang pakiramdam mo kung may pagsasabihan ka nyan."

Umiling siya. "Wala 'to. Stress lang."

"Okay." Nagkibit-balikat na lamang ito saka siya hinayaang magtrabaho.

She forced the problem out of her mind and tried to focus on work. But it's just one of those days... Sabi nga, when it rains, it pours. And tonight was pouring stress.

Nagkaproblema ang database nila, galit ang mga kliyente dahil sa delayed na response, at nag-down ang isang application at inuurat sila ng mga users. Napa-flood ang email niya ng account modification requests at ang ilang users ay sa buong kumpanya pa nagsi-send ng email.

She hates that kind of users. Iyong hindi maintindihan na may kanya-kanyang department for each specific team and job. May sarili silang group mail for certain requests, pero iyong mga demanding na clients na akala mo'y CEO kung makapagmadali, sa buong company isi-send ang request kapag hindi sila nakareply minutes after the requests were sent.

Halos ipukpok niya ang mouse sa sobrang inis. Kung kailan siya namumroblema, saka naman nagkasabay-sabay lahat.

"Easy lang," Yuan told her.

"Bwisit kasi! Mga hindi makapaghintay. Akala mo sila lang ang users na hina-handle natin!"

Bukod sa American clients, may kliyente rin silang galing Malaysia na same hour ang shift as theirs, and they're as equally demanding.

"Ia-acknowledge ko na 'yong emails para matahimik sila. Basta gawin mo na lang 'yong pinagagawa nila. Start with the modification requests. Five days naman ang time allowance sa account creations e."

"Sorry ha. Badtrip lang ako ngayon, e."

Yuan smiled. "It's alright. Lahat naman tayo, nakakaranas ng bad days."

He's right, but he's always calm. Kahit maya't mayang may mangulit ditong kliyente, chill lang ito. Ni hindi ito nagtataas ng boses at passive pa ring magreply sa emails.

Mas mature pa ito sa kanya.

With Yuan's help, she managed to get the pressing requests all done. They took a break after. He urged her again to tell him about her problems, pero kahit gusto niyang sabihin dito ang lahat, she couldn't.

It would be like dumping all her baggages on the table for him to see. That's the kind of thing that she'd do to a friend, because friends are supposed to share problems and secrets.

But to someone like Yuan, who could possibly be the one, hindi niya iyon magawa. Not just yet.

Siguro ay dahil na rin sa ayaw niyang makilala siya nito bilang isang babae na problemado sa buhay. Who'd want to be with someone whose life is so melodramatic? Hindi ba't nakaka-stress iyon?

So she just kept it all to herself. At pag-uwi niya nang bahay, saka na lamang niya inilabas ang lahat ng sama ng loob sa ama at sa mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro