Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulo Once

Celine didn't get a reply. Walang paramdam si Kelvin ng ilang araw. She must have shunned him away for good. Nang mag-Lunes kasi ay hindi na ito sumundo sa kanya. She also didn't see him at the office.

Hindi naman siya nabu-bore sa office dahil nandoon si Yuan. They're like two peas in a pod. Sobrang compatible nila. Even in times of silence, hindi awkward at nakaba-bother. But Kelvin's absence had been noticeable. Kahit si Yuan ay mukhang naninibago.

Dalawang gabi na kasing wala si Kelvin doon kaya nagtanong na ito. Hindi rin naman niya alam kung ano ang isasagot. Wala rin kasi itong paramdam. Mukhang nasaktan nga ito sa ginawa niya.

She didn't know why she was being defensive about it. Parang gusto niyang protektahan ang sarili by shutting Kelvin out. Nakasakit tuloy siya dahil doon.

Hindi na siya nag-expect na babalik si Kelvin kinabukasan. That's why she was quite surprised when she went out that night and found him standing outside.

"Hi!"

Tipid itong ngumiti. "Hello."

He's a bit reserved. Hindi ito kagaya noong mga nakaraang araw na sobrang daldal. Pero ipinagdala pa rin siya nito ng gamit.

"Sorry," mahina niyang sabi.

"For what?"

"Sa ano... basta."

"Apology not accepted."

He didn't even look at her when he said that. Saka mas lumaki ang hakbang nito. She struggled to keep up with his pace, but he stopped abruptly.

Tumingala ito at saka sumahod.

"What?" she asked, looking up as well.

The answer dropped on her forehead. Gumilid sila nang magsimulang umulan.

"May payong ako sa bag."

Binuksan niya ang backpack saka kinuha ang payong. Foldable iyon at medyo maliit. Pang-isahan lang kasi. Kailangan pa naman nilang magsukob dahil walang dalang payong si Kelvin. Wala itong dalang kahit ano.

"Mag-bus na lang siguro tayo," suhestiyon niya.

"Okay."

Magkasukob sila hanggang sa kanto, then they rode a bus to the office. Tahimik pa rin ito sa limang minuto nilang byahe. She's not used to that kind of silence. Iba kasi ang epekto kapag nanahimik ang madaldal na tao. You immediately know that something's wrong.

Umuulan pa rin nang makababa sila sa bus. It took a while bago sila nakarating sa office. Nang mailapag niya ang gamit ay nagpaalam na ito.

"Umuulan pa."

Malakas na kasi ang ulan nang nasa office na sila. Ito 'yong tipo na na-build up maghapon tapos papatak ng bandang gabi, hindi 'yong napadaan lang.

"My car's on the parking area."

Napatingin siya sa paligid. Ang tanging bukas na ilaw na lamang ay iyong nasa may area nila, sa area ng guard, sa pantry, sa sakayan ng elevator at sa mga daan. Everywhere else is dark. And Yuan is not there yet.

Hindi lang halata sa kanya pero matatakutin siya. Vivid kasi ang imagination niya pagdating sa ganoon. Kapag nakapanuod siya ng isang horror movie, napapanaginipan niya iyon ng ilang gabi.

"Pwede bang dito ka muna?" pakiusap niya. Hindi siya sanay na magtrabahong mag-isa. Kahit noong previous shift niya, palaging may tao sa workplace. Nawala kasi ang kompyansa niya sa katawan nang makitang wala pa si Yuan. Usually kasi, palagi itong nauuna sa kanya.

"Okay," simpleng sagot ni Kelvin. Naupo ito sa iaang empty cubicle at saka naglaro sa phone habanh siya ay isini-set up ang laptop. To ang hassle sa trabaho nila e. Kailangang dalhin ang laptops pauwi kapag night-shift ang sked dahil may gumagamit sa pwesto nila sa umaga.

Tinext niya si Yuan para itanong kung papasok ba ito. Bitbit din kasi nito pauwi ang gamit nito tuwing Friday, tapos ay nakikilagay ito sa locker niya kapag Monday to Thursday. Pero kahapon, napagpasyahan nilang iuwi ang laptop para tapusin ang ilang trabaho sa bahay.

May report kasi silang kailangang ipasa ngayong araw.

She expected for Yuan to reply that he's on the way o baka paakyat na sa floor nila. Bumagsak ang mga balikat niya nang sabihin nitong magwu-work from home na lang ito. Malakas daw kasi ang ulan sa area nito at baka bumaha pa kapag hindi tumila.

Huminga siya nang malalim. Kung uuwi si Kelvin mamayang alas dose, maiiwan siyang mag-isa. Hindi naman siya makakapagtrabaho sa boarding house dahil walang wifi. Pang-offline work lang ang pwede.

Aligaga tuloy siya sa trabaho. She wished that the clock would stop before twelve, so Kelvin wouldn't have to leave. Gusto sana niya itong pakiusapang mag-extend hanggang madaling-araw kaso ay nahihiya siya. She's been nothing but mean to him for the past few days tapos bigla siyang hihingi ng pabor?

Nag-soundtrip na lamang siya para hindi matakot. Tahimik man ay nakapagtrabaho siya ng maayos dahil alam niyang may kasama siya. Pero nang lingunin niya ang kasama ay wala na ito sa pwesto. She panicked.

How long has he been gone? Naka-headset kasi siya kaya hindi niya napansin. Hindi naman ito nagpaalam na aalis.

Simangot na simangot siya nang maglakad papunta sa pwesto ng guard. Wala pang alas dose pero umuwi na agad si Kelvin. Hindi ba nito alam na madaling-araw raw nagpapakita ang mga multo sa office nila?

Palabas na siya sa may lobby nang makasalubong ito. May bitbit itong pagkain saka dalawang kape.

"I got sleepy," paliwanag nito sabay taas ng kapeng hawak.

She scowled. "Sana man lang nagpaalam ka!"

"I thought I didn't need to."

Nilampasan siya nito at saka bumalik sa dati nitong pwesto. Sumunod siya.

"Galit ka pa rin?"

"You didn't properly apologize," came his reply.

"Sorry na nga, di ba?"

"It doesn't sound sincere."

"Arte nito. E di huwag kung ayaw!"

"Why are you like that?" inis nitong tanong. "Kapag ibang tao, it's not okay. Pero kapag ikaw ang gagawa, you think it's okay to them. You think that they won't mind. Tapos ikaw pa lagi ang galit. And you're not even trying to make up for it!"

He sounded angry. For the first time ay pinagtaasan siya nito ng boses. She didn't even realize that he's capable of being this angry over a small thing. Para kasing chill lang ito, masaya palagi...

"Okay. Sorry na. Seryoso," sabi niya. "Sorry for being insensitive. Sinusubukan ko namang bumawi kaso hindi ka namamansin."

He handed her a cup of coffee, saka iyong burgers at fries na dala nito.

"I forgive you," he said, finally smiling. He's a bit confusing. Kanina lang ay parang galit na galit ito, tapos biglang magiging okay. Ang bilis magbago ng mood!

She looked at the food. Those were the exact items on the menu na inu-order nila ni Yuan sa Mcdo kapag magmi-merienda sila. Does that mean na nakita sila ni Kelvin during those times? Nakonsensya na naman tuloy siya. Paniguradong nagtampo ito dahil hindi nila ito inayang sumama.

"Sana nagsabi ka para nakasama ako sa pagbili."

"It's still raining," sagot nito. Kita naman niya rito. Medyo basa kasi ang damit nito. Tinakbo yata nito ang Mcdo para makabili ng pagkain. Mabuti na nga lamang at hindi na masyadong malakas ang ulan.

Ibinaba niya sa table ang mga pagkain at saka kinuha ang panyo sa bulsa.

"O," she offered.

"Huwag na," tanggi nito.

"Tanggapin mo na para mabawasan ang kasalanan ko sa 'yo."

Kinuha nito ang panyo at saka ipinangpunas sa mukha at damit. Saka nito iyon itinago.

"I'll have this washed bago ko isauli."

"Hindi na. Parang panyo lang, e. Madali lang lab'han 'yan."

But he didn't give it back. Hinayaan na lamang niya. Mahirap makipagtalo sa taong matigas ang ulo.

Kumain na lamang sila.

"Where's Yuan?"

"Work from home," sagot niya.

"Oh. So mag-isa ka lang dito mamaya pag-alis ko?"

She rolled her eyes. "Huwag mo nang ipaalala."

"Sabi pa naman nila marami raw multo rito," pananakot nito.

Sinamaan niya ito ng tingin. He just laughed and continued telling scary stories hanggang sa batuhin niya ito ng fries.

Saka ito tumigil at sumeryoso. "I could stay if you want."

"Hanggang umaga? Mapupuyat ka nyan."

"My body clock's already messed up, so..."

"Bahala ka," she said nonchalantly. Pero deep inside ay tuwang-tuwa siya dahil may kasama na siya sa office.

Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na siya sa pagtatrabaho. Lumipat sa tabi niya si Kelvin at nakiusyoso. Ang dami nitong tanong. Nakakaubos ng pasensya sa dami. But she reminded herself to be nice, because she owes him a lot.

"Can I try?"

Umiling siya. "Baka magulo 'yong directory."

"Come on. Hindi 'yan."

"Sige nga. Ano'ng una mong gagawin sa AD?"

"Right click, then Create."

"Anong folder?"

"Sa employee folder."

"Mali!" sagot niya. "Hindi ka kasi nakikinig nang maayos. Magkahiwalay ang folders ng permanent at temporary employees. Iyong mga nasa employee folder, permanent 'yon. Nasa Temp ang consultants."

"But isn't the user permanent?" kunot-noo nitong tanong.

"Magkaiba ang employee IDs ng temp at permanent. Tingnan mo. Mas marami 'yong numbers kay user kesa dun sa isang regular, di ba?"

Inilapit nito sa screen ang mukha to check the info. "Oh, right."

"See? Kaya manuod ka na lang. Hayaan mo na akong magtrabaho."

Nakinig naman ito sa kanya. He stayed quiet for a while bago ito tumayo at naglakad palayo.

"Sa'n ka pupunta?"

"Relax. I'm just going to get some water."

"Bilisan mo ha."

He simply winked at her.

Kelvin came back with two disposable cups of water. Nagpasalamat siya nang ibigay nito sa kanya ang isa. Mag-a-alas dos na noon ng madaling-araw. Apat na oras na lang at pwede na siyang umuwi.

Panay ang daldal sa kanya ni Kelvin para hindi raw ito antukin. But he eventually fell asleep on his seat. Hinayaan na lamang muna niya itong matulog.

She woke him up at six dahil paalis na siya. Naimpis na niya ang mga gamit at naitabi na ang laptop.

Nakasikat na ang araw.

Nag-inat ito. He insisted on taking her home pero nahihiya na siya. Pagkahatid kasi nito sa kanya ay babalik na naman ito sa building para kunin ang sasakyan nito.

So she declined.

"Thanks," sabi niya rito nang makababa sila.

"Don't mention it."

"Nga pala, nag-aya si Yuan na mag-karaoke sa Sabado. Kasama sina Janelle at Sir Jake. Kung gusto mo, pwede kang sumama."

"Sure! I'll be there!" Mukhang tuwang-tuwa ito dahil sa pag-aaya niya.

Nag-aya si Yuan last Friday na magkaraoke dahil payday nila this coming Friday. Isasama raw nito si Jake na team lead at kaibigan nito. Siya naman ay isasama si Janelle. And now she's also bringing Kelvin. Okay naman pala kasi itong kasama. Siguro nga ay hinayaan lamang niyang pangunahan siya ng inis kaya hindi niya iyon nakita kaagad. But now, she's okay with him. It turns out that he's not so bad after all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro