Capitulo Ocho
Celine was expecting someone a lot older. Noong nakausap nya kasi si Yuan Karlo ay pormal na pormal itong magsalita. Akala nga niya noong una ay kano ang kausap niya dahil English ang salita nito tapos may American accent pa. She kept on referring to him as sir kahit magkapareho lang naman sila ng job grade.
It turns out na mas matanda pa siya rito ng isang taon. He's 22 years old and has been in the global team for 6 months.
"Sorry, na-late ako."
"It's okay. Medyo maaga pa naman."
Naupo siya at inayos ang gamit. "May trabaho na ba?"
"Konti. Nabasa mo na ba 'yong manuals? Kailangan mo na kasing mag-hands on ngayon e. But don't worry. Tuturuan pa rin naman kita."
Binigyan siya nito ng ilang gagawin, then he explained as she works. Limang user accounts ang itinuro nito sa kanyang gawin. Alam naman na niya iyon dahil bukod sa paulit-ulit na niyang nabasa ang manual ay similar iyon sa una niyang trabaho bago sya mag-global. Kumbaga, ilang applications lang at iyong location ang nabago, pero similar lang ang process.
"Ilagay mo 'yong information ng accounts na ginawa mo sa excel sheet na binigay ko. Trabaho mo na ang mag-update nyan. Dapat magta-tally 'yong tickets sa info na nakalagay dyan," paliwanag nito.
"Pa'no kapag duplicate?"
"I-close mo na 'yong ticket. Ilagay mo na lang sa remarks na duplicate kasama 'yong reference ticket noong unang request."
"Okay."
"If you don't mind, magsa-soundtrip ako ha. I can't work without music kasi," paalam nito.
"Okay lang." Mahilig din naman siya sa music. At madalas siyang naka-headset sa trabaho dahil nakikinig siya sa mga kanta.
Nang pumayag siya ay agad nitong inilabas ang maganda nitong phone saka ito nagpatugtog. Dadalawa lang naman sila sa area nila kaya kahit naka-loudspeaker ay okay lang.
She almost gushed when she heard the first song. Isa kasi sa mga paborito niyang kanta ang Indak ng Up Dharma Down. Pigil na pigil niya ang sariling sumabay sa kanta.
His songs were cool. Halos alam niya lahat. Pareho sila ng taste sa music: jazz, indie, blues saka R&B. And he could sing too. Sumasabay kasi ito sa kanta at kahit mahina ay rinig niyang nasa tono ito.
"Singer ka?" hindi niya napigilang itanong.
"Sa banyo," natatawa nitong sagot. "May banda kami noong high school, kaso nagkahiwa-hiwalay kaming magbabarkada noong college. Ikaw?"
Umiling siya.
"Pero marunong ka?"
"Oo. Singer kasi ang tatay ko. Sinanay nya akong kumanta noong maliit pa 'ko." That's his only legacy. Hindi niya alam kung ikatutuwa ba niyang may pagkakapareho sila ng tatay niyang nang-iwan sa kanila.
"Cool! Sample nga."
"Huwag na. Baka ma-trauma ka," biro niya.
Magaan itong katrabaho. He patiently answers all her questions. Hindi rin ito nauumay kapapaliwanag. Kapag wala silang ginagawa ay nagkikwentuhan silang dalawa. Nang magmadaling-araw ay nag-aya itong magkape. At laking tuwa niya nang malamang paborito rin nito ang kape sa Mcdo.
--
It came as a surprise to Janelle nang tawagan siya ng kaibigan, alas ocho ng umaga. Dapat kasi ay tulog ito ng ganoong oras. Alam naman niyang hindi pa rin ito sanay magpuyat and it will take a while for her body to adjust to her schedule.
Nasa byahe na siya nang tumawag ito para magkwento tungkol sa ka-team nito na si Yuan. Rinig niya sa boses nito ang galak. Celine just found her dream guy. She would have shouted hallelujah kung si Kelvin iyon, kasi si Kelvin ang gusto niya para sa kaibigan.
Pero magkaiba sila ng tipo ng lalaking gusto. Celine likes simple guys. Iyong hindi 'in your face' ang kagwapuhan. Iyong tipong walang masyadong dating sa una, pero magugustuhan din kapag nakilala nang lubusan. And this Yuan hit the mark.
Hindi man direktang sabihin sa kanya ni Celine na tipo nito ang katrabaho ay ramdam niya. She wouldn't be this excited kung hindi.
"So, crush mo?"
"Ha? Hindi!"
"Sinungaling. Kilala kita. Tumataas ang boses mo kapag nagsisinungaling ka."
Celine tsk-ed. "Grabe ka naman kasi. Crush agad? Hindi ba pwedeng natutuwa lang muna kasi marami kaming similarities?"
"Gano'n na rin 'yon. Naku, kawawa naman si Kelvin."
"Huwag kang maawa do'n. Easy lang ang pagmu-move on do'n."
"Hmm, sabagay. E teka, tinanong mo ba naman muna 'yang Yuan na 'yan kung may girlfriend sya? Baka mamaya, magkakagusto ka na nga lang, doon sa may sabit pa."
"Nakakahiya kayang magtanong. Saka wala naman akong balak makipagrelasyon sa kanya. Natutuwa lang ako sa kanya."
"Ewan ko sa 'yo. Kaya napag-iiwanan ka e."
Isa si Celine sa mga taong takot sumugal. Hindi nito papasukin ang isang relasyon kapag hindi ito sigurado. It's the reason why she left her previous job in the first place. Nagkagusto kasi rito ang dating manager nila.
Celine got scared. Hindi kasi nito gusto iyong lalaki. Papansin daw masyado saka mayabang magsalita. Then, nalaman nila later on na may gusto pala ito kay Celine kaya ganoon. Nang magsimulang mamersonal ang dati nilang manager ay napagpasyahan na lang ni Celine na mag-resign.
Hindi pa nagkakaroon kahit manliligaw ang kaibigan niya dahil hindi naman nito pinapanligaw ang isang lalaki kapag hindi nito gusto. Umiiwas na ito kaagad.
Nagpaalam na siya sa kaibigan nang makarating na siya sa babaan. Ayaw sana niyang problemahin ang love life nito pero kasalanan din naman niya kun bakit biglang nagkainteres dito si Kelvin.
Kung ibang babae pa siguro ay pasasalamatan siya. But not Celine. She only sees Kelvin as a nuisance.
--
Alas tres ng hapon nang mapagpasyahan muli ni Janelle na dumaan sa coffee shop, hoping that she will see him there. Simula kasi nang manligaw si Kelvin kay Celine ay hindi na niya ito nakita sa Starbucks.
Araw-araw niya itong hinihintay tuwing alas tres kaya alam niya. This time, she decided to give it a try again. At hindi naman siya na-disappoint. Nakita niya itong lumabas sa katabing building at dumiretso sa nasabing coffee shop. Pasimple siyang sumunod at humanay sa likuran nito.
"Hi, Kelvin!" bati niya.
Sa simpleng ngiti nito ay nabuhay na naman ang kilig niya. She mentally reprimanded herself.
"Hello. Janelle, right?"
Tumango siya. "Yes. Can I join you?"
"Sure."
He didn't just let her join him. He even took her order and paid for it. May libre pa syang sandwich. Kagaya ng dati ay may dala na naman itong libro.
"Ang hilig mong magbasa, 'no?"
"Yeah. We have a lot of books at home."
"Nagbabasa ka ba ng Tagalog books? Pocketbooks?"
"I read Tagalog books, but not pocketbooks," sagot nito
"Nagtatagalog naman kayo sa bahay nyo?"
"Yes."
"So fluent ka sa Tagalog?"
"Yes."
Ngumiti siya. "Then pwedeng managalog ka na lang? Nauubos ang Ingles ko sa 'yo, e."
That made him laugh. "Sure."
"Kumusta na nga pala?"
"Okay lang."
"Sorry nga pala sa pambabasted ng friend ko ha. Tanga kasi 'yon e." Kumagat siya sa sandwich habang hinihintay ang response nito.
"It's okay."
"Just so you know, pinagalitan ko sya nang bongga. Gano'n lang kasi talaga 'yon. Ayaw nang binibigla. I think na hindi lang sya sanay sa approach mo."
"Sabi nga ng cousin ko, masyado raw akong nagmamadali. I should have let her know me first. But it's okay. Basted na e."
Iyon na 'yon? gusto niyang itanong. Kung siya naman ang niligawan nito at ganoon lang ang effort, madi-disappoint din siya. Medyo nakikita na niya iyong punto ng kaibigan niya. Nabasted na rin kasi niya si Marlon noon, pero hindi ito tumigil panliligaw hanggang magbago ang isip niya. At hindi naman siya nagsisi sa naging desisyon.
"Oh, by the way, night shift na nga pala sya ngayon."
"Yeah, I heard."
Tumaas ang kilay niya. So nakikibalita ka?
"Buti na lang hindi matatakutin 'yon. Nakakatakot kasi sa office kapag gabi e. Pero sabagay, may kasama naman sya. Kilala mo si Yuan? First day pa lang nilang magkatrabaho, tuwang-tuwa na si Celine sa kanya. Nagulat nga ako kaninang umaga nang tawagan nya 'ko para magkwento tapos puro Yuan ang bukambibig nya."
Gusto niyang i-high five ang sarili nang mag-iba ang timpla ng mukha nito. E di affected ka nga.
"Crush nya na yata 'yon e," dagdag niya.
--
Naiinis si Kelvin sa sarili. Bakit ba parang upset na upset siya? Sana pala hindi na lamang niya kinausap si Janelle. Ang ganda na ng mood niya kanina e. After one coffee break, nasira agad.
Kailangan ba talagang ipamukha sa kanya na ìba ang tipo ni Celine? Noong siya ang nanliligaw rito, wala siyang nasasagap na reaksyon kundi ang pagkainis nito sa kanya. Tapos ngayon, kakilala pa lang nito sa Yuan na 'yon, gusto na nito kaagad?
Simangot tuloy siya nang bumalik sa office.
Pagkaupong-pagkaupo niya ay agad niyang tinawagan si Jake, ang team lead ng global para malaman kung sino si Yuan. Agad siyang tinukso ng kaibigan.
"Akala ko ba wala ka nang pake? Basted ka na, di ba?"
"I'm just curious," dahilan niya.
"Bakit? Want to check out the competition? O baka naman nag-iba na ang type mo? Lalaki na ba, p're?" Tumawa ito nang malakas.
He grunted. "Forget I asked."
"O, teka lang!" pigil nito. "Badtrip ka naman agad."
"Wala ako sa mood makipaglokohan, pare."
"Halata nga. Okay. Ano ba ang gusto mong malaman? Sino si Yuan? One year na syang regular employee. Six months na under ng team ko. Mabait 'yon saka masipag."
"Single?"
Jake guffawed. "Sinasabi ko na nga ba."
"What?"
"Wala! Oo, single 'yon pero hindi pumapatol sa lalaki."
"Ulol! Seryoso kasi!" he said impatiently.
Jake stopped laughing. "Single."
Sa sinabi nito'y parang lalo siyang nainis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro