Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulo Dos

Celine feared that her friend is slowly falling for that Kelvin. Parang sobra-sobra kasi itong mag-fangirl. Janelle didn't come from a rich family. Oo, stylish ito, pero ang mga damit at accessories nito ay thanks to Divisoria and ukay-ukay lang. She knew that this Starbucks thing is taking its toll on her friend, financially at physically.

Araw-araw siya nitong niyaya mula noong unang beses na sumama siya pero dalawang beses lamang niya itong pinaunlakan, dahil ayaw rin naman niyang masobrahan sa kape. Nagkakape na kasi siya sa umaga.

At ngayon nga, dahil sa hindi naman ito sanay magkape pero panay ang pagkakape nito ay naisugod ito sa ospital kahapon. Tea girl kasi si Janelle. Tea, chocolates at juice ang madalas nitong inumin. Mahina kasi ito sa kape dahil madali itong nerbyosin. At nangyari na nga ang inaasahan niyang mangyari. Naka-SL ito kahapon at SL pa rin ng araw na iyon.

All because of that freaking coffee guy.

Pati siya ay naapektuhan na. Kahit na hindi siya sumasamang madalas kay Janelle, araw-araw, kapag mag-aalas tres na ay napapatingin siya sa orasan, at kating-kati ang paa niyang lumabas ng building. It was slowly becoming a habit at naiinis siya sa ganoon. Mahirap kasing putulin ang habit, kaya habang maaga pa ay hindi na nya iyon ginagawa.

She ignored the clock on her laptop and focused on work. Tatlong MS Excel ang nakabukas, yung active directory nila at multiple tabs sa Firefox. Naduduling siya sa screen. Ang dami kasing nakalagay, which means na hindi nababawasan ang trabaho niya.

She looked at the clock again. Alas tres na. Sighing, she stood up and walked to the pantry to have some coffee. Akmang pipindutin na niya iyong button to dispense a cup of coffee when her phone suddenly rang. Kinuha iya iyon sa bulsa at saka sinagot ang tawag.

"O?"

"Alas tres na!" bungad ni Janelle sa kabilang linya.

"Alam ko. Magkakape na nga ako."

"Mcdo na naman?"

"No. Sa pantry lang. Kumusta ka na?"

"Sa pantry? Celine, alas tres na! Mag-Starbucks ka!" sabi nito sa kanya, completely ignoring her question.

"Wala akong pera."

"Babayaran kita pagbalik ko!"

Kumunot ang noo niya. "Ano'ng point ng pagpunta ko roon, e ikaw naman ang gustong makakita sa kanya?"

"Nami-miss ko na kasi sya."

"Well, hindi ka nya nami-miss."

"Celine naman, e! Sige na, please! Kahit i-describe mo lang kung ano ang suot nya, okay na sa 'kin."

Bumuntong-hininga siya. "Sisilipin ko na lang sa bintana."

"Hindi kita sa bintana 'yong pwesto nya. Na-try ko na."

Napasapo siya. She could imagine her friend looking through the glass windows of the coffee shop, and embarrassing herself. Wala yata talagang limit sa kagagahan itong si Janelle.

"Celine? Hello? Best friend?"

"Bini-best friend mo lang ako kapag may kailangan ka. User ka talaga."

Tumawa ito. "Alam mo namang mahal kita kahit Celine lang ang tawag ko sa 'yo."

"Tumigil ka nga! Kinikilabutan ako sa 'yo."

"Oo na! Pero pumunta ka ha!"

She grunted. "Fine! Mag-o-order ako ng cake."

"Okay lang basta isang slice lang," sagot nito. "Thank you! Tawagan mo 'ko kapag nandoon ka na."

"Sige."

Bumalik na siya sa pwesto para mag-polbo at magsuklay. Hindi siya mahilig mag-ayos pero kapag nandoon si Janelle at lalabas sila ng office ay pinag-aayos siya nito para hindi raw siya nakakahiyang kasama. Nailing siya. Siya pa talaga ang kahiya-hiya gayong mas nakakahiya naman ang mga pinaggagagawa nito sa buhay.

Opposites sila ni Janelle sa maraming bagay. Hindi nga rin niya alam kung bakit niya ito nakasundo. Janelle likes all things girly. Siya, okay na sa unisex. Mahilig itong mag-ayos. Siya, plain na plain. Ayaw kasi niyang makakuha ng atensyon, na kabaligtaran naman ni Janelle na gusto'y pinagtitinginan ito palagi. Vocal din ito sa feelings nito. Hindi niya katulad. But they get along so well.

And this is just one of the many crazy things that she will do for her friend. Kumuha siya ng 500 at ibinulsa. Saka siya umalis.

When she arrived at the coffee shop, nakita niyang nandoon na si Kelvin sa usual nitong pwesto. May binabasa na naman itong libro. Siguro ang tali-talino nito.

"One coffee jelly. Tall. Saka isang slice nitong chocolate cake," sabi niya sa nasa counter. "For Celine."

The woman punched in her order. Halos hindi niya mabitawan ang 500 dahil nanghihinayang siya. She had to remind herself na libre iyon to be able to let go.

Pumwesto sya sa table na malapit kay Kelvin, with a safe amount of distance, para makita nang maigi ang suot nito. He's wearing a white long-sleeved dress shirt na nakalilis hanggang siko ang mga manggas. Hindi niya mawari ang kulay ng pantalon nito. Basta brown, light brown. Hindi niya alam kung anong shade iyon.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka niya tinawagan ang kaibigan.

"Hello," bulong niya. Tinakpan niya ang bibig to muffle the sound.

"Nandyan ka na?"

"Oo. Naka-white shirt sya saka brown na pantalon. Ano, okay na?"

"Ano?! Hindi kita marinig!"

"White shirt. Brown pants!" she hissed.

"Anong klaseng shirt? Anong klaseng pantalon? Saka yung sapatos nya, ano? May relo ba syang suot? Come on, Celine, details!"

"Meron," sagot nya. "Rolex yata. Mukhang mamahalin e. 'Yong sapatos, hindi ko alam 'yong tawag. Basta brown din."

"Haynako. Magbasa ka kasi ng magazines! Kunan mo na nga lang ng picture."

"Ano?!"

"Picture-an mo kako."

"Ayoko nga!"

"Dali na, Celine! Para gumaling ako agad!" pangungulit nito.

"Nakakahiya!"

"Saglit lang 'yan! Isang click lang!"

She groaned. In-end niya ang call at saka binuksan ang camera app. Tatlong taon na sa kanya ang cellphone pero bihirang-bihira lang siyang mag-picture. Hindi kasi siya mahilig.

Pasimple niya iyong ini-anggulo para makuha ng buo ang nakaupong lalaki. Then she hit the camera button. To her horror, nag-flash iyon kasabay ng malakas at nakabibinging click.

Napatunghay si Kelvin. Siya naman ay hiyang-hiyang tumakbo palabas ng coffee shop. Nanghihinayang man siya sa kapeng hindi pa niya naiinuman at sa cake na hindi pa niya nababawasan ay wala siyang ibang nagawa kundi ang umalis. She swore to herself that she will never, ever, step foot in that coffee shop again. Kahit pa magmakaawa nang walang sawa si Janelle sa kanya.

--

Tawang-tawa si Kelvin nang makaalis ang babae. He remembers her. Ito iyong kasama noong maingay na babae noong isang linggo. Ilang beses na rin ba niya itong nahuling nakatingin sa kanya?

He's used to women ogling at him. Kahit naman noong bata pa lamang siya ay ganoon na. But when this woman first looked at him, he felt uneasy. Na parang gusto niyang magtago dahil sa hiya.

He was so distracted back then. Ni hindi na siya nakausad sa binabasa niyang libro. And when he walked passed by her, parang may kaunting kilabot syang naramdaman.

He didn't know what it was back then and he simply shrugged it off, thinking that it was just static electricity. The next day, nauna ang mga ito sa coffee shop. While he was ordering from Ella, 'yong baristang may crush sa kanya, nakaramdam na naman siya ng kilabot. Gumapang iyon sa batok niya. Alam niyang nakatingin na naman ito sa kanya.

He didn't see her for the next few days. And he thought that she wouldn't come back anymore. Medyo nasorpresa siya nang makita itong umo-order kanina. And then, pasimple niya itong sinundan ng tingin hanggang sa maupo ito sa table na malapit sa kanya.

Simple lamang ito. Mukhang walang makeup. Simpleng t-shirt at jeans ang suot. Walang alahas sa katawan.

Itinuon niyang muli ang atensyon sa binabasa nang may tinawagan ito. When he looked up again, nakita niyang pasimple siya nitong kinukuhaan ng picture. Pigil na pigil ang ngiti niya at kunwari'y wala siyang alam sa nangyayari. But when he heard a loud click and a light suddenly flashed, he almost guffawed.

He wanted to say to her that it's okay. Gusto pa nga sana niya itong lapitan para mas madali ang pagkuha nito ng picture, pero nagtatakbo na ito palabas ng coffee shop, pulang-pula ang mukha sa hiya.

Pinuntahan niya ang table nito at tiningnan ang kape at cake na halos wala pang bawas. He saw her name on the cup and smiled. Celine. Even her name sounds so simple.

Dinala niya iyon sa counter at ipinabalot. He told Ella that he knew the woman kaya dadalhin niya iyong order para kay Celine. Ella looked at him in disbelief but didn't say anything.

He didn't know Celine personally, pero alam niya kung saan ito nagtatrabaho. Nasa ID lace kasi nito ang pangalan ng kumpanya ng daddy niya. It would be easy to look her up.

--

Nang ikwento ni Celine sa kaibigan ang nangyari ay halos mautas ito katatawa.

"Oh my God! Ang tanga mo, friend! Hindi mo man lang na-check kung may sound ba 'yong camera o kung naka-on 'yong flash?"

"E malay ko ba! Hindi naman ako mahilig mag-picture!"

"Ayan. It pays to be a little vain kasi," pangangaral nito sa kanya.

"Kasalanan mo 'to e!"

"Alam ko. Pero katangahan mo pa rin ang maaalala nya!" sabi nito sabay tawa.

She cut the call short and stared at her computer. Naging haywire tuloy ang daloy ng thoughts niya dahil sa nangyari. Hinding-hindi na talaga siya pupunta sa lugar na iyon.

She almost jumped in surprise when her local rang. Tumawag sa kanya yung guard sa lobby. May package daw para sa kanya. Kunot-noo niyang sinabing pupunta na siya. Wala naman siyang natatandaang in-order.

Nang makarating siya sa pwesto ni Kuya Willie, the guard, ay nakita niyang may isang paper bag doon na may tatak ng Starbucks.

"Celine! May nagpapabigay nito o. Ayiiie. Boypren mo 'yon, 'no?" tukso ni Kuya Willie.

"Wala nga akong boyfriend, kuya." Pero nagtataka pa rin siya. May sticky note sa labas ng paper bag. Nakasulat ang pangalan niya. When she looked inside, nakalagay roon iyong in-order niyang kape at cake kanina sa Starbucks.

Bumalik na siya sa pwesto at inilabas ang mga laman ng paper bag sa table niya. Kukuyumusin na sana niya iyon nang makita niyang may papel pa sa loob.

Bigla na naman siyang kinabahan nang mabasa ang nakasulat.

Hi, Celine! You forgot these. :)
Kelvin

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro