Capitulo Doce
Halos dalawang oras pa lamang ang tulog ni Celine noong Sabado. Excited siya dahil unang beses niyang makakasama si Yuan outside work. Agad siyang naghanap sa drawer niya ng pwedeng isuot.
Napasimangot siya nang wala siyang mahanap. Napakarami na niyang damit pero wala siyang magustuhang isuot. Labahin lahat. Tiningnan niya ang hamper na puno ng maruming damit. Dalawang linggo na rin siyang hindi nagpapalaba.
Kinuha niya ang mga libagin, ibinukod ang mga underwear na lalabhan niya mamaya, at inilagay sa plastic ang mga damit. Pagkahilamos niya ay lumabas siya para dalhin iyon sa palabahan. Dumaan na rin siya sa bakery para bumili ng tinapay. Hindi kasi pwedeng magluto sa boardin house nila.
Pagkakain ay naligo na siya. Pagkaligo, tinawagan niya si Janelle para magpasama sa mall.
"Magka-karaoke lang tayo mamaya, bibili ka pa ng bagong damit?"
"Ngayon lang naman ako bibili ng bago," dahilan niya.
"Bakit? Marami ka namang damit a."
"Labahin lahat."
"Lahat? As in walang natira sa drawer mo?"
Bumuntong-hininga siya. "Meron naman."
"O, ayun naman pala! Huwa ka nang bumili!"
"Pero kasi--"
"Ano? Dahil si Yuan ang nag-aya, bibili ka pa ng bago?" Hindi siya agad nakasagot. "Haynako, Celine. Alam mong hindi ako shipper ng love team nyo. Kung sa kanya ka magpapaganda, hindi kita tutulungan."
"Grabe nito. Di ba gusto mong mag-ayos ako? Heto na nga o. Mag-aayos na."
"Mag-ayos ka para sa sarili mo, hindi para sa ibang tao!"
"Para sa sarili ko naman 'to e."
"Sus!"
Ngumuso siya. "Sige. Kung ayaw mo, huwag na lang. Hindi na lang ako pupunta mamaya."
"Hala? Nagtatampo ka?"
"Pakisabi na lang sa kanila na masama ang pakiramdam ko."
"Hoy! Ito naman o. Sige na. Sasamahan na kita."
Nakahinga siya nang maluwag. Gustong-gusto talaga niyang mag-ayos para sa karaoke night mamaya, pero alam niyang hindi niya kayang mag-isa sa pamimili ng matinong damit para roon. Sanay kasi siyang shirts at jeans lang ang suot. Never pa siyang nakipag-date kaya hindi niya alam kung paano magpaganda. She badly needs Janelle's help, lalo na pagdating sa makeup.
"Wala nang bawian ha. Ano, what time tayo?"
"After lunch na," sagot nito. "Alas dos siguro. May lunch date pa kami e. Kita na lang tayo sa may Dulcinea."
"Okay. See you later!"
--
Eksatong alas dos ng hapon nang umalis si Celine ng bahay. Alam niyang wala pa si Janelle sa meeting place nila dahil palagi naman itong late. She plans on taking that time to window shop, imbes na maburyo siya sa tapat ng Dulcinea kahihintay.
Itinext niya ang kaibigan nang makababa siya sa mall. Ito naman ay tumawag sa kanya para sabihing hindi na ito makapupunta. Sumama raw kasi sa lunch ang mama ni Marlon kaya hindi ito makaalis.
"Ano 'yan, alas dos na, nagla-lunch pa rin kayo?"
"Gaga! Syempre, hindi. Nag-aya ring gumala si Tita Angge."
"Sabihin mo may lakad ka pa."
"Hindi pwede. Kailangang magpa-good shot kay future mother-in-law para kapag nagpakasal kami ni Marlon e hindi maging impyerno ang buhay ko. O sige na. Tinatawag na nila 'ko."
"Paano ako?" simangot niyang tanong.
"Pababayaan ba naman kita e? Nagpadala ako ng replacement. Dontcha worry."
"Sino naman?"
"You'll see for yourself. Asa Dulcinea na raw sya. Bye!"
Janelle ended the call before she could even utter another word. Gusto na niyang umuwi na lang kaso, kapag ginawa niya iyon ay baka tamarin na rin siyang pumunta mamaya. Baka magtampo pa si Yuan at hindi na sya ayain next time.
Kaya kahit naiinis sa kaibigan ay tumuloy na lamang siya. May replacement daw naman. Baka isa sa mga beking kaibigan ni Janelle.
Malapit na Dulcinea nang mapatigil siya paglalakad. Huminga siya nang malalim at mabilis na nag-isip. Tutuloy pa ba siya o uuwi na? Bakit ba kasi sa dinami-rami ng kaibigan ni Janelle ay si Kelvin pa ang napili nitong pasamahin sa kanya? Ano naman ang alam nito sa kakikayan ng mga babae?
Pero sabagay, nakailang girlfriends na rin naman ito. Baka nga may alam ito kahit kaunti.
She hesitantly walked towards him. Agad itong ngumiti nang makita siya. Kaswal lamang naman ang suot nitong acid-washed jeans at white shirt pero parang modelo ito ng Abercrombie na pinakiusapang mag-endorse ng cakes ng Dulcinea.
"Hi!" he greeted. Same excited face. Same jubilant smile.
"Hello," tugon niya.
"Janelle called me."
"I know."
"Okay lang ba sa 'yo?"
Tumango siya. "Okay lang." Wala naman siyang choice kahit ayaw niya.
"I don't know much about women's fashion so I asked someone to help us out. She'll be here any minute."
True enough, his reinforcement came fifteen minutes later. Ito iyong nakita niyang kasama nito dati nang bumili siya ng electric fan. Mas maganda ito sa malapitan. Mukhang artista. Singtangkad niya ito, mahaba ang buhok na mukhang pang-shampoo commercial at may dimples sa corners ng mga labi nito. Iyong parang kinuwit lang.
Agad itong yumakap at humalik sa pisngi ni Kelvin. Pakiramdam tuloy niya ay bigla siyang naging third wheel.
"Celine, this is Kylie," pakilala ni Kelvin sa babae. "Kylie, Celine."
Inilahad niya ang kamau, but Kylie pulled her by her shoulders and kissed her cheeks. She caught a whiff of her perfume. Sobrang bango nito.
"It was nice to finally meet you! Kuya told me so much about you!"
"Kuya?" Kunot-noo siyang nagpabalik-balik ang tingin sa dalawa. "Akala ko--"
Umiling si Kylie at natawa ng bahagya. "Oh. No, we're cousins."
Napamaang na lamang siya. She actually felt bad for thinking that Kelvin would go for someone so young.
--
After the introduction, Kylie led them to a high-end store na never pa niyang pinasok dahil namamahalan siya sa nga tindang damit. Mukhang sanay na sanay naman ang dalawa niyang kasama. Alam kasi ng mga ito kung saan nakalagay ang alin.
"Kylie shops here often," paliwanag ni Kelvin.
Sinundan nila si Kylie habang ito as she checks rack after rack of clothes. Saka ito kumuha ng dalawang dresses at ipinakita sa kanya.
"Can you try these on?"
"Dress talaga?" nakangiwi niyang tanong. "Hindi ba pwedeng shirt na lang?"
"I think you'll look better in a dress, ate," sagot ni Kylie sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang dalawang dress na hawak nito at saka siya hinila papunta sa fitting room.
Nang nasa loob na siya ay una niyang tiningnan ang price tags. Nanlumo siya sa presyo. Ang isang dress ay katumbas na ng isang buwan niyang renta sa boarding house.
Nag-aalangan man ay isinukat pa rin niya ang isa. Lacy dress iyon na sobrang lambot ng tela. Magaan din ang pagkakayari. Parang bulak lang ang suot niya.
Sleeveless iyon at hanggang tuhod ang haba. Maganda naman iyon kaso ay nag-aalangan siya sa presyo.
Somebody knocked on the fitting room's door.
"Ate, patingin."
Binuksan niya ang pintuan. Nag-thumbs up ang magpinsan.
"Let's see the other one!"
Isinukat din niya ang isa pang dress. Maganda rin iyon. Medyo maiksi ng konti kesa sa nauna at may sleeves tapos black and white ang print. When she showed them, Kylie wrinkled her nose and said na mas bagay sa kanya iyong isa.
Nang makapagbihis ulit siya ay ibinalik niya sa hanger ang dresses.
"Hindi mo kukunin?" tanong ni Kylie.
"Ang mahal, e. Three hundred lang ang budget ko."
Akala naman kasi niya ay sa tiangge lang sila bibili ng dress. May parte kasi ng mall na mura ang mga tindang damit. Doon madalas mamili si Janelle.
"Sayang naman, ate. Bagay sa 'yo 'yong lacy dress e."
"Meron din siguro nito na mas mura."
Nanghihinayang din naman siya. Ang lambot noong tela at ang ganda ng pagkakatahi sa dress, pero sa presyo noon ay ilang mas murang damit na ang mabibili niya.
"But do you like the dress?" Kelvin asked.
Tumango siya. "Okay lang. Marami pa namang iba."
"If you like it, then let's buy it." Kinuha nito ang lacy dress at saka dinala sa counter. Siya naman ay dali-daling sumunod, in an attempt to stop him, pero hindi naman ito nagpapigil.
Iniabot nito sa kanya ang damit na hindi na nito ipinabalot. "Isuot mo na."
"Wala akong pambayad dyan."
"Pinababayaran ko ba? I just want to see you in a dress, that's all."
Dahil sa pagpupumilit nito na ginatungan pa ni Kylie ay nakapagpalit siya kaagad. Ipinalagay nito ang jeans at shirt niya sa paper bag saka sila umalis sa store.
Dumaan naman sila sa mga tindahan ng makeup kung saan pwedeng magpaayos. Kylie urged her to try. Since it's free at wala naman si Janelle para ayusan siya ay pumayag na rin siya.
Light lang ang makeup na inilagay sa kanya but it did a lot on her pale face. Nagkakulay ng kaunti ang mukha niya and she actually looks good. Inayos na rin ang buhok niya to complete the look. At bilang pasalamat sa pag-aayos sa kanya ay bumili si Kylie ng isang set ng makeup kaya tuwang-tuwa ang salesladies sa store.
Ibinigay nito sa kanya ang makeup kit na siya naman niyang isiniksik sa paper bag na may lamang damit.
"I think we also need to buy you a pair of shoes," Kelvin suggested.
"Right! 'Yong may heels!"
"Huwag na. Okay na 'ko sa sapatos ko."
Kylie frowned at her flat shoes. Luma na kasi iyon at medyo madumi, pero bagay naman ang kulay sa bago niyang damit kaya hindi na lang siya bumili ng sapatos. Besides, alam naman niyang hindi papayag ang mga itong mumurahin lang ang bilhin niya. At wala syang pera para doon.
--
Dahil ayaw niyang bumili ng bagong sapatos ay nag-aya na lamang ang mga ito na manuod ng movie. Gusto ng dalawa na horror movie ang panuorin at dahil ililibre siya ay hindi siya makatutol. Throughout the movie ay nakataas ang paper bag sa tapat ng mukha niya para hindi niya makita ang screen.
"You should have told us that you don't like horror movies," Kylie said. Mukhang alalang-alala ito dahil takot na takot pa rin siya kahit kanina pa tapos ang movie. Nasa isang pastry shop sila ngayon para mag-merienda pero hindi siya makakain.
"Nakakahiya kasing tumanggi. Libre nyo pa naman."
Nagkatinginan ang dalawa. They both smiled.
"So hindi mo rin tatanggihan 'to, for sure."
Kylie pushed a plate of fudge brownies towards her.
"She won't refuse because she actually loves them," Kelvin pointed out.
Her stomach grumbled when the smell of fudge brownies reached her nose. She picked one and took a bite at it. The crust is crispy and the center is chewy. Natutunaw sa bibig niya. It's not too sweet kaya kahit ilan ang kainin niya ay hindi siya nauumay.
"Do you want to be alone with your brownies?" Kelvin teased.
Inirapan niya ito. She drank her latte and took another bite of the brownie. She frowned when she realized something.
"Talaga bang nagbi-bake ng brownies ang mommy mo?" tanong niya kay Kelvin.
"Yeah. She likes baking."
"Tita Moira makes the best fudge brownies!" Kylie exclaimed.
"Moira?" Lalong napakunot ang noo niya. What's the name of the pastry shop again? She went outside just to make sure. Nang bumalik siya ay nagpipigil ng tawa ang magpinsan.
"Did you finally figure it out, detective?"
"Sa mommy mo 'tong shop?!"
Tumango si Kelvin. Si Kylie naman ay tumayo at pumunta sa counter. Kinausap nito ang magandang babaeng naglalagay ng cupcakes sa box. Nakipagbeso ito at saka itinuro ang table nila. The woman smiled.
Pagkabalot nito sa cupcakes ay tinungo nito ang table nila.
"Hi, Celine! It's nice to finally meet you. I'm Moira, Kelvin's mother. I've heard so much about you!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro