Capitulo Diecisiete
Nagpumilit na umuwi si Celine pagkatapos nilang magkwentuhan. But Kelvin insisted na doon na siya maghapunan.
"Nakakahiya nga sa parents mo!"
"You already met my mom."
"Pero 'yong daddy mo..." His dad would surely wonder kung paano siya nakarating sa bahay nito. Ayaw niyang pag-isipan siya nito ng masama. After all, she's just an employee of multi-million dollar company that is owned by Kelvin's family.
Buti sana kung mayaman siya, e hindi rin. Baka mapagkamalan pa siyang gold-digger. Mahirap na.
"Hindi naman madalas mag-dinner dito si daddy. And mom comes home late also. Usually, sa labas sila nagdi-dinner. It's just Kristoff, Kian and me."
"Nakakahiya sa katulong nyo."
Kelvin rolled his eyes. "Tanggi ka naman nang tanggi e. Don't you want to eat here? Yaya's a great cook."
Wala rin naman siyang panlasa. Medyo wala rin siyang gana. Kahit gaano pa kasarap ang ihain na pagkain sa harap niya, hindi rin niya iyon makakain.
"I just want to make sure na kakain ka nang mabuti," he insisted.
"Bakit ba ang bait mo sa 'kin? Ang sungit-sungit ko na nga sa 'yo, e."
Ngumiti ito. "Because I'm your friend. And if you treat me as your friend, then you'll eat here."
She grunted. "May nakapagsabi na ba sa 'yong ang kulit-kulit mo?"
"Marami," natatawa nitong sagot.
Siguro dala na rin ng utang na loob or the fact na wala naman siyang matinong kakainin sa boarding house, pero pumayag na rin siyang doon maghapunan. Sana nga lamang ay hindi agad dumating ang parents nito.
--
Nagpaluto si Kelvin ng sinigang na bangus at nilagang baka sa katulong. Maya-maya ay dumating na ang mga kapatid niya galing sa school. They eyed Celine with curiosity. Nasa sala kasi ito, nanunuod ng TV. Nasa isang sulok lamang ito ng malaki nilang couch. She doesn't want to occupy the whole space kahit sinabi na niyang pwede itong mahiga roon.
"Who's the girl?" tanong sa kanya ni Kristoff.
"Celine," sagot niya na may ngiti.
Bakas sa mukha nito ang pagkamangha. "Girlfriend mo na?"
"No. She was sick so I took her here to take care of. Come on. I'll introduce you to her."
Sinundan siya nito papunta sa sala. Si Kian naman ay kabababa ng hagdan. He introduced Celine to his brothers.
"Ikaw pala si ate Celine, the first ever na bumasted kay kuya."
Celine shot him a questioning look.
"I must have mentioned you a couple of times," paliwanag niya rito.
"More like a couple hundred," sabat ni Kian.
"Yeah. He can't stop talking about you," panggagatong naman ni Kristoff na biglang natawa nang batuhin niya ng throw pillow.
"Don't listen to them," he told her.
Mabuti na lamang at nagtawag na ang katulong para kumain. Nag-unahan papuntang kusina ang dalawa. Siya naman ay pinatay ang TV at inaya si Celine na sumunod.
"Ano naman ang pinagkakalat mo tungkol sa 'kin ha?" pabulong nitong tanong.
"I'm very open to my family. Nang binasted mo 'ko, sinabi ko sa kanila."
Pinandilatan siya nito. "Grabe ka! Pati 'yon?" May kasama pang hampas sa braso.
"Relax! They won't hold it against you naman."
--
Tipikal na magkakapatid ang tatlo. Agawan sa ulam. Kantiyawan. Laglagan. They look like kids who grew up loved and loving. It's no wonder na sweet si Kelvin. It evidently runs in the family.
Celine was treated like royalty. They served her food. They made her laugh. Ultimo pagsasalin ng tubig ay si Kian ang gumawa para sa kanya.
Siguro ay sobra-sobra pa roon ang nararanasan ng mommy ng mga ito.
"Nabusog ka, ate?" tanong ni Kian sa kanya. Lumipat na sila sa sala pagkakain para manuod ng TV.
Tumango siya at ngumiti. "Masarap ngang magluto si manang," sagot niya. Mukhang natuwa naman ang matanda sa sinabi niya.
Biglang tumayo si Kristoff at bumalik sa kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong chocolates.
"Gusto mo, ate?"
"She can't eat those. She's sick."
"Okay lang," she told Kelvin. Who would say no to chocolates? Kumuha siya ng isa mula sa kamay ni Kristoff.
"Dapat fruits na lang ang sa 'yo para gumaling ka agad."
"Inubos mo kasi ang fruits, kuya, kaya wala akong maibigay," reklamo ni Kristoff.
Napatingin siyang muli rito. Sa kanila ba galing ang mga prutas na dala nito kaninang umaga?
"I was going to replace it," sabi nito sa kanya, mukhang nabasa ang nasa isip niya. "Wala lang time kanina to go to the grocery store so I took the fruits from the kitchen."
"Taranta kasi si kuya kanina. He was so worried."
"Shut up!" saway nito sa kapatid.
May sasabihin pa sana si Kristoff nang takpan ni Kelvin ang bibig nito. Then the two wrestled. Tapos maya-maya ay nakisali na rin si Kian. Tumigil lamang ang tatlo nang manaway ang katulong.
Nang mag-alas siete na ay nag-aya na siyang umuwi. Kristoff and Kian insisted na bumalik siya nang weekend. Kelvin just made an excuse for her dahil hindi siya makatanggi.
"Sorry ha. They just don't know when to stop," sabi nito nang makasakay sila ng kotse.
"Ayos lang. Mababait nga sila e. Na-miss ko tuloy bigla 'yong mga kapatid ko."
"Pupunta ka ba this weekend? Is it okay with you?"
"Hindi ko pa alam. Baka."
"Sabihan mo 'ko para masundo kita ha?"
Tumango siya. "Salamat nga pala."
"Don't mention it."
She was feeling a lot better when she got home. Pero iyong sayang baon niya, unti-unting naubos nang mabasa niya ang sangkatutak na message ng ina na kanina pa siya hinahanap.
Naiwan kasi niya ang cellphone kanina. Pati pagpapadala niya rito ng pera ay nalimutan na niya. Tinawagan niya ito pero ang kapatid niya ang sumagot.
Nagtatampo raw ang nanay niya. She explained that she was sick, pero hindi pa rin rason iyon para hindi siya magreply. Sinabi na lamang niya na kinabukasan siya magpapadala.
"Ate, gusto ka raw kausapin ng tatay."
"Matutulog na 'ko, Rosalie. I-text nyo na lang ako bukas kapag natanggap nyo na 'yong pera."
"Ate..."
"Sige na." She ended the call. Mukhang matagal-tagal pa bago umalis ang tatay nila sa kanila. Makatagal kaya ito sa isda?
Araw-araw kasing isda at gulay ang ulam nila. Iyon ang tinda nila sa palengke, mga isda. Nagbubukod na ang nanay nila sa umaga ng isda para sa kanila.
Tuwing Linggo lang sila nagkakarne o kaya kapag may special occasion.
Isa iyon sa maraming dahilan ng tatay niya kung bakit palayas-layas ito.
"Puro na lang isda!" naalala niyang sabi nito isang araw. "Putang-ina! Purgang-purga na ako sa galunggong!"
Nakainom ito noon. Umuwi ito para maghapunan pero umalis din matapos nitong ibato ang ulam nila sa pader. Kinabukasan, nagising na lamang siyang umiiyak ang ina dahil nilayasan sila ng tatay nila.
Nang magkatrabaho siya, karne ang unang-una niyang ipinabili sa ina. Madalas pa ring isda ang ulam nila pero nakakakain na rin sila ng karne kahit hindi araw ng Linggo.
She felt a warm liquid run down her cheek. Pinalis niya iyon. Kung iisipin niya ang mga nangyari dati, baka magbago na naman ang isip niya sa pagpapadala ng pera.
--
When Kelvin's parents came home, agad na iknwento ng mga kapatid niya ang nangyari kanina. His mother looked impressed. He couldn't say the same thing about his dad.
"He just took care of a friend," Moira told Vince.
"Na gusto nya," his father retorted.
"Dad, she doesn't like me that way. So you can relax. I'm not breaking any rule."
"But you might."
"You sound like your father," sabi ng mommy niya rito.
Nakilala niya ang Lolo Vic niya when he was nine. Imposing ang matanda. Sabi ng mommy niya, his dad was forced to marry someone else. Good thing that his father didn't bend.
Hindi niya maintindihan kung bakit naghihigpit naman ito sa kanya.
"I'm just saying that if you're not serious with this girl and you feel like you will never be, then don't make her fall for you. Ayoko namang maubusan ako ng female employees dahil sa 'yo."
"Dad, it's just one time," giit niya. "After Bea, wala na akong niligawang company employee. But I really like Celine. And I'm serious about her. I know that she might not like me right now, and she may never like me the way I like her, but I don't care. Sa ngayon, I'm just happy that she accepts me as her friend."
--
Short update dahil sobra-sobra kahapon. Hope that's okay. Anyway, did you like the new covers? :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro