Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Capitulo Dieciséis

Hirap na hirap magmulat ng mata si Celine matapos ang ilang oras na tulog. Masakit ang mata niya dahil sa pag-iyak. Consequently, masakit na rin ang ulo niya.

Pinilit niyang bumangon para i-check ang phone. Kagaya ng inaasahan ay may ilang mensahe sa kanya ang ina. Tinatanong nito kung mabibigyan niya ito ng pera para sa pagpapagamot sa tatay niya.

Hindi niya alam kung ano'ng sasabihin dito. A part of her wants to let her father die. He deserves it. Pero paano naman ang nanay niya? Paano naman ang mga kapatid niyang ama pa rin ang turing dito?

She ignored the message and got dressed. Kailangan niya munang kumain at uminom ng gamot. Ayaw niyang mag-desisyon ng galit at gutom.

Hinang-hina siyang kumilos. Kagabi pa siya hindi kumakain. Paniguradong hindi na niya makakain ang biniling pagkain kagabi dahil magdamag na iyon sa ref.

Kumuha siya ng pera at payong at saka lumabas ng bahay. Malakas pa rin pala ang ulan. Umuulan na kaninang pag-uwi niya. At mukhang hindi pa tumitila mula kanina.

With an aching head and empty stomach, she walked to the drug store nearby. Mukhang alas singko na ng hapon dahil sa madilim na kalangitan. Traffic na naman sa may intersection dahil sa ulan. Medyo tumataas na rin ang tubig sa kalsada.

Agad niyang tinawid ang daan para bumili ng gamot, saka siya dumaan sa karinderya para bumili ng pagkain. Puro masarsa at malangis na ulam na lamang ang natira, pero wala siyang choice. Kailangan niyang kumain.

Pagkakain at pagkainom ng gamot ay saka niya inisip kung ano ang isasagot sa ina. Dahil busog na siya at kahit papaano'y umayos ang pakiramdam, napagdesisyunan niyang pahiramin ito ng kahit kaunting pera. Ilang buwan na rin siyang nag-iipon dahil gusto niyang makabili ng lupa na mapagtatayuan ng sarili nilang bahay.

Buong buhay kasi niya, palagi silang rumirenta ng lugar. It would be nice to have their own home. Para kahit iyon man lang, maging permanente sa mga buhay nila.

Pero itong tatay niya, panira ng plano. Kasalanan naman nito kung bakit ito nagka-cancer. Dati pa lang daw ay mahilig na itong manigarilyo. Ayaw nga ng nanay niya rito dati dahil doon.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari at nagkatuluyan ang dalawa. Siguro nga, love works in mysterious ways. Twisted na rin at medyo sadistic.

Kinabukasan niya padadalhan ang ina ng pera. Plano sana niyang umuwi, kaso ay nandoon ang tatay niya. Mas gugustuhin niyang magtrabaho na lang.

At least sa trabaho, sa mga kliyente siya mai-stress. Lesser evil iyon kumpara sa problema niya ngayon. And besides, there's Yuan there. Kahit ito man lang ang positibo sa buhay niya, ayos na siya.

Kay pa kahit masama pa rin ang pakiramdam niya at umuulan pa rin sa labas, sinuong niya ang mababaw na baha para magtrabaho. Kaya lamang, sobrang lamig naman sa office. Kahit wala nang aircon, nanunuot pa rin ang lamig sa balat niya.

Mabuti na lamang at nandoon si Yuan. Maaga raw itong pumasok. May tsinelas pa itong dala at extra na damit dahil sa ulan.

"Celine, okay ka lang?" tanong nito nang matitigan siyang mabuti. "Namumutla ka."

"Medyo masama ang pakiramdam ko," pag-amin niya.

"Bakit ka pumasok?" Idinait nito ang likod ng kamay sa noo niya. It felt warm. "Nilalagnat ka."

"Sinat lang."

"Umuwi ka na lang kaya. Wala namang masyadong trabaho since okay na 'yong pending kahapon. Malapit ka lang ba rito?"

"Kaya ko pa naman," pagpupumilit niya, but he already locked her computer.

"Malapit ka lang, di ba? Ihahatid na kita."

--

Kelvin stared outside the window of his small office. Umuulan pa rin. Kanina pa nya gustong umuwi pero tinatamad siya dahil sa ulan.

Napalingon siya sa phone na nasa desk nang bigla iyon nag-beep. Kinuha niya iyon at binasa ang message. It was from Jake.

Nag-text daw dito si Yuan na masama ang pakiramdam ni Celine kaya pinauwi na ito.

Gustuhin man niya iyong ipagwalang-bahala, hindi niya kaya. Kaya kahit umuulan, lumabas siya ng opisina para puntahan ito.

But he was a bit late. Hindi niya alam kun nagkasalisi lang sila. Pagdating kasi niya roon, kaaalis lang daw nito. Nagmadali na lamang siya na puntahan ito sa boarding house nito. Basa na ang damit niya dahil sa ulan at baha, but he didn't care.

He felt like being an ass for not even asking how she's doing. Kanina kasi ay hindi na siya nagpaalam dito na hindi siya pupunta. Para naman kasing ayos lang dito na wala siya. So he didn't even bother today.

Sana pala tinawagan niya ito.

He shook his head at the thought. Hearing her voice will make him want to see her. Iyon na nga ang iniiwasan niya, ang makita ito. Now, that's exactly what he's doing.

Papaliko na siya sa may kanto malapit kina Celine nang makita niya itong inaalalayan ni Yuan. He's holding the umbrella, with her backpack on his shoulders. Sumunod siya sa dalawa.

Yuan opened the gate for her, then gave her backpack back. Pagkasarado ng gate ay saka ito umalis.

Medyo nagulat pa ito nang makita siya sa daan.

"How is she?"

"Nilalagnat," sagot nito. "Bukas mo na lang dalawin. Pagpahingahin mo muna sya ngayon."

Tumango siya at sumabay dito pagbalik. Tahimik lang silang dalawa sa paglalakad. Nakalilis ang laylayan ng pantalon nito, basang-basa na rin.

Nagsalita lamang ito para magpaalam nang hihiwalay na ito ng daan. He wanted to go back to Celine's place to check on her, pero tama si Yuan, kailangan nitong magpahinga.

Naiinis siya sa sarili. He should have been there for her. Pero dahil duwag siyang harapin ang mga nararamdaman, mas pinili na lamang niya ang umiwas.

--

Celine was still woozy the following day. Nakatulong naman ang maaga niyang pagtulog. Medyo nawala ang sakit ng ulo niya. But she still wants to sleep.

Tumila na ang ulan pero lamig na lamig pa rin siya. Ayaw man niyang bumangon, kailangan dahil nangako siya sa inang magpapadala siya ng pera.

Nagbihis siya at kumuha ng pera para bumili ng makakain. Pagkababa niya sa sala ay nagulat siya nang makitang nandoon si Kelvin, kausap ang landlady nila.

He immediately got up when he saw her.

"Hey, are you alright? I brought some fruits for you."

Nakita niya sa lamesa ang sinasabi nitong 'some fruits'. Nagmistulang New Year's eve sa sala dahil sa isang basket nitong dalang mga prutas. May apples, oranges, dalandan at kung anu-ano pa.

"Nag-abala ka pa. Hindi ko rin naman makakain 'yang mga 'yan."

"Ano ba'ng gusto mong kainin?" tanong nito.

"Sopas," sagot niya. "Palabas na nga ako para bumili e."

"Ako na lang," pagbu-boluntaryo nito. Bago pa siya makareklamo ay nakalabas na ito ng gate.

Siya naman ay kinausap ng landlady. Kapitbahay lang nila ito at madalas na nandoon para tingnan kung naglilinis ba sila ng bahay. Mukhang tuwang-tuwa ito kay Kelvin. She spoke highly of him kahit unang beses pa lamang magkita ng dalawa.

At napagkamalan pa nitong magkarelasyon sila.

"Hindi po," tanggi niya. "Magkaibigan lang po kami."

"Ay, hindi ba? Para kasing boyfriend mo sya kung makaalaga."

"Gano'n lang po talaga 'yon," she insisted.

When Kelvin came back, wala itong dalang sopas. Wala raw itong nabilhan. Pawis na pawis na ito. Apparently, he walked three blocks to get some soup.

"Di bale na. Magka-cup noodles na lang ako," sabi niya.

May mainit na tubig naman sa convenience store. Iyon na lamang ang kakainin niya. Kesa prito o masarsang ulam na naman.

"Why don't we go to my place? I can ask yaya to cook sopas for you."

"Ha? Nako, huwag na. Makakaabala lang ako."

Umiling ito. "No, you won't."

Hinila siya nito palabas ng bahay. He pleaded for her to get in the car and let him take care of her. There was something in his voice when he told her that that made her say okay. She was actually touched by his concern.

Pagkarating nila sa bahay nito ay agad itong nagpaluto ng sopas. Siya naman ay dinala nito sa kwarto nito.

"You can sleep here if you want. Mas kampante kasi ako kapag nandito ka sa bahay. You'll be well taken care of here."

"Nakakahiya sa parents mo." Ano na lang ang iisipin ng parents nito, especially his dad, when they find her there?

"They're already at work," he told her. "Tayo lang nina yaya ang nandito. She'll take care of you while I'm gone."

"Sa'n ka pupunta?"

"Work. Don't worry. I'll come home early." He touched her cheek. "Pagaling ka."

His hand is so warm, even warmer than Yuan's.

Nang lumabas na ito ng kwarto ay saka niya inispeksyon ang paligid. The room was spotless. Perks of having a maid siguro. Walang masyadong dekorasyon sa pader kundi ilang litrato ng pamilya nina Kelvin.

May malaking flatscreen sa pader na katapat ng kama. May game consoles at DVDs sa shelf na nasa ilalim noon.

May malaking bintana sa kaliwa niya. May sliding glass door na papunta sa terrace. Isang bilog na table at dalawang chairs ang nandoon. Tapos ilang halaman.

Sa kanan naman niya naroon ang pintuan, tapos isang mataas na bookshelf. Punong-puno iyon ng libro. The one missing from the shelf is on the bedside table. May bookmark iyon kaya palagay niya ay binabasa pa iyon ni Kelvin.

May sarili ring banyo si Kelvin, saka closet na parang mas malaki pa yata sa kwarto nila sa boarding house.

Nahiga siya sa kama nito. She let out a sigh when her back hit its softness. Kung ganoon ang kama niya sa bahay, baka hindi na siya bumangon.

Bukod sa malambot ay mabango rin iyon. Amoy-malinis. Siguro ay araw-araw silang nagpapalit ng kobre-kama.

Maya-maya ay pumasok ang katulong sa kwarto na may dalang tray ng pagkain. Isang bowl ng sopas na kumpleto sa rekado ang inihain nito. May kasama na ring isang baso ng tubig at gamot.

"Sa kusina na lang po ako kakain. Baka po magkalat pa ako rito," sabi niya sa katulong.

"Ayos lang, hija," nakangiti nitong sagot. "Hindi pa naman ako nakapaglilinis."

Gusto niyang itanong kung nagbibiro ba ito. Wala namang kalat sa kwarto. But then again, maybe Kelvin's just that neat.

Nagpasalamat siya rito at saka kinain ang sopas. Pagkatapos ay ininom niya ang gamot at saka nahiga. Binalot niya ang sarili sa makapal na kumot. Makalipas lamang ang ilang minuto ay nakatulog na siya.

--

Kelvin kept on checking his phone. It's been three hours since he left the house pero nandoon pa rin ang utak niya. Aligaga pa rin siya knowing that Celine is sick. He wanted to take care of her himself, pero kailangan din siya sa trabaho.

Buti na lamang at holiday sa US. Walang aalalahanin si Celine. He, on the other hand, has so many things to worry about.

Later that day, he received a call from the maid. Nagpaalam na raw si Celine na uuwi. Kaya kahit marami pa siyang kailangang gawin ay iniwanan niya iyong lahat para puntahan ito.

As if to make the matter worse, it began raining.

--

Nagmamadaling sumilong si Celine sa isang shed sa loob ng subdivision. Hindi pa man siya nakakalayo ay biglang umulan. Hindi naman siya nakahiram ng payong.

A familiar car stopped in front of her. Lumabas mula roon si Kelvin. He was very annoyed that she tried to leave without telling him first.

Pinasakay siya nito ng kotse at saka ibinalik sa bahay nito.

"Okay na 'ko," pagpupumilit niya.

Truth is, she's still not okay. Pero hapon na. Ayaw naman niyang maabutan siya roon ng pamilya nito.

Kelvin wasn't convinced. He made her lie down and forced her to sleep again. Naupo pa ito sa gilid ng kama para bantayan siya.

"Daig mo pa ang nanay ko," kumento niya.

"Ang tigas kasi ng ulo mo. You need to rest."

"Pwede naman akong magpahinga sa boarding house."

"Mas malambot ang higaan ko," pangungumbinsi nito.

"Nakakahiya. Baka maabutan ako rito ng parents mo, kung ano pa ang isipin nila."

"They'll understand."

She huffed. Nagtalukbong siya ng kumot at saka pinilit ang sariling matulog.

--

Akala yata ni Celine ay aalis na siya kapag natulog ito. When she woke up again, after a few minutes, nagulat ito nang makita siyang nandoon pa rin, nakaupo sa gilid ng kama at nagbabasa ng libro.

"Akala ko ba may trabaho ka?" tanong nito.

"Hindi ko naman priority ang trabaho," sagot niya. When he glanced at her, nag-iwas ito ng tingin at saka bumuntong-hininga.

"Ang laki kong abala. Sorry."

"Hindi ka naman abala sa 'kin."

Sumandal ito sa headboard saka yumakap sa isang unan. He groaned inwardly. Great. Now her smell will linger on his pillows and his blanket and his sheets. Just great.

Celine stared blankly out the window.

"Are you okay?" he asked.

"May sakit nga ako, di ba? Pa'no ako magiging okay?"

"Sorry na. Nagtatanong lang."

She huffed. Her eyes look so sad when they met his.

"What is it?"

Umiling ito. "Wala."

He scooted. "Ano nga? You can tell me anything. I won't judge you."

--

She bit her lip, unsure if she could trust him. He wasn't prying. Tahimik lang itong naghintay sa desisyon niya. In the end, she had no one to talk to but him.

"Ayoko sa tatay ko," she began.

"Why?"

That question opened up a can of worms. Pinilit niyang huwag umiyak but it was no use. Kusang lumabas ang mga luha niya. Agad siya nitong tinabihan at inalo.

He put his arm on her shoulder and made her lean on him.

"It's okay," he kept on saying.

She unloaded 23 years of hurt and longing and anger on him. It's a wonder how it came so easily. She told him secrets that nobody knew. She told him about feelings that she couldn't tell anyone else.

He listened patiently. Hindi ito sumingit o nagbigay ng opinyon. He simply listened.

And that might be the first time, the real first time, that she acknowledged him as her friend.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro