Capitulo Dieciocho
Napagpasyahan ni Celine na gugulin ang weekend kina Kelvin dahil nasa kanila pa ang tatay niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan ito roon kaya hindi rin siya makauwi.
Kagaya nang ipinangako niya sa ina, nagpadala siya ng pera para maipangpagamot ng ama. Hindi niya sigurado kung gagaling pa ito sa sakit nito dahil malala na rin ang stage 3.
She needed the distraction from that. And Kelvin provided the perfect solution. Sinundo siya nito mula sa boarding house nang Sabado ng umaga.
Nakalimutan niya ang pagod at puyat mula sa trabaho nang makarating sila roon. It's not just his family. Nandoon din si Kylie at iyon lalaking sumundo rito dati sa mall.
"Hi, Celine!"
Kelvin's mother came from the kitchen. Niyakap siya nito at saka hinalikan sa pisngi.
"I'm so glad you came!"
She led them to the kitchen. Medyo kinabahan siya nang makitang nandoon ang pinakang-boss niya. Nang ipakilala siya rito ay hindi niya alam kung makikipagkamay siya o kakaway lang. Pero ito na mismo ang lumapit para halikan siya sa pisngi.
Sigurado siyang pinamulahan siya ng pinsgi. Hindi naman kasi niya akalaing makikipagbeso ito sa kanya. Bihira lamang niya itong makita sa office. Mas gwapo pala ito sa malapitan. Kaya siguro may mga fangirls ito sa office.
"Celine, nag-breakfast ka na?" tanong ni Moira sa kanya.
"Kumain na po ako kanina pag-uwi ko," sagot niya.
"Oh, right. You just came home from work. Hindi ka ba inaantok?"
Umiling siya. Sobra-sobra na rin kasi ang tulog niya nang mga nakaraang araw. She's a bit sleepy, pero kaya pa naman niya, basta may kape.
Good thing they offered her a cup.
"So, what are we going to make today?" tanong nito sa kanila.
"Ice cream!" sagot ni Kylie.
"Macaroons na lang!" Kian suggested.
"Strawberry shortcake?" singit ni Kelvin. Bumaling ito sa kanya. "What do you want?"
"Kahit ano na lang," sagot niya.
"Walang kahit ano rito. Be specific."
"Uhm... fudge brownies?" Moira's fudge brownies are so decadent. But they're expensive kaya hindi siya makabili kahit gustong-gusto niya. Parang lampas 500 yata ang isang dosena. Malalaki naman iyon kaya sulit, kaso nahihiya naman siyang bumili kapag isa lang.
"Alright. What else? Xander, any suggestion?"
"Chocolate chip cookies po, okay lang?"
"Sure! But those are for later. What are we having for lunch naman? Pasta?" tanong nito sa kanila.
"Lasagna!" sigaw ni Kristoff mula sa sala.
When they all agreed, inihanda na ang mga ingredients. Kelvin's father excused himself. Magtatrabaho lang daw muna ito. Xander, Kylie and Kelvin stayed to help. Si Kian ay bumalik sa sala para makipaglaro sa kapatid.
"Unahin natin ang lasagna."
Naglabas ang mommy ni Kelvin ng sausages at ground beef mula sa ref. Pati na rin mushrooms, sauce na hindi niya alam ang tawag at tatlong klase ng keso.
"Honey, can you cook the sauce, please?" utos nito kay Kelvin. "Xander, pakihiwa ng mushrooms."
Siya naman ay pinaghalo nito ng mga cheese na may kasamang itlog habang si Kylie ang nagluto ng pasta. Habang lahat sila ay may ginagawa, ipinaliwanag nito sa kanya ang steps sa paggawa ng lasagna at kung ano ang mga ingredients.
"We're using ricotta, mozzarella and parmesan," she told her. "Pagkaluto ng meat at pasta, saka natin ia-assemble 'yong lasagna."
Moira turned the oven on and waited for Kylie's pasta to finish cooking. When cooked, the pasta was drain and then put into cold water. Para raw matigil ang pagluto noon.
The meat sauce was left to simmer for two hours, just in time for lunch. Habang hinihintay nila iyong maluto, the cheese was set aside tapos ay naglabas naman ng ingredients para gumawa ng chocolate chip cookies.
Dahil baker ang mommy ni Kelvin, may stock na ito ng baking and pastry staples. She was asked to mix the butter with sugar. Dalawang klase pa ng asukal ang ginamit, segunda at refined white sugar. Hindi niya alam kung bakit.
Habang hinahalo niya iyon, si Kelvin naman ang nag-mix ng dry ingredients sa separate bowl.
"Do you cook, ate Celine?" Kylie asked.
"Marunong, pero gisa-gisa lang."
"Buti ka nga e. Si Kuya, kahit pritong itlog, hindi marunong."
"Tapos gustong bumukod ng bahay," naiiling na sabi ni Moira. "Baka one weekend pa lang, hindi na 'yan makatagal."
"I'll be here on weekends," depensa ni Kelvin. "And besides, I can always order food."
--
Moira added eggs and vanilla extract to her mixture tapos ay saka nito ipinahalo ang dry ingredients.
"Slowly," paalala nito kay Kelvin. Binalingan nito si Kylie na kumakain ng chocolate chips. "Wala nang chocolate chips na makakain mamaya kapag hindi mo tinigilan 'yan."
Kylie grinned. "Konti lang naman, tita."
Nang mapaghalo-halo na ang lahat ng sangkap ay nilagyan ng plastic wrap ang bowl at saka inilagay sa ref. Twenty minutes daw muna iyon bago nila ilagay sa oven.
Dalawa ang oven sa bahay nina Kelvin. Preheated na pareho on different temperature para sa cookies at sa fudge brownies na sunod naman nilang gagawin.
They made everything from scratch. Gusto raw kasi ni Moira na fresh ang kinakain. Since marunong naman itong magluto, hindi sanay kumain ang pamilya nito ng instant.
Habang siya, ngayon lang ulit makakakain ng lutong-bahay dahil kung hindi instant, fast-food naman ang kinakain niya.
"Madali lang, di ba?" nakangiting tanong ni Moira nang inilagay nila ang brownie mixture sa malalim na pan na may parchment paper.
Tumango siya. The steps were pretty easy to follow. Wala nga lang silang oven sa bahay saka mukhang mahal ang mga sangkap na gamit kaya hindi rin niya iyon magagawa sa bahay.
--
Una nilang inilagay ang fudge brownies na forty minutes ibi-bake. Then, they took out the cookie dough a few minues later, scooped them and balled then put on a shallow tray. Thirteen minutes lang iyon ibi-bake.
Pagka-bake ng cookies, hinayaan muna nila iyong lumamig. Maya-maya, iyong fudge brownies naman ang natapos ma-bake. She almost salivated when she saw how good it looks. Kagaya ng sa cookies ay pinalamig din muna iyon.
Habang hinihintay nilang maluto iyong karne para sa lasagna ay nagkwentuhan muna silang apat. She was glad that they didn't ask her about her father. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa alam na ni Moira ang tungkol sa kanila ng tatay nya. Open kasi si Kelvin sa mommy nito. He must have already mentioned that to her.
Hinayaan silang kumain ng cookies dahil pagka-assemble daw nila sa lasagna ay isang oras pa iyon lulutuin. Gutom na gutom na nga siya dahil sa amoy, pero nahihingi naman siyang humingi ng pagkain dahil mukhang hindi nagugutom ang mga ito.
--
When the meat sauce was finally cooked, Moira helped her assemble the lasagna on the lasagna tray.
"You have to divide the meat sauce into four, the cheese into two and pasta into three."
Una nitong inilagay ang sauce sa pinakang ilalim, then the pasta, then the cheese. Tapos sauce ulit, pasta then cheese. After another layer, nagpisang pa uto ng mozzarella cheese sa ibabaw bago iyon tinakpan ng foil at inilagay sa oven.
Habang niluluto iyon, nag-aya si Kelvin sa sariling home theater ng nga ito. Kylie tagged along. Si Xander naman ay humiwalay para makipaglaro kina Kian. Naglalaro kasi ng PSP ang mga ito.
When Kelvin opened the aircon, it really felt like they're inside a cinema. May pulang kurtina sa tigkabilang gilid ng malaking TV na nakadikit sa pader. Pati mga upuan, pang-sinehan na rin. Mas malaki nga lang iyon sa regular na upuan. Saka mas malambot.
"What do you want to watch?" tanong ni Kelvin habang nag-i-scroll sa napakaraming folders na nasa screen.
"Finding Nemo."
Nagsalubong ang kilay nito. "Seryoso ka?"
She nodded. "Ang tagal ko nang hindi napapanuod 'yon e."
"And you shouldn't be watching it anymore."
"Bakit naman?"
"Oo nga, kuya, it's a classic animated movie," singit ni Kylie. Bumaling ito sa kanya. "Kuya doesn't like animated movies."
"Bakit?"
"Kasi they're for kids."
"And kids at heart!" Kylie insisted.
"Well, I guess I'm not a kid at heart."
"Weh? Ang childish mo nga e," she retorted.
Kelvin grunted. "Fine, fine. Finding Nemo then."
Paborito niya ang Finding Nemo. Mahigit isang daang beses na yata niyang napanuod iyon. It's an exaggeration, but it felt like that. Memoryado na nga niya ang bawat linya ng bawat character sa movie.
"Mahilig ka pala sa animated movies, ate?"
"Oo. Ikaw ba?"
"Sa Barbie," nakangiti nitong sagot. "I've watched every single Barbie movie."
"E ikaw?" tanong naman niya kay Kelvin. "Mahilig ka sa Barbie?"
Kylie laughed at her question. Kelvin simply made a face.
"Kuya doesn't like animated films."
"Bakit? Ang ganda kaya!"
"My first girlfriend thought it wasn't manly. I brought her here to introduce to my parents, then I showed her my room, because I was really proud of that room. Nandoon kasi lahat ng paborito kong anime, cartoon at comic characters. But she didn't like it. She told me that it was so childish of me," paliwanag ni Kelvin. "Since then, I stopped liking those things."
"Dahil lang do'n?"
"She was my first girlfriend! Her opinions were important, okay?"
Nailing na lamang siya.
--
They weren't able to finish the movie dahil tinawag na sila para kumain. Bukod sa pasta ay may afritada rin at tempura shrimp na nakahain.
Maingay sa hapag-kainan. Masaya. Nakangiti lahat habang kumakain. Kahit ang katulong na hindi na iba sa pamilya ay nandoon at kasalo nila pagkain.
Parang mortal sin yata ang malungkot sa bahay nina Kelvin.
Masarap ang mga nakahain sa hapag pero pinakagusto niya ang lasagna. Akala nga niya ay hindi siya mabubusog dahil maliit lang ang portions kapag hinati sa kanilang lahat, pero konting dagdag na lang ng kanin at kinailangan niya para mabusog.
After the meal, kumain naman sila ng fudge brownies for dessert. Hindi kagaya ng itinitinda sa pastry shop ng mommy ni Kelvin, mas maliliit ang portions doon. Ipinagbukod daw kasi siya para maiuwi.
--
After lunch, Kelvin gave her a tour of the house. Pumasok sila sa dati nitong kwarto na ginawa na raw game room. What used to be his bed that was shaped like a ship was now a storage for all their toys. May isang malaking flatscreen TV sa dingding. Ang gaming consoles naman ay nasa shelf kasama ng mga action figures na naka-display doon.
"Ang astig ng kwarto mo!"
"Yeah. When Kristoff was born, this became his room. Then, it became Kian's. Nanghinayang kasi ako sa nagastos ni dad pagpapagawa rito kaya kahit lumipat na 'ko, hindi ko na lang ipinatanggal 'yong decor. This became the game room and the game room became the room of those two boys. Tapos 'yong dating guest room, ginawang kwarto ko."
"May game room na tapos may laruan pa sa sala?"
"My brothers like to show off," kibit-balikat nitong sagot. "Do you think it's childish? The room, I mean."
Umiling siya. "Astig nga e. Noong bata ako, teks lang ang item na may anime na kaya long bilhin. Kung may ganito siguro sa bahay namin ang saya ng childhood ko."
"Teks?"
"Hindi mo alam 'yon? 'Yong maliliit na square na may drawing ng anime characters. Kapag makikipaglaban ka, may tig-iisa kayong taya tapos ilalagay mo sa kamay mo tapos pipitikin. Wala ka talagang idea?"
He shook his head. "I grew up playing these." He pointed at the consoles. "I had friends at school pero more on habulan saka patintero 'yong nilalaro namin."
"Sa private school ka nag-aral?"
"No. Noong elementary, public. Then, nag-private ako nang high school."
He also showed her the study room, where his dad usually works, the pool area and the backyard. After the tour, bumalik sila sa sala para makipagkwentuhan sa mga naroon.
Hanggang gabi siya roon. Doon na rin siya pinaghapunan ng mga ito. And at the end of the day, she didn't want to leave anymore. The house is filled with so much positivity. Bigla tuloy siyang nainggit kay Kelvin.
"Hey, are you alright? You're being quiet," puna ni Kelvin. Papalabas na sila ng subdivision.
"Yeah."
"Bakit parang malungkot ka? Hindi ka ba natuwa kanina?"
Umiling siya. "Masaya ako."
"Really?"
"Ang saya sa inyo."
"You could come back next week, if you like." He smiled. "I'm glad I made you happy."
She smiled back. Hindi lamang niya masabi rito, pero masaya rin siya na nakilala niya ang katulad nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro