Capitulo Diecinueve
December na. Christmas is in the air. Ang mga buildings sa Ayala, may mga naglalakihang dekorasyon na. Pati 'yong mga puno sa gitna ng kalsada, may Christmas lights na rin.
Malamig na ang simoy ng hangin at araw-araw umuulan. Kadalasan, kapag ganoong panahon ay masayang-masaya si Celine. No amount of rain could dampen her Christmas spirit.
Paborito kasi niya ang pasko sa lahat ng holidays sa buong taon. Excited siyang mamili ng regalo kahit wala na halos oras. Excited siya para sa Christmas bonus, Christmas party at long vacation.
But that particular December, hindi niya magawang maging masaya. Ayaw niyang umuwi sa bahay nila sa Pasko dahil alam niyang nandoon ang tatay niya. Hindi naman siya makapagbakasyon sa ibang lugar dahil sa bisperas at mismong araw ng pasko lang sya naka-leave. Her job requires her to work during the holidays. Kaya pati sa new year, magtatrabaho siya.
Wala rin naman siyang gagawin at kailangan niyang mag-ipon ng pera. Sayang ang double pay kung magbabakasyon siya sa bagong taon.
It's a good thing that Kelvin's always there to cheer her up. The next weekend, he invited her to go Christmas shopping with him.
"But let's eat first 'cause I'm really hungry."
"Okay. Saan?"
"Ikaw na pumili."
Inilibot niya ang paningin sa mga kainang nakapaligid sa kanila. Puro buffet restaurants ang nandoon. Kung hindi buffet, French or Italian.
"Huwag dito. Puro mahal."
"Libre ko naman," he told her.
He's always like that. He never let her pay for anything. Malaki tuloy ang natitipid niya. Kaso ay nakakahiya namang palaging ito ang gumagastos.
Kaya namili na lamang siya ng murang kainan, para kahit libre nito, hindi naman masyadong masakit sa bulsa.
But Kelvin became hesitant when she mentioned Mang Inasal. Nang puntahan nila ang kainan ay ayaw nitong pumasok.
"Ano'ng problema? Ayaw mo ba rito? Masarap ang pagkain dito kahit mura lang."
Hindi pa rin ito gumalaw.
"Ano?"
He grimaced.
"Bahala ka. Maghanap ka na lang ng kakainan mo. Kita na lang tayo mamaya."
Napilitan itong sumunod sa kanya pagpasok.
"Ano'ng gusto mong kainin?" tanong niya habang nakapila.
"Kapareho na lang ng sa 'yo."
"PM2 sa 'kin. Unli rice 'yon."
"Okay. What else?"
"'Yon lang." Mabilis naman siyang mabusog. One meal is enough. "Ikaw, magdagdag ka ng gusto mo."
In the end, Kelvin also ordered halo-halo and leche flan for the both of them, kahit sinabi niyang hindi niya iyon ubos.
Nang makaupo sila ay tinanong niya kung bakit ayaw nito kaninang pumasok sa kainan.
"My ex doesn't like it here," he answered. "Nakakain na kami sa ibang place that serves roasted chicken, but never here."
"So dahil ayaw ng ex mo, ayaw mo na rin?"
Nagkibit-balikat balikat ito. "I think so."
"Bakit?"
"I don't know. Maybe it's because I want to make them happy. If they're happy, then I'm happy. And if I'm happy, maybe I'd stay in the relationship longer."
"So pa'no kung 'yong gusto mo naman ang ayaw nila, aayawan mo na rin 'yong gusto mo, gaya ng animated films? Ang dali mo naman palang manipulahin."
"Ouch."
"Sinasabi ko lang kung ano'ng napapansin ko. Hindi magandang habit 'yan. Dapat may limit din 'yong pag-please mo sa ibang tao."
Kelvin didn't argue with her. When the food arrived, he was excited to try the chicken. And he wasn't disappointed. Nakailang balik 'yong crew na may dalang kanin sa table nila. Naparami rin tuloy ang kain niya.
She was even surprised with herself na nakaya pa niyang ubusin 'yong halo-halo at leche flan.
"Grabe, busog na busog ako!" she exclaimed. Parang puputok ang tiyan niya sa sobrang kabusugan.
"Me too," he said with a sigh. "I sure could use a stick right now."
Kumunot ang noo niya. "Stick? Sigarilyo? Naninigarilyo ka?" she asked in disgust.
"Used to. Ngayon, kapag sobrang busog ako, I'm having the urge to smoke."
"Let me guess. Turo na naman ng ex mo 'yan, no?"
Tumango ito. "I was only able to quit weeks before I met you and Janelle."
"Mabuti naman. Ayoko kasi sa taong naninigarilyo."
Perwisyo na sa baga ng naninigarilyo, perwisyo pa sa mga taong nakapaligid dito. Naalala tuloy niya bigla nang hikain ang kapatid niyang bunso dahil sa tatay niya.
"Ano pa'ng naiimpluwensya ng mga ex mo sa 'yo?"
"Hmm... Well, I used to love ice cream and ice cream cake, pero 'yong isang ex ko, lactose intolerant. So I wasn't able to enjoy anything with dairy or milk for a few months."
"Sige, mag-ice cream tayo mamaya."
"Sa DQ ha."
"Sure. Basta 'yong mura lang."
--
Kelvin asked for her help sa pagpili ng damit na pambabae. Iyon kasi ang ireregalo nito sa mga pinsan nitong babae. Sa mamahaling store na naman sila pumunta.
"Ikaw, what do you want for Christmas?" he asked.
"Kahit ano na lang."
He grunted. "Kahit ano na naman? Come on, don't make this hard for me. Dress ba? Shoes? Books?"
"Music player sana," she admitted. "Pasira na kasi ang phone ko. Naku-corrupt ng kusa 'yong files."
"E di phone na lang."
Umiling siya. "Ayoko. Mahal masyado."
"Kailangan mo rin naman 'yon."
"Ako na lang ang bibili kapag dumating na 'yong bonus ko next week."
Hindi na ito nagpumilit. Itinuloy na lamang nila ang paghahanap ng mga regalo. He bought several dresses for Kylie and Nia, na kapatid daw ni Kylie. Ibinili rin nito si Janelle.
Sa store pa lang na iyon, lampas sampung libong piso na ang nagastos nito.
"Ano'ng regalo mo sa mga kapatid mo?"
"Shoes," he answered. "Kaso sa US lang available 'yong ganong klaseng shoes kaya nagpabili na lang ako."
"Magkano naman?"
"Are you sure you want to know? Sa nagastos ko nga kanina, nagpi-freak out ka na."
"Mas mahal pa do'n? Para sa sapatos lang?" maang niyang tanong. "Sige, huwag mo na lang sagutin."
--
A perfume store was their next stop. Bumili ito ng ilang mamahaling pabango para sa ilan nitong kaibigan. Painting naman ng buong pamilya nila ang regalo nito sa parents nito.
Then, they went to the toy store to buy 3 carts of toys.
"Para kanino naman 'tong mga 'to?"
"Sa friends ko rin," sagot nito.
"Na mga isip-bata?"
He chuckled. "Na mga bata," pagtatama nito.
"May friends kang mga bata?"
"Marami. I met them at the hospital."
"Na-confine ka dati?"
He shook his head. "No. My dad took me to a children's hospital. He told me that it could be my charity if I want to. Si dad kasi, he helps street children. He's been doing that since he started working. Ayaw lang nyang ipaalam sa public."
"Wow. Ang bait naman ng daddy mo."
"Sabi nya kasi, we shouldn't just receive blessings. We should also learn how to be a blessing to others. So kami nina Kristoff, may kanya-kanya kaming tinutulungan."
"E san naman kumukuha ng pangtulong 'yong mga kapatid mo? Di ba wala pa silang trabaho?"
"They volunteer."
"Kaya pala ang dami nyong blessings na natatanggap. Gusto ko rin sanang tumulong, kaso wala akong pera."
"Pwede naman e. Tulungan mo kami pagbabalot ng regalo."
"Ha? Kelan?"
"Bukas."
Napatingin siya sa napakaraming laruan na binili nito.
"Binabalot nyo 'to isa-isa?"
He nodded and smiled. "Yes. Family bonding na rin. Come on, it'll be fun. Pupunta rin sina Kylie."
"Family bonding nyo pala e. Bakit pinapapunta mo rin ako?"
"You said that you want to help. And besides, you're already part of the family."
"Huh?"
"I treat all my friends like family. So you're part of the family now."
--
Pagkatapos ng ilang oras nilang pamimili, dinala nila ang mga regalo sa kotse, saka sila bumalik para maglaro sa arcade.
"Dito ko na lang kukunin ang gift ko sa 'yo since ayaw mo namang pagkagastusan kita," sabi nito sa kanya.
Sa shelves na may prizes, pinapili siya nito ng gusto niyang regalo. She really liked the stuffed teddy bear na halos kasing laki niya, pero tingin niya ay ilang araw na paglalaro pa bago nila iyon makuha sa dami ng required na ticket.
But he took it as a challenge. Una nilang nilaro iyong hoops, which Kelvin's really good at. She couldn't say the same about herself. Hirap na hirap syang maka-shoot.
"Ganito kasi." Pumwesto ito sa likuran niya at tinuruan siya kung pa'no mag-shoot.
She felt the tingles all over her back. Bigla tuloy siyang nailang.
"Ayoko na nito. Sa iba na lang tayo," sabi niya sabay layo.
--
Medyo naging malamig ang pakikitungo ni Celine sa kanya pagkatapos noong una nitong laro. Mukhang napasama ang epekto ng paglapit niya rito. Or maybe she felt like he was taking advantage of the situation, na hindi naman niya itinatanggi.
Pero naging okay na ulit ito nang simulan nila ang ibang laro.
Halos nalibot na nila ang buong arcade at nalaro na ang lahat ng laro na pwedeng makapanalo ng ticket, pero nang sa wakas ay nabilang na iyon, kulang pa rin. Mga dalawang libo pa yata ang kulang.
Mas maliit tuloy na premyo ang nakuha nila.
"Sorry I wasn't able to win it for you," Kelvin said in dismay.
"Ayos lang." Niyakap nito iyong unan na Baymax. "Okay na rin 'to."
They ate dinner after, tapos dumiretso sila ng DQ at bumili ng ice cream. They stayed there for a while hanggang sa maubos ang kinakain, tapos ay nag-aya na ito pauwi.
"Ikaw, ano'ng gusto mong regalo?" tanong nito sa kanya nang makarating sila sa parking lot.
"You don't need to give me a gift."
"Kasi na sa 'yo na ang lahat ng gusto mo?"
"It's not that," he answered. "You really just can't give it to me."
"Bakit? Ano ba'ng gusto mo?"
For a moment, he considered answering her question. To hell with the consequences. But he decided against it.
"Wala."
"Ano nga?"
"Wala nga."
"Ano nga kasi?"
Ikaw, he wanted to answer. Kaso hindi pwede.
"Fine. Anything," he said instead.
"Ang hirap naman ng anything."
He rolled his eyes. "Perfume na lang."
"Anong klase?"
"Bahala ka na."
Sumimangot ito. "Baka naman kapag bumili ako, hindi mo magustuhan. Sayang naman."
"I promise I'll use it." Kahit pa siguro ano'ng nito sa kanya, gagamitin niya. He doesn't care if it's cheap, as long as it's from her, then it's special to him.
"Okay."
Mabuti na lamang at hindi na masyadong umuulan nang umuwi sila. Kanina kasi, parang dumadagundong ang bubungan ng mall na animo'y may nagkakarerang mga kabayo sa lakas ng ulan.
"Celine, ilang araw kang magli-leave this December?" tanong niya pagkaparada ng sasakyan sa tapat ng boarding house nito.
"Two days. Bakit?"
"Pwede bang mag-leave ka sa birthday ko?"
"Hindi ko sure e. Kelan ba ang birthday mo?"
"Sa 27. Please?" pakiusap niya. "Maglilipat na kasi ako ng gamit sa condo ko sa Ortigas. I need your help."
He was finally allowed to move out. May mga gamit na rin siya sa condo pero hindi pa niya naaayos. Hinihintay kasi niya ang birthday niya para makuha ang susi. His mom won't give him the keys until then.
"Ako lang?"
"Yes."
"Kaya natin 'yon ng isang araw na tayong dalawa lang?"
Tumango siya. "Nandoon na naman 'yong mga gamit. We just need to decorate and clean."
"Bakit tayong dalawa lang?"
"Bakit hindi? Naiilang ka ba?"
Agad itong umiling. "Iniisip ko lang naman 'yong masasayang na oras. Kung mas marami tayo, mas mabilis 'yong pag-aayos."
"Kaya na 'yon ng dalawang tao," dahilan niya. "Birthday ko naman 'yon. Huwag mo na 'kong tanggihan."
She let out a sigh. "Okay, fine. Dahil birthday mo..."
He smiled. Sana pala birthday na lang niya palagi. But he'll take what he can get. Mas na-excite bigla tuloy siya sa birthday niya kesa sa pasko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro