Capitulo Cuatro
Name: Celine F. Pangilinan
Age: 23
Kelvin stared at his copy of her resume. Kailangan pa niyang i-bribe ang kaibigang si Robel from HR para lamang makakuha siya ng kopya noon. Since hindi naman siya parte ng kumpanya, he's not allowed to access any employee's personal information.
So he played the CEO's son card to his advantage.
"Ang creepy nitong ginagawa mo,"puna ng kaibigan niya. "Why don't you just ask her out? Hindi 'yong naniningin ka pa ng info from her resume. Pagagalitan ako nito e."
"I can't ask her out on a date yet. She'll freak out."
Naalala niya iyong nangyari sa Mcdo noong isang linggo. Imbes na makisalo ito sa kanya ay ipina-takeout na lamang nito ang mga binili. He doesn't get it. Kung crush sya nito, dapat ay kinuha na nito ang oportunidad para makasalo sya. But she chickened out. Nahihiya pa rin kaya ito dahil sa nangyari noon sa Starbucks?
He smiled at the thought. Epic fail naman kasi ang pagkuha nito ng picture niya. Less embarrassing siguro kung nilapitan na lang siya nito para magpa-picture. But if her intention was to get his attention, then she succeeded. Dahil ngayon ay curious na curious siya rito.
He finds her cute. Her embarrassment, her simplicity, her awkwardness... basta tuwang-tuwa siya rito.
--
Ilang araw ring hindi nakapuntang McDonald's si Celine dahil sa nangyari. Nagtiis siyang sa pantry na lamang manggaling ang merienda dahil natatakot siyang makitang muli si Kelvin. Naba-bother kasi siya sa presensya nito. He makes her feel uncomfortable. Ayaw niya noon.
Today is the start of her new schedule. Two to eleven ang pasok niya para unti-unti siyang makapag-adjust. Two weeks na ganoong oras ang pasok niya, then magiging ten in the evening to six in the morning naman.
Dahil sa alas dos na ng hapon ang pasok niya, sa karinderya malapit sa boarding house na lamang siya nanananghalian, then bibili na lang sya ng merienda sa malapit na convenience store.
Pagdating niya sa office, hindi na niya kailangang bumaba. Sa hapunan na lang. She'll miss hanging out with Janelle though. Magiging kalahating araw na lamang ang interaction nila. Then after two weeks, halos hindi na sila magkikita, depende na lang kung i-require sa kanya ng team lead ang pagpasok ng maaga.
Ayos din ang bago nyang sked kasi walang pila sa sakayan ng jeep. Wala ring masyadong pila sa elevator kaya madali siyang nakasakay. Iyon nga lang, may kamalasan na namang bumungad sa kanya when she rode one of the cars.
Naabutan niya si Kelvin na nag-iisang nakasakay sa elevator. Agad nitong isinarado ang pinto nang makasakay siya.
"Hi!" he greeted cheerfully.
Nagkunwari siyang walang narinig. Itinuon na lamang niya ang atensyon sa sahig dahil puro salamin ang mga pader ng elevator. Ni hindi niya magawang lapitan ang mga buttons dahil nasa malapit si Kelvin. Her heart was beating so fast,para tuloy siyang masusuka.
Magra-roundtrip na lang ako, sabi niya sa sarili. Kita niyang naka-press ang number 42. Sa 41st floor sya. Hanggang 56 ang floors ng building. Saglit lang'yon, pangungumbinsi niya sa sarili.
From the corner of her eye, she saw that he pressed 41. Right, alam nga pala nito ang floor niya. But how did he know? Saka ano naman ang gagawin nito sa 42nd, na sakop din ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya? Are they working for the same company? Pero hindi naman niya ito makitaan ng ID. Saka ngayon lamang niya ito nakita sa building nila. Posible bang nandoon lamang ito to make her feel uncomfortable? Does he enjoy torturing her?
"Uhm... aren't you getting out?" she heard him ask.
Napatingin siya sa nakabukas na pituan. He was keeping the door open habang nakatulala siya. She nodded and stepped out. Saka lang siya nakahinga nang maluwag.
--
Celine hopes that it won't be an every day thing. Hindi na niya ikinwento kay Janelle ang nangyari. Tutuksuhin na naman kasi siya nito. Janelle is an idealistic woman. And one of her ideals is that someone as princely as Kelvin could fall in love with her. Ngayon pa lamang ay pinapatay na niya ang idea na iyon 8n sa utak niya. It's just so absurd.
Hindi na rin naman sila nakapag-usap nang hapon na iyon dahil busy ito sa trabaho. But they got a chance to eat dinner together, bago ito umuwi. Si Marlon na ang bukambibig nito.
"So, tigil ka na sa pagpa-fangirl mo?"
"Pinagtatanggal ko na nga 'yong pictures ng mga bias ko sa phone e. I realized na matanda na ako for that. Twenty five na rin ako, 'no. Konting kembot na lang, ikakasal na 'ko. Dapat kay boyfriend na lang ako nagpa-fangirl."
Natawa siya. "For sure, matutuwa si Marlon nyan."
"Kilig na kilig nga sya nung nakita nyang picture nya 'yong nasa lockscreen ko e!" ngiting-ngiti nitong sabi. "By the way, kumusta naman kayo ni Kelvin?"
"Walang kami," she answered. "Tigilan mo na nga 'yan."
"OTP ko kayo kaya kayo dapat ang magkatuluyan."
"Gaga. Malay mo may girlfriend 'yon. O boyfriend."
Pinandilatan siya nito. "Hindi nga sya bakla!"
"Aba, malay mo."
They spent the rest of the hour arguing about it. Janelle insisted na kung bakla raw si Kelvin ay malalaman nito because of her so-called gaydar. Ang argument naman nya, karamihan sa mga lalaking sobrang gwapo, bakla. Muntik na siyang sabunutan ng kaibigan.
When she went back to the office, wala na halos tao. Siya na lamang ang nasa station niya. Iyong mga night-shift naman ang sked, darating mamayang alas dyes. Hindi siya sanay na ganoon katahimik ang workplace. Maingay kasi ang mga kasama niya sa trabaho, lalo na si Janelle.
Pero ayos na rin dahil walang nagmo-monitor ng ginagawa niya. Kaya habang wala pang pumapasok na trabaho ay nanuod muna siya ng movie online. Sa kalagitnaan ng manunuod niya ay may biglang tumawag sa phone niya.
It's an unknown number. She paused the movie and answered the call.
"Hello?"
"Hi!"
Napahawak siya sa batok. Kinilabutan siya sa boses ng tumawag. Malalim iyon at lalaking-lalaki. Strange, but familiar somehow.
"Who's this?"
"Don't you recognize my voice?" pabalik nitong tanong.
Kumunot ang noo niya. "Hindi. At wala akong panahong manghula. Bye!" mataray niyang sabi.
She ended the call and resumed the movie. Pero maya-maya lamang ay tumawag na naman ito.
"Kung wala kang magawa sa buhay, huwag ako ang pagtripan mo!"
"It's me."
"Wala akong kilalang Me ang pangalan."
The guy laughed. She shivered again. Multo yata ang kausap nya. Kanina pa sya kinikilabutan.
"Ano? Tatawa ka na lang? Okay. Bye."
"Wait! Don't you really recognize my voice?"
"Kung nakikilala ko ba, magtatanong pa ako?"
The guy sighed. "It's Kelvin."
Nanlaki ang mga mata niya. Agad niyang tinapos ang tawag at saka pinatay ang phone. Kaya naman pala kanina pa siya kinikilabutan. But how did he know her nunber? Stalker kaya ito?
Umiling siya. Naalala niya 'yong sinabi ni Janelle na kapag gwapo, hindi raw stalker 'yon kundi admirer. Pero bakit naman siya nito ia-admire? Baka nanti-trip lang.
Napapitlag siya nang local phone naman niya ang tumunog. Lumang klase ng analog phone iyong gamit niya kaya hindi kita ang tumatawag. Nagda-dalawang isip pa siyang sagutin iyon dahil baka si Kelvin na naman. But she reminded herself that it could also be a client, so she composed herself and answered it.
"Hello. Good evening, this is Celine."
"Hi, Celine. This is Kelvin."
Muntik na siyang mapamura.
"How did you know my local number?"
"I'm a resourceful guy," sagot nito.
"Ano ba ang kailangan mo at kanina ka pa tawag nang tawag?!"
"I just want to talk."
"Busy ako."
"No, you're not. You're just watching a movie."
Awtomatikong napalinga siya sa workplace. Napamaang siya nang makita niya iyong nasa di kalayuan. He smiled and waved, at bago pa man siya makareklamo ay lumapit na ito sa kanya.
"Hi!"
"H-Hello."
There's that uneasy feeling again. Aligaga na naman siya dahil nakita niya ito. He pulled one swivel chair from an empty cubicle and sat next to her.
"P-Paano ka nakapasok?"
"The guard let me in," sagot nito. He was still smiling. "Have you eaten?"
Tumango siya. Bakit kung makapagtanong ito ay parang close sila? Hindi naman sila close. At bakit ito pinapasok ng guard? Empleyado ba ito?
"Empleyado ka ba rito?"
"Nope," he answered.
"E pa'no ka nakapasok?"
"I told you. The guard let me in."
"Bakit?"
Nagkibit-balikat ito. " Because I asked?"
She gave him a stern look. "Pinaglololoko mo ba 'ko? Mga empleyado lang ang pwede rito. Since hindi ka naman pala employee, mabuti pang umuwi ka na lang."
"Would it be okay if I'm the employer's son?" He smiled again. Mukhang masayahin ito. Kanina pa ngiti nang ngiti. "My father owns this company."
Namilog ang nga mata niya. "Seryoso ka?!"
He showed her his driver's license. Parang gusto ulit niyang magpalamon sa lupa dahil sa katangahan niya. Hindi pala basta-basta ang lalaking kaharap niya. He's the eldest son of the CEO.
Kelvin Nikola Aragonza.
p
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro