Capitulo Cuarenta Y Dos
Celine didn't know why Kelvin kissed her on his birthday. No, that's not quite right. She might know why... hindi lang siya sigurado kung iyon nga ba talaga ang dahilan.
Maybe he just wants to. It's not as if she's the first one he's ever kissed. Normal na siguro dito iyon. O baka naman sinubukan lang nito ulit para malaman kung magagalit ba siya o hindi.
Hindi naman nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya kaya hindi na niya iyon masyadong prinublema. She would honestly be more agitated if he acted differently, because she wouldn't know how she would react.
So they acted as if nothing happened.
Panggabi pa rin siya, kasama ni Yuan at ng isa pa nitong ka-team na si Kiko. Kiko is a lot like Kelvin, but louder. Kung tumawa ito, rinig hanggang doon sa pwesto ng guard sa lobby. Palagi rin itong may dalang pagkain kaya kapag wala silang magawang tatlo, kain lang sila nang kain.
"Bakit wala ka pang boyfriend, Celine?" tanong nito isang gabi.
Nagkatinginan sila ni Yuan.
"Wala lang," sagot niya.
"Walang nanliligaw sa 'yo?"
"Meron. Dati." It was Yuan who answered for her.
"O, ano'ng nangyari? Hindi mo type?"
Umiling siya.
"E, ngayon, meron na ulit?"
"Bakit ka ba tanong nang tanong? May plano ka bang manligaw?" deretsahang tanong ni Yuan.
Pinandilatan niya ang kaibigan. Good thing Kiko didn't seem to mind. Tumawa pa nga ito.
"No offense, Celine, ha. Mas type ko kasi ang misis ko kesa sa 'yo. Saka mahal ko pa ang buhay ko. Ayaw kong mamatay nang maaga."
"Kasal ka na?" kunot-noo niyang tanong. Kiko's already in his thirties, pero sa pagkakaalam nila ay single pa ito. Wala kasi itong suot na wedding ring kaya hindi nila alam na kasal na pala ito.
"Sa huwes pa lang. Biglaan kasi, hindi pa alam ng parents nya. Hihintayin muna naming makasal 'yong ate nya bago kami magsabi."
"Bakit kailangan pang hintayin?" tanong naman ni Yuan.
"Hindi kasi pwedeng same year, e. Natatakot silang baka mag-sukob daw. Ngayong taon nila plano, so baka next year na lang kami sa simbahan."
"Pero inunahan nyo naman."
"Oo nga. Civil wedding lang naman. Sinigurado ko lang na kasal na agad kami. Mahirap na. Baka makawala, e."
She grinned. "Ano'ng feeling nang may asawa, Kiko?"
"Masaya, syempre! Basta siya ang nasusunod, masaya kami lagi," sabi nito sabay tawa.
Kiko went back to work for a bit. Pero nang maubos ang cases sa cue nila, bumalik na naman ito sa pagtatanong.
"Kayo ni Yuan, walang something sa inyo?"
Pareho silang umiling.
"Dati lang," sagot ni Yuan.
"Ano'ng nangyari?"
"Wala. Hindi nag-work. We're better off as friends anyway."
She nodded in agreement.
"Ikaw ba 'yong sinasabi mong manliligaw nya dati?"
"Ako 'yong isa. May isa pa."
"O, asan na 'yong isa?"
She gave him a warning look. Yuan beamed, but he kept mum about it. He simply said, "Nandyan lang sa tabi-tabi. Umaaligid pa rin."
--
Celine only has until March to decide whether she will go back to Chicago or continue working in the Philippines. Her family, especially her mother, prefers that she stay. Malaki na raw tulong ang naipon niya ng dalawang taon. They're still struggling financially, pero mas nakaluwag sila ngayon kesa noong bago siya umalis.
Natutustusan naman niya ang pag-aaral ng mga kapatid at ang pangpagamot ng tatay niya. Nakatulong din kasi ang malaking increase niya.
Ang problema na lamang niya ay ang bahay na gusto niyang ipatayo at ang lupang pagtatayuan ng bahay nila.
She spends most of her weekend at home and that weekend was no different. Sakto ang uwi niya dahil luluwas ang mga magulang niya para sa checkup ng tatay niya.
She could go with him instead, but they all know that that wouldn't happen. Mas ginusto niyang umuwi na lamang sa bahay nila.
Kelvin, for some reason, learned about this (probably from Janelle) and offered to go with her. Noon pa man, gusto na nitong makapunta sa kanila. Siya lamang ang umaayaw dahil nahihiya siya sa hitsura ng bahay nila. Their house is the total opposite of Kelvin's home.
But his insistence is unparalleled and it didn't take long before she found herself agreeing to him.
Pagkauwi niya galing sa trabaho, Sabado ng umaga, naghihintay na ito sa boarding house niya. Madalian lamang niyang inayos ang mga gamit saka sila umalis.
--
She asked him not to bring his car, so they rode a bus to Cubao instead, and then another one, homebound. Parang unang beses makasakay ni Kelvin sa bus. He looked so excited.
Pinatos nito ang tinda ng mga naglalako sa loob ng bus. He bought shing-a-ling, cassava chips, meringue and even donuts. Pampasalubong daw 'yong donuts.
"Ano 'to, field trip?" natatawa niyang tanong.
"It's a long ride," he reasoned out.
Nang umandar ang bus, he dumped the food on her lap and told her to eat with him. She normally doesn't eat during the ride. Matutulog dapat siya dahil apat na oras naman ang byahe, pero dahil madaldal si Kelvin at maraming pagkain, hindi na rin siya inantok.
They ate their food while glancing occasionally at the television. San Andreas na naman ang palabas. Sawang-sawa na siya sa movie na 'yon. It's always that or You're My Boss kaya madalas siyang tulog sa byahe.
Maya-maya ay kinuhit siya ni Kelvin.
"O?"
"I'm thirsty."
"Wala kang biniling tubig?"
He grimaced. "I forgot."
Mukhang na-excite ito sa pagbili ng pagkain. Nalimutan nitong bumili ng tubig. Wala na pa namang nagtitinda dahil bumaba na ang mga ito bago umalis ang bus. It's a good thing that she always has a bottle of water ready.
She gave him the bottle and let him drink, realizing lately that she also drank from there earlier. That realization put a blush on her cheeks.
--
Animo'y artista ang kasama ni Celine. Nagsilabasan ang mga kapitbahay nang makitang may kasama siyang lalaki pag-uwi ng bahay. She clearly didn't think this through, or else, hindi na sana niya isasama si Kelvin sa bahay nila.
Her siblings were also dumbstruck when Kelvin entered the house. One asked her if he's her boyfriend. "Boy space friend," was her answer.
"Pasensya ka na sa bahay namin, ha. Medyo magulo," sabi niya kay Kelvin na nakaupo sa sala, habang silang magkakapatid ay madaliang naglilinis ng bahay.
"It's okay," he told her. Pagala-gala ang tingin nito sa buong bahay. It's probably his first time to see unpainted walls. Kapag tumingala ka, walang kisameng makikita kaya medyo mainit.
Iyong sahig nila, floor mat lang ang nakapaibabaw. Hindi na niya ito pinagtanggal ng sapatos dahil maalikabok.
He looks like a fish out of water. He clearly doesn't belong in there.
"You should sleep, Celine."
"Pagkatapos kong maglinis," sagot niya.
But her siblings agreed with him. Ang mga ito na raw ang bahala. Hindi lang niya masabing ayaw niyang matulog dahil hindi niya alam kung magiging okay ba si Kelvin habang tulog siya.
Pero dahil sa antok na antok na rin siya, sinunod niya ang payo nitong matulog muna.
--
When Celine woke up a few hours later, she found her siblings playing with Kelvin. May dala kasi itong mga gadgets. Nakayuko ang lahat habang kanya-kanyang kalikot sa phone nito, tablet at PSP.
"Hey, you're awake!"
Kunot-noo niyang tiningnan ang mga kapatid.
"Tigilan nyo nga 'yan. Baka makasira kayo."
"It's okay," Kelvin told her.
"Wala kaming pambayad kapag nasira 'yan," she told him.
"Hindi naman namin sisirain, ate," sabi ng bunso niyang kapatid. Kelvin smiled at her brother.
She sighed. Well, if it's really okay with him, then it's also okay with her. After all, hindi naman niya gamit ang mga iyon para hindi ipagamit.
"Sige. Basta ingatan nyo ang paggamit, ha." After saying this to her siblings, she then turned to Kelvin to ask if he's hungry. It's already dinner time. Antok na antok pa rin siya pero pinilit na niyang bumangon agad dahil may bisita. Hindi niya alam kung inasikaso ito ng mga kapatid niya.
"We already ate."
"Bumili ako ng pagkain kina Tisay, Ate," Rosalie told her.
"May pera ka?"
"Bigay ni Kuya," sagot nito. "Tulog na tulog ka kasi."
"Magkano?" she asked Kelvin. She's already fishing out her purse when he shook his head.
"Mura lang naman. Huwag mo nang bayaran."
"Kumain ka na, Ate. Nasa lamesa 'yong pagkain."
Dahil gutom na rin naman siya, pumunta siya sa kusina para kumain. Nagulat siya dahil sa dami ng pagkaing nasa mesa. May softdrinks pa!
Nailing siya bigla. Kelvin surely doesn't know how to hold back. Lalo na't sanay ito na palaging maraming pagkain sa mesa. Samantalang sila, husto na ang isang putahe.
"I don't know what you like, kaya nagpabili ako ng iba't ibang ulam," he explained. Sumunod pala ito sa kusina.
"Next time, isa lang ang bilhin mo. Or gisingin nyo 'ko kung kailangan. Huwag mo silang bigyan ng pambili. Baka masanay 'yang mga 'yan na humihingi sa 'yo."
"Next time?" he asked, smiling. "So there will be a next time?"
She wrinkled her nose. "Iniiba mo ang usapan."
"Okay lang naman kasi sa 'kin, e. And they didn't ask. I was the one who insisted that they take the money."
Tumango siya. Well, there's no point in arguing with him now. Nabili na, e.
"Kumain ka ulit kung gusto mo," sabi niya rito. Pero pinagsisihan niya iyon kaagad dahil kaunti na lang pala ang lutong kanin.
"Sige, kumain ka muna," he told her. "Busog pa naman ako."
--
Her siblings were already at ease with Kelvin. Lalo na't ayos lamang dito na paglaruan ang gadgets nito tapos kapag may gustong kainin ang mga kapatid niya, nagbibigay ito kaagad ng pambili.
When it was finally timt to sleep, she had to be really stern with her siblings dahil ayaw bitawan ng mga ito ang mga nilalaro.
Kaya si Kelvin na mismo ang pinagsabihan niya.
Nang makahiga na ang mga kapatid, inayos niya ang kwarto ng mga magulang para sa tutulugan ni Kelvin. He was amused with the mosquito net. Unang beses daw kasi nitong makakaranas na magkulambo, which is no surprise to her dahil alam niyang de-aircon ang kwarto nito sa sarili nitong bahay.
"Sorry electric fan lang ang meron kami," she told him.
"You've been apologizing all day. There's no need to. I'm okay here."
She gave him a small smile. "Sige. Good night."
--
Dalawang bunk beds ang higaan nilang magkakapatid, pero dahil iisa lang ang electric fan, sa ibabang bed silang lahat natutulog. Katabi niya si Rosalie habang ang dalawang kapatid niyang lalaki ang nasa kabila. Kaya sanay siyang hindi gumagalaw kapag natutulog. There's really no space to move anyway.
"Ate..." bulong ni Rosalie.
"Ano?"
"Kanina, tinanong ako ni Tisay kung sino 'yong kasama pag-uwi."
"O?" Si Tisay 'yong babaeng sikat na sikat sa barangay nila dahil lahat na yata ng lalaki ay naging boyfriend. Syota ng bayan, ika nga ng ilan. Hindi na siya nagtakang tinatanong nito kung sino si Kelvin. Si Tisay pa. "Ano'ng sabi mo?"
"Sabi ko boyfriend mo."
"Sira ka. Di ko boyfriend 'yon."
"E, malay ko ba. Para kasing boyfriend mo, e. Saka kapag sinabi kong single si Kuya, susunggaban agad ni Tisay 'yon. Alam mo naman 'yong babaeng 'yon."
Tumango na lamang siya. She's not worried though. Alam naman niyang hindi papatulan ni Kelvin si Tisay. He's too good for her. Come to think of it, he's too good for anyone from their area. Kahit para sa kanya.
And that thought kept her awake all night.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro