Capitulo Cinco
Kelvin went home happy that night. Nang sabihin niya kay Celine na anak siya ng CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nito ay naging cooperative na ito. He asked a lot of questions. Nanghingi pa siya ng papel at nanghiram ng ballpen dito. Hiyang-hiya man ay pilit nitong sinagot lahat. Now, he knows about her hobbies, her likes and dislikes... even her motto in life.
But when it was her turn to ask, nahirapan siyang sumagot. Isa lamang naman ang itinanog nito sa kanya. Bakit raw niya ginagawa ang mga ginagawa niya? He didn't know what to say.
"I just want to." Iyon na lamang ang isinagot niya. Tuwang-tuwa kasi sya when he's around her. Hindi ito kagaya ng mga babaeng nakilala niya dati. She acts like she doesn't like him. Ni hindi nga ito tumingin sa kanya the whole time na nagtataong siya rito. She doesn't seem like she's interested in him. Para bang gusto nitong mapag-isa. Kung siguro ay hindi niya sinabi ritong anak siya ng CEO, baka nakaladkad pa siya nito palabas ng building.
And she's also unassuming. Other girls would just go ahead and flirt back. Si Celine, parang sinasalag ang lahat ng pasakalye niya.
There was the feeling of uneasiness the whole time. Hindi iyon nawala. It just somehow evolved. Parang naging kumportable siya na hindi. Nahihiya na hindi. He couldn't explain it.
Nang tawagan ito ng mga kagrupo nito bandang alas nwebe ng gabi ay saka lamang siya umalis. Ayaw rin naman niyang makaabala sa trabaho nito.
Ang totoo ay wala naman talaga siyang planong puntahan ito sa office kanina. A friend from the IT department just mentioned that Celine would be alone in the office that night. Sa isang linggo pa raw kasi lilipat iyong dalawang taga-BPO na makakasama nito.
He took the opportunity because he'll be busy for the following days. At gusto na rin niyang magpakilala rito ng personal. Palagi kasi siya nitong iniiwasan.
He parked the car next to his dad's and went inside their house. Magkakasama pa rin silang buon pamilya sa isang bahay dahil ayaw ng mommy niyang bumukod siya. She told him that he'll only be allowed to move out kung 25 na siya o kung ikakasal na siya.
The former is just a year away. Ang huli naman ay mukhang malabo pa. Hindi pa kasi siya nai-in love. He'd been attracted to girls. He's had a few girlfriends. But he feels like they're just the juvenile kind of love. He wants the kind na mayroon ang mga magulang niya. The 'I don't want to lose you' kind of love.
Wala pa siyang nararamdamang ganoon.
"I'm home!" he announced.
Sabay-sabay na napalingon sa gawi niya ang mga nanunuod sa sala.
"Bakit ngayon ka lang? Gabing-gabi na a," bungad ng mommy niya.
Pumunta siya sa likuran ng couch, niyakap ito at saka hinalikan sa pinsgi. "I was busy."
"With what? Ian told me na kanina ka pa umalis sa opisina nyo. Ikaw raw ang pinakamaagang nag-out."
"Nambabae 'yan, ma," singit ni Kristoff.
"Shut up!" sabi niya sa kapatid.
"May nililigawan ka na naman? Parang kabi-break mo lang dun sa ex mo last month."
"Wala, ma," sagot niya sa ina. "I'm not courting her yet."
"So may plano ka nga."
Ngumiti na lamang siya.
"Ma, can you make your famous fudge brownies for me?"
Kumunot ang noo nito. "Why? Akala ko ba umay ka na?"
"It's not for me."
"It's for the girl, ma," Kian said. "Dumada-moves na si kuya."
"I'm just going to thank her for tonight."
"Why?"
"Did something happen, kuya? Bilis a!"
"Shut up!" sabi niya sa kapatid. "Ma, can we talk in the kitchen?"
His mother sighed and stood up. Sinundan niya ang ina sa kusina, away from the teasing of his brothers. He learned that night that Celine loves fudge brownies. Coincidentally, his mom makes the best kind. May pastry shop kasi ito.
His mom quit working as an executive assistant, studied baking and pastry arts for two years saka ito nag-open ng pastry business. She loves baking anyway. Noon pa man ay marunong na itong mag-bake, pero hobby lang. Ngayon ay may shop na ito Greenbelt at fudge brownies ang palaging unang nauubos sa mga tinda nito.
"Can I at least know who she is? At seseryosohin mo ba?" tanong nito sa kanya. "Para kasing ang bilis mong magsawa. Nakakailang girlfriend ka na pero months lang ang itinatagal. Remember that girl... what's her name again? 'Yong araw-araw na pumupunta rito dati?"
"Heart?"
Moira shook her head. "No. I know Heart. She smashed the window of your dad's car when you broke up. She thought it was yours."
"Oh yeah," natatawa niyang sabi. Galit na galit ang daddy niya sa kanya dahil nadamay pa ang kotse nito. "Christine Joy?"
"Yes. Her. The one who still calls me mom."
"Well, we're still friends."
"She's still hoping that you'll get back together with her," she said with a knowing look. "So, what's the name of this one?"
"Celine." He can't even say her name without a smile.
"You're attracted to her, I can see that. But if you're not serious with her, then huwag mo munang ligawan."
"How else will I know if I want to be serious with her or not? And besides, I like her, ma. Can't that be reason enough?"
Hindi naman dehado sa kanya ang mga naging girlfriends niya. Galante naman syang boyfriend, sweet at maalaga pa. Iyon nga lamang, madali siyang magsawa. Minsan ay nagugulat na lamang ang mga ito dahil bigla-bigla siyang nakikipag-break.
His mother sighed. "Bahala ka. Ang sa 'kin lang naman, be careful. Feelings are not something that you should experiment with. Alalahanin mong pwede kang makasakit."
"I know that, ma. Okay, I promise I'll think about it. But I still need those brownies."
"Punta ka na lang sa shop bukas. I'll give you a dozen."
Ngumiti siya at hinakikan sa pisngi ang ina. "Thanks, ma!"
—
Parang ayaw nang pumasok ni Celine kinabukasan. She couldn't believe her luck! Sa lahat naman ng pwedeng ma-crush-an ni Janelle at mapagkamalang crush nya, iyong anak pa ng CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.
Halos dalawang oras din ang itinagal ng pagtatanong ni Kelvin ng kung anu-ano sa kanya. Hindi nga niya mawari kung bakit mukhang interesado ito sa kanya. Wala namang interesante sa buhay niya. Hindi naman sila mayaman. Hindi naman siya maganda. At least, not the type that could be a match for him. Dapat kasi rito, high maintenance din ang girlfriend. Iyong tipo na branded ang lahat ng nasa katawan, inglisera, mayaman at head turner. She's none of the above.
Laking pasalamat niya nang hindi niya ito nakita pagpasok niya ng opisina. Walang Kelvin sa lobby. Wala ring Kelvin sa elevator. Medyo nakahinga siya nang maluwag dahil doon.
Papunta na sana siya sa pwesto nang harangin siya ng kaibigang si Janelle. Nakapamay-awang ito at nakataas ang kilay.
"Ano?" tanong niya rito.
"Kailan ka pa natutong maglihim sa 'kin, ha?"
"Ha?"
Pumunta ito sa cubicle niya at kinuha ang isang cute-sized basket na may balot na plastic. Sa loob noon ay may mga brownies na nakalagay.
"Kanino galing 'yan?" kunot-noo niyang tanong.
"Wait lang. Babasahin ko ulit 'yong note na kasama nung bouquet of roses."
Sinilip niya ang cubicle. May bouquet din nga doon. At may naka-fold na parchment paper. Nang buksan ni Janelle iyon ay tumambad sa kanya ang mala-doktor na sulat ni Kelvin.
"Ang pangit nga pala ng handwriting nya. Ang hirap intindihin!" reklamo nito. Janelle cleared her throat and read the note. "Hi, Celine. Thanks for last night. May heart sign pa at smiley. What's with last night? Nag-date kayo? May pa-ayaw-ayaw ka pa, gusto mo rin naman pala sya!"
"It's not like that." She pushed her aside. Naupo siya sa cubicle at saka inilagay sa basurahan ang bouquet.
"Bakit mo itinapon?"
"Hindi ko bibitbitin pauwi 'yan. Nakakahiya kaya!"
"Ano naman ang nakakahiya sa pagbibitbit ng bulaklak? Dapat nga maging proud ka. Hindi pa Valentine's pero may flowers ka na."
"Wala rin naman akong paglalagyan nyan sa bahay."
Kinuha ni Janelle ang bouquet. "E di akin na lang."
"Ano na lang ang sasabihin ni Marlon kapag nakita ka nyang may dala-dalang ganyan?"
"E di sasabihin kong bigay ng manliligaw mo. Akin na 'tong note. Evidence." Janelle eyed the brownies. "Ayaw mo rin no'n?"
Agad niyang kinuha ang basket at inilagay sa pinakailalim na drawer. "At least 'yong brownies, makakain ko."
"Pahingi ako ha."
Janelle walked back to her seat. Akala niya ay tapos na ang pang-i-interrogate nito sa kanya. But when Kelvin called and asked if she received his gifts, tumakbo ito palapit sa kanya at idinikit ang tenga sa phone. Impit itong umirit nang matapos ang tawag.
"Ano nga kasi ang nangyari kagabi?!" pamimilit nito.
Napilitan tuloy siyang magkwento habang nagtatrabaho. Mabuti na lang at nasa dulo sila. Medyo separated sila sa ibang work stations. Kaya nakapag-iingay. Dagdag pa na tolerant ang team lead at mahilig ding maki-tsimis. She had to tell her friend even the part where Kelvin revealed his real identity. Nanlaki ang mata nito at hinampas siya sa braso.
"Bruha ka! Bakit ang swerte mo?!"
She wrinkled her nose. "Swerte? Malas kamo."
"Malas? Ano'ng malas do'n? Sobrang gwapo nya na nga, sobrang big time pa!"
"Ayun na nga. Sobra," sagot niya. "Too much of anything is too much."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro