
Sugal
SUGAL
Ikaw na palaging nagpapaubaya.
Ikaw na laging gumagawa.
Ikaw na laging umuunawa.
Ikaw na laging inuuna ang iba.
Wala ka mang oras para sa sarili.
Laging iniisip ang iba kaya nahuhuli.
Sobra-sobra ang pagmamahal na sinusukli.
Hindi iniisip ang sakit, bagkus dumadaing ka mag-isa.
Lahat ay may katumbas,
at lahat ng mayroon ay kumukupas.
Kaya’t sayong pagsugal, isipin din ang sarili.
Huwag dumepende sa iba, dahil ang buhay ay paiba-iba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro