Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Salamat Kasi Pinili Mo Ako

DAGLI: SALAMAT KASI PINILI MO AKO

Nag-uumapaw ang sayang nararamdaman ko ng marinig ko ang pangalan ko. Hindi ko maintindihan ang saktong pakiramdam, tila halo-halo na nga. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi ng sabihin niyang “Oo, kasama ka na. Ikaw ang hanap ko.” Simpleng pangungusap pero nagbigay kiliti sa aking puso.

Sino ba naman ang hindi matutuwa sa ganoong pangyayari, yung taong malapit sa puso mo ay sasabihin ang ganoong bagay. Kaya ng marinig ko iyon, labis ang pasasalamat ko.

Walang puwang sa puso ko na mapabilang sa kaniyang organisasyon, dahil isa siya sa kilala kong mahusay pagdating sa larangan ng literatura. Nakamamangha ang narating niya!

Naging miyembro ako ng kanyang organisasyon at naging tampok ang iilang akda ng aking naitala. Ngunit sa ilang buwan ng aking pamamalagi, hindi ko akalain ang pagbabago. Parang may kakaiba, hindi ko nga alam kung masyadong lang ba akong nag iisip. Hanggang sa tawagin niya ako at pakawalan ang seryoso niyang pangungusap.

“Mahusay ang mga ginawa mo, pero kailangan mo ng galingan sa huling araw mo ngayon. Muli, maraming salamat binibini.”

Nanlamig ang mga tuhod ko, natulala ako at nawala ang sigla at saya sa aking sistema.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro