Paalam At Paglisan
PAALAM AT PAGLISAN
Hindi ko alam kung ano ang kaibahan nito,
magkaibang salita pero tagos sa puso.
’Paalam na walang pasabi’,
’paglisan nang biglaan’—
magkaiba man ang detalye
ngunit parehong masakit sa huli.
Ngunit pakiwari ko,
lahat rin naman ay ganito ang gagawin,
susundin ang dikta ng damdamin
at ito ang reyalidad
ang makasakit o ang masaktan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro