Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mahal, Paano Ako?

MAHAL, PAANO AKO?

Araw-araw tayong magkasama,
maghapon din tayong nagtatawan at asaran
ngunit sa kabila ng matamis mong mga ngiti
naroon ang sakit na matagal mong kinukubli.

Hindi ako ang tunay mong sinta,
dahil sa’yong paraluman mata,
ika’y nahumaling na pala sa iba
at ang masakit sa kaibigan ko pa pala.

Kasinungalingan ang lahat ng mayroon tayo,
dahil ang ikaw at ako ay matagal
mo ng sinuko noong nakita
mo ang karibal ko.

At ang sinabi mong “ako lang”,
ay isang sumpa na matagal mong
pinangako sa kanya— kahit tayo pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro