HAIKU: MAG-ISA
ISA:
Gabing Madilim
Tulala't nakatingin
Sa iyong ningning.
DALAWA:
Sa Kalawakan
Nais kang masilayan
Mayakap man lang.
TATLO:
Susugal? Hindi?
Aalis? Manatili?
Ika'y pumili.
APAT:
Lima ang una.
Pito ang pangalawa.
Ika'y mag-isa.
LIMA:
Ang hirap 'di ba?
Sayo'y may nakinig ba?
Hirap mag-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro