
[HABANG] may [BU]kas [HA]nap pa rin a[Y] Ikaw.
Para sa nag-iisang sunflower ng buhay ko:
(HANGGANG SA HULING PATAK NG AKING TINTA.)
[HANG]in ay umihip pasilangan;
[GA]mot sa lungkot ay akin ng natagpuan.
[NG]iti sa aking labi ay iyong pagnilayan;
[SA]mahan mo akong pagmasdan ang lamlam ng liwanag ng buwan.
[HU]manga ako sa'yo hindi dahil sa angking kagandahan;
[LING]id sa aking kaalaman na ang pag-ibig ay sayo ko pala mararamdaman.
[PA]nulat ko ay hindi rin kayang ipaliwanag ang mga kadahilanan;
[TAK]sil ang aking kaalaman, iniwan n'ya ako nang ika'y nasilayan.
[NG]ayon ay ninanamnam ang handog mong pag-ibig;
[AK]ing hiling ay makasama ka sa mga nalalabing araw ko dito sa daigdig.
[ING]at ka kasi malayo ako, hindi kita magawang alalayan sa'king mga bisig.
[T]umitig sa iyong larawan ang pinakapaborito ko't hilig.
[I]niibig kita kaya samahan mo ako hanggang sa'king huling kabanata;
[N]ais kong pasayahin ka kahit sa simpleng paghabi ng mga salita.
[T]ula para sa binibining nagturo sa akin ng mga matatamis na salita.
[A]kdang may halimuyak ng rosas na kulay pula, ay sunflower pala.
Your_Unknown_Writer
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro