8. Aking Kaklase
Aking Kaklase
ni Aljon D.
Masaya kong tinahak ang daan papunta sa aming paaralan. Ito ang unang araw ng aming pasukan at ako'y nagagalak na makilala ang mga bago kong kaklase.
"Hi,"
"Hello,"
Kaliwa't kanan kong pagbati sa mga kaklase ko kasabay ng aking pagpapakilala.
Ngunit nakaagaw ng aking pansin ang isa naming kaklase na palaging mag- isa. Nasa likuran ng silid-aralan, laging tahimik at walang kibo.
Sa paglipas ng araw, lagi ko siyang tinitigan ngunit siya'y laging nakayuko at hindi nagsasalita. Hindi siya pansinin sa klasrum at pati ang guro namin ay tila 'di siya napapansin. Hindi sumasagot at hindi nagsasalita.
Isang araw, nilapitan ko siya. Nalaman ko na ang pangalan niya ay Rina Vinarao. Nakipagkilala ako sa kanya at nakipagkaibigan.
Minsan ay niyayaya ko siyang pumunta sa amin para gumawa ng takdang aralin. Sabay din kaming pumapasok sa paaralan at sabay ding umuuwi. Palagi siyang nakangiti sa akin.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sobra kung makatitig ang iba naming mga kaklase. Ang iba ay mukhang maguguluhan samin. May dumi ba kami sa mukha? Mabaho ba ako?
Ilang araw pa ang lumipas at napansin kong parang 'di na siya pumapasok. Bakit kaya? Dahil ba sa mga naguguluhan sa amin? Inaway ba siya ng aming mga kaklase? Imposible naman iyon dahil napakabait niya.
Nagtanong ako sa aming guro at nakakapanindig balahibo ang isinagot niya sa akin at tumahimik ang aming klase.
"Sinong Rina? Wala kayong kaklaseng Rina ang ngalan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro