[SS1] Sana All
Warning: Ang tagal na since last ako nagsulat. Sorry if may errors or pangit ang kalalabasan. HAHAHAHAHA! 😅 Three parts lang ata 'to unlike nung nauna. Hehe.
xxxxx
"Hoy Aki, inom tayo sa Friday ha. Treat ni Renalea kasi masagana ang pechay niyan."
Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ng kaibigan slash officemate kong si Yoon. Oo nga pala at dapat silang magcelebrate dahil natupad na ang matagal nang pinapangarap ng kaibigan naming si Renalea. Ang makajackpot ng pogi. Hindi nga lang si Jungkook 'yon kasi pamilyado na yung gago after mabuntis si Lalisa—officemate din namin.
Ang poging tinutukoy niya eh walang iba kundi yung anak nung big boss namin. Hindi man lang kami na-inform na ang gwapo pala nung anak nung huklubang 'yon. For sure ganda ng nanay 'non kasi ang layo sa itsura nung matanda. Mapapa-"sana all" ka na lang sa bruhang si Renalea dahil nakabingwit ng gwapo saka mayaman. Christian Grey amputsa.
"Oo naman 'no!" agad kong sagot. "Basta may alak, game ako. Si Synn ba?"
"Sasali talaga ako." Speaking of. "Hello? Rinig na rinig ko na yung tawag ng alak."
"Rinig na rinig ko na rin yung mga ungol mo kapag sa diligan niyo ni Yuan after," barumbada kong sambit. "Sana all may dilig. Sana all may Fafa Yuan."
"Eh di padilig ka din," aniya sabay irap. "San ba si Yoongi nang ma-orient."
Hindi ako agad nakareact o nakapag-isip man lang ng pangbawi sa sinabi niya kaya dinaan ko na lang sa tawa. Ganon naman kasi talaga ako eh. Kapag di na keri, tawa na lang.
"May inuman? Hala sali kami!" Bigla ay sumingit naman si Lucille na naglalakat palapit sa kinatatayuan namin sa may lobby. Nakasunod sa kanya sina Ara, Aioni at Dorothy. Napatingin kami sa mga ito.
"Papayagan ka ba?" kantiyaw ni Yoon dito. Napahawak tuloy ito sa dibdib.
"Hala bakit may pag-atake, ate?" With matching expression pa kaya't natawa din ang nakatatanda.
"Yung mga kids, juice lang," ani naman ni Synn habang naka-ngisi. "Mahirap na baka magkalat kayo."
"Ay, ate. Di mo sure," nakangising sambit ni Ara na para bang ang lakas kung uminom eh isang bote pa lang ng San Mig eh nagda-drunk text na sa kung sino. "Iinom ako marami para makapag-training. Bak makita ko na 'yung Kalix ng buhay ko."
"Luh, anong konek?"
"Wala naman. Pero baka kami magka'ron."
Natutop ko bigla ang aking bibig sa banat ng batang ito. Kung anu-ano ang pinagbababasa sa wattpad kaya kung anu-ano rin ang natututunan.
"Ako din gusto ko din uminom ng marami. Pa-experience naman," ani Dorothy. "Sama na lang natin sina kuya Yoongi at Jimin para may umalalay sa'tin."
"At ginawa mo pang babysitter ang bebe ko," asik bigla ni Yoon. "Though sasama naman talaga siya kaya G lang."
Medyo lumilipad pa ang isip ko ng saglit bago napansing nakatingin na silang lahat sa'kin. Gulat ako, siyempre.
"O. Anong problema niyo?" tanong ko bigla.
"Ikaw na bahala kay Manong Yoongi," utos ni Yoon. Hala. Wala man lang please? Charot.
"Ha? Bakit ako?"
"Kasi YoonKi, ate," nakangising sagot bigla ni Angel. Weird lang kasi Angel ang name pero may sa debel din utak. Ampunin ko din kaya 'to?
"Luh YoonKi. Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?"
"Ay sis. Pwede," gatong naman ni Synn.
"Luh ambastos ng bibig mo babe."
"Arte mo. Gusto mo naman, gaga," suporta ni Yoon. "Wag ka na nga mag-inarte diyan. Parang di mo naman nilalandi ng harap-harapan yung tao."
Again, tumawa lang ako. Bakit? Kasi nga dinadaan ko na lang talaga ang mga bagay-bagay sa tawa at joke lalo na kapag hindi niya na alam ang dapat isagot o dapat sabihin.
Eh pano ko ba kasi ma-eexplain sa mga 'to na trip-trip lang yung panlalandi ko kay Yoongi?
"Sabi ko nga. Ako na lang mag-iinvite ke Yoongi."
Maya-maya pa'y paisa-isa nang umuwi ang mga kaopisina ko hanggang sa ako na lang ang maiwan sa may couch ng lobby. Napaka-bayani kasi ng Grab driver ko. Tangina kelangan ubusin yung trabaho bago mag-out?
Inabala ko na lang tuloy muna ang sarili ko sa paglalaro ng aking telepono. Nakapag-facebook at twitter na rin ako't lahat, parin ang gago. Kainis. Dapat kahit hassle nag-MRT na lang ako. O di kaya nag-lakad. Baka maunahan ko pa siya.
"Let's go."
"Ay baklang kabayo!" bulalas ko sabay nabitawan ang hawak. Buti na lang hindi yon sa sahig dumiretso at nasalo ng kandungan ko. Napaangat ako ng tingin. "Gago ka talaga! Muntik na mahulog telepono ko."
"Hindi ko kasalanan na magugulatin ka," sagot naman agad nito.
Bakit ga'non? Bakit parang kasalanan ko pa?
"Tara na. Kumain ka na ba?"
"Naghinatay ako dito diba? Malamang hindi pa," pilosopo kong sagot. "Alam mo ikaw. Masyado kang masipag. May bukas pa."
"I don't like slacking off," tipid nitong sagot sabay hablot ng bitbit kong laptop bag.
Wala siyang pinagbago. Gentleman pa din.
"Hindi 'yon slacking off 'no. Pinagpabukas lang, slack off na agad? Grabe 'to," giit ko sabay irap. Napaka-judger. Natamaan ako. "Nga pala. May inom daw sa Friday. G ka?"
"Para ano? To babysit you again? Hard pass," kunot-noong sagot agad niya. Luh ang bilis naman huminde. Di man lang pinag-isipan. Hurt ako. "Just go ask Alphie."
Natigilan ako bigla. Nagsisimula nanaman siya. Tangina. Napaka talaga. Ungkatan nanaman ng past? Di pa rin nakaka-move on?
"Eh di wag. Arte neto," sabi ko na lang sabay irap. "Saka don't English me nga. Yung migraine ko parang may migraine na rin ata."
"Kung natutulog ka kasi ng maaga diba?"
"Nagsalita. Kitang-kita ko kaya lagi nakabukas ilaw ng kwarto mo kapag kumukuha ako ng tubig sa kusina," ganti ko. Totoo naman kasi. Alas tres ng madaling araw, gising pa. Demonyo ba siya? May pa-3AM kineme.
And yes, they're staying in the same townhouse. They were living in the same house at walang nakakaalam sa opisina.
"Nagja-jakol ka 'no? Kasi di ka nakakapandilig," barumbada kong pangaasar sa kanya. Agad naman itong napatingin sa akin. Una eh medyo nagulat pero agad din namang nakabawi.
"Di mo sure," aniya sabay ngisi. Napakunot tuloy ang noo ko. Tangina may dinadala ba 'tong babae sa bahay?! Amang mahabagin. Makakasalanang nilalang!
"Landi amputsa," bulong ko sabay irap. Napangisi tuloy siya sabay kurot sa pisngi ko. "Aray! Tangina naman Yoongi!"
"Selos ka naman agad," tumatawang sambit nito. "Tara libre kita dinner."
"Ano akala mo sa'kin nadadaan sa suhol?" bulalas ko sabay pinagkrus ang braso. "Eksyusmi. Tama ka. Tara. Gutom na mga bulate ko sa tiyan."
"Pfft. Same old Arika," pabulong namang sambit niya sabay patong ng kamay sa ulo ko.
Hilig niya 'yan. Ipamukha na mas maliit ako sakanya. Tangkad kasi tangina. Sana all nabiyayaan ng height.
"Tara, Ex."
Ex. Naknamputsa. Napakasaket.
xxxxx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro