[SS1] Di Mo Sure
xxxxx
"Yoongi tingnan mo si Aki o. Nagtu-twerk na."
Isang tango lang ang sinagot ko kay Hope habang tahimik na nagmamasid mula sa second floor. I have a clear view from up here kaya't mababantayan ko ito without needing to be close to her on that freaking dancefloor.
Nakasunod lang ang tingin ko sa babaeng mukhang uhaw na uhaw sa alak. Bitbit ang isang bote ng Cuervo—paborito niya, sayaw lang ito ng sayaw habang pinaiinom din sina Synn straight from the bottle. Pati yung mga bata eh inimpluwensyahan kaya ayun, sayaw lang din ng sayaw at mukhang lasing na rin. Si Yoon naman eh video lang ng video kasi hindi ito umiinom.
Oo nga't sinabi ko na hindi ako sasama pero siyempre, dahil sa peer pressure ay bumigay na lang rin ako. Pareho lang naman dahil ako pa din ang susundo sa babaeng 'yon kahit di ako sumama.
"Lapit na mag-ala una, Yoongs. Awatin na natin," ani Jimin. "Bayad naman na din lahat nung lalaki ni Rhen kaya pwede na tayo umalis. Wala na rin naman sila."
Tumango lang ako at sinundan ang dalawa Pababa. Kahit madaling araw na eh ayaw pa rin paawat ng mga tao sa kaiinom at sayaw. He doesn't drink that much but he has high alcohol tolerance.
"Hope!" Nakangiting hiyaw ni Aki nang mapansin ang papalapit nilan prisensya. Iminwestra nito ang hawak na bote. "Five seconds straight. Tara!"
Talaga? Si Hope unang nakita?
Dahil hindi rin naman tumatanggi si Hope sa libre inom, tumango ito at lumapit. Aki poured the tequila straight from the bottle to his mouth for five seconds.
"Wala man lang bang lemon saka asin? Tangina," nakangiwing sambit nito. Umiling naman agad si Aki.
"Wala," sagot niya. "Uy Hope, pakialalayan naman si Lucille o. Nagi-English na tapos puro pangmatalino sinasabi."
Aki was slurring while saying that. Then nakita niya ako kaya ngumisi siya. Naku. Ako nanaman ang bibiktimahin ng babaeng 'to.
Humakbang siya papalapit sa akin pero parang lasing na nga talaga ito kaya't muntik na itong matumba. It was a good thing he has quick reflexes kaya't nasalo niya agad ito.
"Oops! Sorry sorry," tumawang sagot niya sabay hawak sa suot ko as she tried to balance herself up. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Inom ka na o. Dali 5 seconds!"
"Tama na 'yan," kalmado kong sambit sabay agaw ng bote sa kamay niya. Pero parang bata iyo na biglang nilayo ang hawak at niyakap iyon. Muli, napabuntong-hininga siya.
"Oy, buntong-hininga ka diyan nang buntong-hininga. Kabagin ka," natatawang sambit nito. Nag-slide pa yung strap ng suot nitong overalls kaya kitang-kita na ang suot nitong itim na laced bralette. Agad niyang inayos 'yon. "Salamat. Five secs na kasi. 'To naman. Parang others!"
"Fine. After that, uuwi na tayo."
Agad na lumapad ang ngiti nito at kitang-kita ang biglang pagkislap ng mga mata. She's older than me pero parang ako pa yung mas may sense ngayon.
Itinaas nito ang bote para salinan ng alak ang bibig ko. Kinailangan ko ma yumuko ng onti dahil hindi niya abot. Liit kasi. Kasya ata 'to sa bulsa ko. Tangina ang cute.
"One... Two... Three... Ano na nga uli sunod sa three? Ay oo, four... and a half—"
Hinawakan ko yung kamay niya para ilayo yung bote sa'kin at patigilin ang trip nito.
"Gago," sambit ko na ikinatawa niya. "Five seconds lang."
"Sorry, sorry," tuloy lang yung tawa niya kahit pa tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Lasing lang. Lasing."
"Duga mo. Pasalamat ka talaga mahal kita."
"Ha? Hatdog?"
Muli ay napa-irap ako at hinila na ito paalis sa dance floor. Nasan na ba 'yung bag nito?
"Oy wait lang! Ang aga pa o!" reklamo nito habang pasuray-suray na sa paglalakad.
"Talaga ba? Maaga pa? Eh hindi ka na nga makapaglakad ng maayos eh."
"Hala. Hattitude si koya." Binelatan niya pa ako at hahakbang sana palayo pero matutumba nanaman. Kaya hinapit ko na lang siya sa baywang at sapilitang iginaya papalabas.
"Yoongi! Yung bag ni Aki!" Rinig niyang tawag ni Jimin. Katabi nito si Yoon habang akay-akay naman nito ang mukhang walang malay na si Ara.
"Thanks," aniya sabay abot nung bag. "Ikaw na bahala sa iba. Sina Angel?"
"Nasa couch na binabantayan ni Hope," anito. "Tinawagan ko sina RM para tumulong. Papunta na daw sila kaya okay na kami dito. Hatid mo na 'yan si Aki."
"Uy! Hala pupunta pala sina RM? Wait natin sila. Isang round pa o—"
"Tumigil ka na nga diyan. Lasengga," awat ko sa kanya. Napaka talaga.
"Judger ka! Putangina neto."
"Bastos ng bibig Aki."
"Mama mo bastos." Aba.
Tumawa lang sina Yoon at Jimin bago magkatulong na inalalayan si Ara papasok ng kotse ng lalaki. Si Aki naman eh sapilitan kong ipinasok sa passenger's seat ng kotse at agad 'yong sinarhan. Baka tumakas kasi.
"Hoy wag ka lumabas diyan, tangina!"
Agad kong hinila pabalik sa kinauupuan niya si Aki nang makasakay ako sa may driver's seat at nilagyan siya ng seatbelt. Tangina ang pasaway.
"Susunod daw yung iba bakit uuwi na tayo? May masama kang balak sakin 'no?" Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Hindi naman sa choosy ako pero ang awkward, bro. Si Yoongi lang pwede ko landiin."
Nangunot ang noo ko bigla. Bro? Yoongi? Tangina. Ako si Yoongi ah. Napatingin tuloy ako sa kanya. Napansin niya 'yung bigla kong pag-baling sa kanya kaya nagsimula nanaman itong magsalita.
"Alam mo kasi bro, siya pa din eh. Tanginang puso na 'to eh," reklamo niya na halos hindi na mabigkas yung mga sinasabi ng maayos. "Ayaw makipag-cooperate eh. Alam kong trip trip lang yung pagjojowa niya sa'kin pero ako 'tong si tanga, ayaw paawat. Rupok ko eh. Hahahahahahahaha!"
Puta nagmo-monologue na ba 'to?
"Gaga ko kasi. Hahahahahahaha. Putaena. Kung pwede lang eh. Kaso hindi. Baka sa next lifetime magmeet kami tapos pwede na," patuloy nito sa lintaya. "Oy secret 'to ha! Tangina ka. Wag mo sasabihin kay Yoongi kundi papaapakan kita kay Yoon. Sige ka."
"Kilala mo ba kausap mo ha, Arika?" Napahawak ako sa noo ko sa sobrang stress dala ng babaeng 'to. Iinom-inom tapos di naman pala kaya. Tapos ngayon, kung anu-ano pa pinagsasabi.
"Oo! Kilala kita. Tangina ikaw si... Teka putangina. Sino ka na nga uli?" Inilapit niya sa'kin yung mukha niya at tinitigan ng maigi yung mukha ko. "Hope? RM? Future Jowa?"
"Yoongi."
Lalong naningkit ang mga mata nito bago umiling. "Ay hindeeeee. Andun si Yoongi sa... san ba 'yon? Ay oo andun sa opisina 'yon nagtatrabaho para sa future namin. Jowk lungs. HAHAHAHAHAHATDOG."
"Tangina, Aki. Wasted ka na."
"Feelings ko wasted," aniya sabay sandal sa upuan. Napakunot ang noo ko.
Feelings niya? Wasted? Eh sino ba nakipag-break? Hindi ba't siya?
"Hindi ba ikaw yung nakipag-break? Bakit nagkakaganyan ka? Saka diba may Alphie ka na? Umayos ka Aki."
"Si Alphie? Gago ka ba? Pinsan ko 'yon. Di ko na lang nilinaw ke Yoongi para kunwari di ako affected. Pero ang totoo, hulog na ko eh. Hulog na hulog kaya kumalas na 'ko..."
xxxxx
napakawalang kwenta ng update ko. Shaks.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro