[SS1] Ano ba 'to?
xxxxx
Hindi nakagalaw si Yoongi sa kanyang kinauupuan pagkatapos marinig ang sinabi ni Aki. Pero ito, parang wala lang dahil sa epekto ng alak sa sistema nito. He was just sitting there staring at her. Iniisip whether what she said was really true o nanti-trip lang nanaman ito. She tends to do that almost all the time with him. Hindi niya pa lang naeexperience na lasing ito kaya medyo naguguluhan siya.
Napukaw lamang ang kanyang atensyon ng marinig ang sunod-sunod na katok sa may bintana sa banda ni Aki. It was Jimin and Hope. Dahan-dahan niyang binaba ang bintana.
"Di pa kayo aalis?" tanong agad ni Jimin. "Hihintayin niyo pa ba sina RM?"
"Oh my God dadating si RM!" bigla namang sambit ni Aki na agad ko din namang tinakpan ang bibig. She was so loud at her voice ringed in her ear.
"Ew!" Sihaw nito sabay tanggal ng kamay niyang nkatakip sa bibig nito kanina. "Di masarap kamay mo. Kadiri! Asan na ba sina RM? May kasama ba siyang pogi? Sana meron. Hihi!"
"Ano ba ang ingay mo tangina—"
"RM! RM! RM! RM!" pang-uuya pa nito sa kanya. "R—"
"Kung di ka titigil diyan tangina hahalikan kita!"
"Ooooh! Sige ngaaaaaa~" Ngumisi pa ito ng pagka-lapad kaya napamasahe na lang siya ng sentido. "Wala ka naman pala eh. Boo! Duwag—"
"Sino kaya yung totoong duwag sa'tin?"
Biglang nanahimik si Aki at napakurap. Maging si Jimin at Hope na nasa labas ay napatingin na lang sa isa't-isa.
"Tell me, Arika. Sino sa atin ngayon ang duwag ha?"
"Hoy Jimin! Nasusuka na si Ara! Dalian niyo nga diyan!" Sigaw ni Yoon sa may di kalayuan. "Pabayaan niyo na 'yang si Aki kay Yoongi. Bruhang 'yan nandamay pa ng mga bata sa pagiging lasengga."
"Si Synn?" Narinig niyang tanong bigla ni Jimin kay Hope.
"Hindi ba sinundo nung Yuan?" Sagot naman nito. Napakibit-balikat naman si Jimin bago muling bumaling sa kanya. "Alis na ka, Yoongs. Kay na bahala 'jan kay Aki. Bato mo sa ilog Pasig kapag hinalay ka."
"Gago ka Jimin. Sana mabangga yang hinliliit mo sa kanto ng mesa!" hiyaw ni Aki sa papalayong pigura ng dalawa. Nakabusangot itong napabaling sa kanya. "Ano?"
"Lasing ka pa?" Tinaasan lang siya nito ng kilay bago sumanday muli sa backrest ng upuan at pumikit. "Wow ha. Attitude."
xxxxx
Pagkarating na pagkarating nila sa townhouse na inuupahan ay agad na binuksan ni Aki ang pinto at tumakbo siya papalabas.
Una ay dahil gusto niyang makatakas mula sa kahihiyang pinagsasabi kaninang may tama pa ang lecheng alak sa kanyang sistema. Note to self: umiwas sa espiritu ng alak. Nakakapunyeta. Pangalawa ay dahil nasusuka siya. Kanina niya pa pinipigilan yon dahil walang plastic sa kotse nung gago.
"Inom pa. Galing mo rin eh."
Isang matalim na tingin lang ang ibinato niya sa lalaki habang yakap ang toilet bowl. Hawak nito ang buhok niya para hindi madumihan.
"Ilang bote?" tanong nito na may halo pang pang-aasar. Itinaas niya ang tatlong daliri bago muli nanamang naduwal. "Lang? Tumatanda ka na talaga Aki. Humihina ka na sa inuman."
"Leche ka. Di ako nag-dinner—" Shit. Huli na nang marealize niya ang nasabi.
"Hindi ka nanaman kumain?" kunot-noong tanong nito. "Nagda-diet ka nanaman?"
"One meal a day nga kasi ako," pagdadahilan niya. "Kulit. Ugh. Yoko na uminom tangina."
Isang malalim na buntong-hininga lang ang narinig niya mula dito bago nito inabot ang isang maliit na towel sa kanya.
"As if kaya mo," bulong nito sabay tayo. Napatingin tuloy siya dito. Badtrip ba 'to? "Maligo ka bago matulog."
Hindi agad siya nakapagreact kaya't tuluyan na itong nakalabas ng banyo. Shit. Ano nanaman ba ginawa niya? Putangina naman kasing alak eh. Kung anu-ano nanaman tuloy pinagsasabi niya. Pero wala na eh. She's sober. And she just told him her feelings. The real reason why she ended things with him before.
Kasi naman eh. Ano ba 'yan. Di na siya nadala. Nakakahiya. Tangina kasi.
But fuck it. Nasabi niya na kanina so kailangan niya pang tapangan. Worse comes to worst, hahanap na lang siya ng malilipang apartment o hindi kaya mag-aalsa ablutan na lang siya pauwi ng Osaka. Ang importante ay ang malinaw na muna nila lahat. Kasi, ang gulo. Ang sakit sa ulo.
"Hoy Yoongi!" tawag niya dito. Agad namang napatingin sa kanya ang lalaki na nakataas pa ang isang kilay.
"O? Anong kelangan mo—"
"Gusto kita. Seryoso." Go big or go home.
"Okay," sagot nito.
Puta. Yon lang sagot niya? Napaka-anti climactic naman.
"Gusto nga kasi kita," ulit niya. "Naiintindihan mo ba ako?"
"Oo. Naiintindihan kita."
"Wala ka man lang sasabihin?"
"Ano ba dapat?"
Aba gago 'to ah. Punyeta.
"Wala man lang 'I don't feel the same way' o di kaya 'sorry hindi kita gusto'?" tanong niya dito. "I mean, sumagot ka naman ng maayos o. Para naman makapag-move on na ako sa'yo."
"Ayoko nga. Maligo ka na lang diyan." Lalo siyang nainis dahil wala man lang emosyon ang mukha nito. Nanti-trip nanaman ba 'tong gago na 'to? Kairita.
"Ayusin mo nga kasi muna yung sagot mo, Yoongi!" giit niya. She's frustrated, a little drunk and scared. Hindi niya na kaya yung samu't saring mga emosyong nararamdaman niya, "Dali na kasi! Pano ako makaka-move on kung hindi mo nire-reject ng maayos—"
"Then don't." Nangunot agad ang noo ko sa kanyang sinagot. Nagulat na lang siya nang hilahin siya nito papalapit. "Don't move on."
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro