Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[1] Ship mo, Ship ng Lahat

xxxxx


Nagsimula ang pagtatalo ni Jungkook at Lalisa nang hindi sinasadyang matabing niya ito. Hindi niya naman kasi madistinguish kung alin ba ang likod nito saka harapan kasi parang pareho lang eh. Madilim pa man din.


"Wala ka bang mata? Watch where you're going, Ongpauco," mataray na asik ng babae dahil tumilamsik ang laman ng iniinom nitong alak sa suot.


"Hala, ako pa yung walang mata? Eh ikaw 'tong humaharang-harang eh," ganti niya.


Okay. Maybe it was just a lie nang sinabi niyang "hindi sinasadya" ang pagkakatabing niya kay Lalisa. He actually initiated the fight because he loved teasing the brunette. Gustong-gusto niya kapag nagsisimula nang mamula ang mukha nito sag alit pati ang paglaki ng butas ng ilong nito o kung pano tumalim ang tingin nito sa kanya. And of course, he loved her sassy comments and how she rolled her eyes.


Lalisa Tan is both irritatingly beautiful and annoyingly smart. Maybe that's why he has a huge crush on her. At baka nahahalata din 'yon ng lahat kasi lagi silang shini-ship ng mga ka-opisina nila.


"Gago ka ba?" bulyaw agad ni Lisa sa lalaki. "Ikaw kaya 'tong wala sa tamang daan!"


Mula sa kanyang bulsa ay kinuha niya ang panyo at pinunasan ang sarili. Pesteng Jungkook na 'to, bored nanaman ata at walang mapagtripan. Wala ba 'tong friends? Mag PUBG na lang kaya sila ni Jimin para naman bawas na ng isang salot sa matiwasay niyang gabi.


"Ikaw wala sa tamang isip," ganti ni Jungkook sa kanya na mas nakapa-init ng kanyang dugo.


"Kung ako wala sa tamang isip, ano ka na lang?" asik niya dito. "Buti na lang talaga eh natatakpan niyang malaking ilong mo mukha mo kundi baka kanina pa kami nawalan ng gana diyan sa kapangitan mo."


That was clearly a lie. Hindi pangit si JK. Actually, gwapo ito. Sobrang gwapo. Pero siyempre, hindi niya aaminin 'yon dahil baka lumaki yung ulo. Laki na nga ng ilong, lalaki pa yung ulo. Wag naman ga'non.


Anyways, nagsisimula nanamang tumaas ang presyon niya dahil dito. Asan na ba mga kampon nito? Sina Hope? RM? Yoongi? Konting-konti na lang kasi eh magkakaron na ng sariling utak ang mga kamay niya't didiretso na sa leeg nito. O kung hindi ay isasaksak na niya yung tinidor na hawak ni Angel sa mata nito.


"Anong sinabi mo?" Jungkook snapped. Kitang-kita niya ang paglawak ng ngisi sa mga labi ni Lalisa. "Ulitin mo nga 'yang pinagsasabi mo."


"Ay. Di lang apala pangit. Bingi rin pala," sagot nito sabay pinagkrus ang mga braso. Naningkit ang kanyang mga mata at humakbang papalapit dito. They were inches apart but she wasn't backing down.


Ibubuka niya sanang uli ang kanyang bibig pero naunahan siya ng pag-ismid ng babae. Tumalikod ito sa kanya't binagtas ang daan patungo sa mesa kung saan nakaupo sina Synn, Yoon, Jimin, Yoongi at Aki. Hinablot pa nito si Angel papunta sa grupo.


"Tss."


Sumunod siya sa babae dahil—well andun din naman yung mga kaibigan niya kaya 'dun na rin siya makikipag-inuman. Plus he won't miss this golden opportunity to piss her off even more.


"Ano ba 'yan. Bakit parang juice lang 'tong pinapainom mo sa'min, mamsh," rinig niyang reklamo ni Aki. "Wala man lang bang pwede ipanghalo dito? Dali na para magkaron ako ng lakas ng loob mamaya landiin 'tong si Yoongi."


"Kahit wag na," asik ng lalaki. "Hindi pa rin naman kita papansinin."


"Paka-gago mo talaga!"


"Kay Rhen yan galing. Tinitimpla niya 'yan kanina eh," sagot naman ni Yoon sa babae habang nakasanday ka Jimin. Nakapatong naman ang braso nito sa balikat ng babae. Maya-maya ay bumaling ito sa babaeng katabi na busy sa kapipindot sa telepono. "Ano Synn, nagreply na ba si Fafa Yuan? Makakasunod daw ba siya dito sa party o susunduin ka na lang?"


"Ewan ko nga eh. Pero baka sunduin na lang ako mamaya. Magpapakalasing na lang din ako para naman kargahin niya ako pauwi. Kontak mo mamaya ha, mamsh."


Nag-okay sign lang ito at napailing na lamang siya.


"Patikim!" ani bigla ni Lalisa na nakaupo sa may bandang dulo. Napangisi siya't pinuntirya ang espasyo sa tabi nito. "Hoy! Umalis ka nga dito. Bawal supot dito."


"Hala Lisa! Pano mo nalaman?" gulat naming tanong ni Ara na bagong dating lang din. "Nakita mo na yung ano ni Jungkook?!"


"Sinisilipan kasi ako niyan lagi, Ara," nakangising sagot niya para dito. "May pagnanasa kasi 'yan si Lalisa sa'kin."


"Hoy! Feelingero ka!" bulyaw nito sa kanya na mas lalong ikinalapad ng kanyang ngisi. Ayan nanaman kasi't lumalaki nanaman ang butas ng ilong nito. "Never akong nagkanasa o magkakanasa sa'yo 'no! Excuse me."


Ayan na. Umirap na ito. Mission complete! May bonus pa dahil inisang lagok nito ang basong sinalinan kanina ni Angel ng inumin. Lalo itong namula.


"JK, tigilan mo na nga 'yan si Lisa," asik ni Yoon habang si Jimin naman ay inabutan siya ng isang baso. "Siguro crush mo talaga 'yang si Lalisa. Nagpapapansin ka lang."


"Ako? Crush si Lalisa? Eh hindi ko nga ma-distinguish kung saan ba harapan niyan eh!"


Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ni Lalisa. Naramdaman niya ang biglang pag-init ng kanyang mukha.


"Ano, hindi mo pa ba madistinguish, JK?"


xxxxx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #tatlongbibe