Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[1] May Aaminin Ako

xxxxx

Ilang minuto bago nahanap ang nawawalang bra ni Lisa...


Kanina pa hindi mapakali si Jungkook. Ilang araw na kasi niyang dala yung bra pero hindi niya pa rin alam kung kanino 'yon. Sa sobrang kalasingan niya nung gabi ng party eh hindi niya na alam kung sino ba sa mga kasama niya yung dinala niya sa kwarto. 


Si Yoon ba? Malabo. Maliit lang yung bra. Saka hindi 'yon nahiwalay kay Jimin buong gabi. Sino ba sa opisina nila ang hindi nabiyayaan? Si Synn ba? Patay na. Baka gulpihin siya nung boyfriend 'non. Or hindi kaya si... Rhen?


Tangina! 


"Hoy Jungkook. Bakit parang mahihimatay ka na diyan?" tanong sa kanya bigla ni Jimin. "Natalo ka nanaman sa PUBG 'no? Pabuhat ka talaga kahit kelan."


"Lakas mo 'din 'no? sino kaya sa'tin pabuhat?" singhal niya sa lalaki. "Tulungan mo na lang kaya ako?"


"Saan?" Kunot-noong tanong nito. "Kahit ano wag lang pera. Hindi pa nagsasahod. Nakatabi pera ko para sa date namin ni Yoon."


Nag-isip muna siya. Baka ilaglag lang siya nitong animal na 'to. Pero mas okay naman siguro na si Jimin na lang kesa sina Hope. Baka asar-asarin lang siya ng mga 'yon. 


Ah, bahala na! 


Inabot niya ang paper bag at hinila ang lalaki papunta sa Pantry. Chi-neck muna ang paligid bago ilabas ang laman ng dala. 


"Tangina!" bulalas nito nang makita ang itim na bra. "Nagbebenta ka na ng Avon?!"


"Hayop, hindi!" saway niya. Kahit pa walang ibang tao sa paligid eh hindi na malabong marinig sila sa labas. "Naiwan 'to nung may-ari sa kwarto ko."


Lalong nangunot yung noo ni Jimin. "Naiwan sa kwarto--Hoy JK! Sinong babae nanaman dito sa opisina ang tinira mo, ha?!"


"Makapag 'nanaman' ka parang lagi ko 'tong ginagawa," singhal niya sa kaibigan. "Kasalanan ko ba kung nalasing ako nung party? Kaya nga party diba para mag-enjoy. Pero ano, matutulungan mo ba ako?"


Agad itong nagtaas ng dalawang kamay. "Hindi ako magbabalik niyan. Pagnakita yan ni Yoon baka iba isipin 'non."


"Gago hindi. Kailangan ko lang malaman kung kanino 'to."


"Hindi... Hindi mo kilala kung sino may-ari niyan?!"


Umiling siya. "Hihingi ba ko sayo ng tulong kung alam ko?"


Napangiwi tuloy si Jimin sabay check nung bra. "Wala ba 'tong pangalan? O tag?"


"Hindi. Pero maliit lang 'yan. Kanino ba tingin mo?"


"Ano akala mo sakin, manyak? Di ko alam mga sizes ng babae dito 'no."


"Wala ka naman palang kwenta eh."


"Tanungin mo si Hope. Baka alam niya."


"Ayoko. Aasarin lang ako 'non."


"Si Yoongi?"


"Manyak ba si Yoongi?"


Nagkibit-balikat ito. 


"Sigurado ka bang ka-opisina natin yung nakama mo?"


"Sino pa ba yung andun sa party? Malamang kaopisina natin."


"Kung magpatulong kaya tayo sa mga babae? Baka mas alam nila 'to."


"Gago eh di mas lalong nakakahiya--"


Mabilis pa sa alas-kwatrong itinago ni Jimin sa likuran nito ang itim na bra nang biglang bumukas ang pintuan ng pantry. Agad na napa-kunot noo si Yoongi sa kanila. 


"Ano 'yan."


"H-Ha? Wala--"


"Kilala mo ba 'tong bra na 'to?"


"Gago ka Jimin!"


Mas lalo pang kumunot ang noo nung matanda sabay tingin sa inilabas na bra ni Jimin. Nasapo niya naman ang sariling ulo. Tangina. Mali talaga ata na si Jimin tinanong niya.


"Chineck niyo ba yung tag?"


"Wala namang pangalan 'don. 32 saka A lang nakalagay," sagot niya naman agad. Eh yun naman talaga yung nakalagay 'don eh. "Ibig ba sabihin niyan eh sa may pangalang A lang 'yan na bra? Ara? Angel? Aki?"


"Bobo. Cup size 'yan," pagtatama agad ni Yoongi sa kanya. "Ibig sabihin maliit boobs ng may-ari niyan."


"Aba malay ko ba. Mukha ba akong gumagamit ng bra?" asik niya. "So kung maliit, baka kay Lisa o kay Aki 'to."


"Di 'yan kay Aki," tanggi agad nito na ikinakunot ng noo niya. 


"Teka bakit mo alam--"


"So kay Lalisa 'yan!" bulalas naman agad ni Jimin. "Tangina, JK! Nag-sex kayo ni Lalisa!"


"May pa-asar asar ka pa kay Lalisa crush mo naman pala," gatong pa ni Yoongi. "Nilasing mo talaga yung tao para makama mo. Iba ka talaga."


"Hindi ko nga alam yung nangyari kagabi eh! Kasalanan 'yon nung alak. Hindi ako!"


"Sus. Sinong niloko mo? Eh halatang halata kang gago ka eh. Papansin ka masyado kay Lalisa tapos nung sumasayaw pa sa dance floor eh akala mo presidente si Lisa kung bantayan. Kaya pala bigla kayong nawala eh."


"Ewan ko sainyo. Ibabalik ko na 'to ke Lisa. Baka hinahanap niya na 'to."


Kinabahan siya bigla. Aamin na ba siya? Aaminin niya na ba kay Lalisa ang lahat? 


xxxxx


Pagkatapos niyang ibigay kay Lisa ang nawawalang bra...


"Lisa--"


"Alam mo, kalimutan na lang natin ang lahat ng 'to," putol bigla ng babae sa sasabihin niya. "Pareho naman tayong responsible adults kaya magkunwari na lang tayo na parang wala lang ang lahat. Hindi mo naman ako gusto kaya okay lang--"


"Teka. Sinong may sabi na hindi kita gusto?"


Nangunot ang noo nito bigla. "Ha? Hindi ba di mo naman ako type? Sabi mo pa nga di mo 'ko crush kasi di mo alam kung san harap ko eh."


"Hindi kita crush kasi mahal kita." Napasinghap ito sa sinabi niya. Wala na. Aamin na siya. Baka naman


"W-Weh? Di nga? Kelan pa?"


"Ewan ko. Basta nagising na lang ako bigla, mahal na pala kita." Nilapitan ni Jungkook si Lisa at hinapit siya sa baywang. Nagulat naman siya kaya lumanding ang parehong kamay niya sa may dibdib nito. "Mahal kita, Lalisa. Ikaw ba, gusto mo din ako?"


Napatingin siya sa mga mata ni Jungkook. Grabe. Bakit ba biglang gumwapo 'tong lalaking 'to sa mga mata niya? Ay mali. Matagal na pala talaga itong gwapo. Sa totoo nga, crush niya din talaga 'tong animal na 'to kaso lagi siyang inaasar. 


"O-Oo," pag-amin niya. "Gusto din kita, JK."


Biglang gumuhit ang isang malapad na ngisi sa mga labi nito bago ito yumuko't kinintalan siya ng isang malalim na halik. Narinig naman nila yung palakpakan sa paligid nila kaya napaghiwalay silang bigla.


"Sa wakas nag-aminan na rin yung dalawa!" kinikilig na hiyaw ni Ara sa may bintana.


"Oo nga eh," ani naman ni Angel. "Ang obvious obvious na kaya."


"Sana ol kina-kras back," ani naman ni Aki. "Yoongi, baka naman!"


"Matulog ka muna."


"Tatabihan mo ba 'ko? Enebe di ako prepared!"


"Ay iba na 'yan, Aki," ani naman ni Yoon na nakasanday kay Jimin. "Malala ka na."


"I feel so single right now," ani naman ni Lucille. "Asan ba si Hope?"


"Lisa."


Hindi niya na pinansin ang kantiyawan ng mga kaibigan at muling bumaling kay JK na nakayapos pa rin sa kanya. "Hmm?"


"May aaminin pa ako sa'yo," anito na ikinakunot ng kanyang noon. 


Kapag sinabi nitong joke lang ang lahat ng 'to, makakapatay talaga siya ng tao. Kahit sayang ng lahi nito, wala na siyang pakealam. If she can't have him, no one can. Charot!


"Ano 'yon?"


"Ano..." Inilapit nito ang bibig sa may tenga niya't bumulong. "Napunit yung condom natin nung isang gabi."


Putangina.


THE END


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #tatlongbibe