Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[1] Ang Nawawalang Bra ni Lisa

xxxxx


Nagising si Lalisa na parang minamartilyo ang kanyang ulo. Tapos ang sakit sakit pa ng kanyang katawan na parang tumakbo siya ng marathon o kung ano. Sinikap niya ring alalahanin ang mga naganap nang nakaraang gabi pero ang paglapit niya lang sa grupo at pag-inom ng juice ni Rhen ang naaalala niya.


Napaungol na lang siya sa sakit na nararamdaman sa kanyang sintido. Teka nga pala. Asan ba siya? Sa pagkakaalala niya eh kulay pink yung wallpaper ng kwarto niya. Bakit naging puti? Nagpintura ba siya habang lasing?


Iginala niya ang paningin sa paligid. Hindi ito ang kwarto niya. At hindi rin sa kanya ang suot na T-shirt ngayon—Putangina! Nasaan 'yung bra niya?!


Gumapang siya paababa ng kama at sinimulang hanapin ang damit niya. Pero ang tanging nahanap niya eh yung panty niyang itim saka paldang suot nung nakaraang gabi. Lihim na pinagalitan niya ang sarili sa kagagahang ginawa nanaman.


Nakipag-One Night Stand nanaman siya. Bwiset talaga ng alak. Panira sa pagiging pure!


Dahan-dahan siyang naglakad papalabas ng silid ng kung sinong naka-booking niya kagabi. Whoever he was, mas okay nang hindi niya kilala para no strings attached talaga. Saka, asan ba mga kaibigan niyang kupal? Bakit hinayaan siya ng mga ito na malasing at umuwi kasama ng kung sino? Asan ba si Angel? Si Ara? Si Lucille—ay hindi pala nila kasama si Lucille. Hindi pinayagan kasi strict ang parents.


Pumaypay agad siya ng taxi at nagmadaling umuwi. Patay talaga sa kanya sina Angel kapag nakita niya ang mga ito. They owe her a new bra.


xxxxx


"Talagang hindi mo pa rin kami papansinin, ha Lalisa?" ani Angel sa may tapat ng cubicle niya. "Tatlong araw na o. Saka diba nadiligan 'yang mahiwagang pechay mo? So dapat mag-thank you ka samin. Di ka na mamamatay na virgin."


"Oo nga. Nag-enjoy ka naman siguro kasama nung mystery man mo," humagikhik pang segunda ni Ara. "Sarap ba ghorl?"


"Mga punyeta kayo. Kala niyo sa'kin, tigang? Kung mabuting kaibigan kayo dapat di niyo ko pinabayaan—"


"Mabuting kaibigan nga kami kaya ka namin iniwan," putol ni Angel sa sinasabi niya. "Enjoy na enjoy ka kaya makipag-dirty dancing 'don sa dance floor."


"Oo nga. Tapos kapag hinihila ka namin pabalik sa upuan eh hinahampas mo kami. Buti na lang nag-presinta si JK bantayan ka. Ewan ko lang kung san na 'yon napadpad after," dagdag ni Ara.


"Can't relate ako. Hindi ako nakasama," singit naman ni Lucille na nasa katabing cubicle niya. "Pero sissy, kamusta naman? Nag-enjoy ka ba? Worth it ba?"


"Hindi ko nga maalala eh," sagot niya agad. "Pero sumakit katawan ko. Grabe. Daig ko pa nag-gym buong araw. Bwiset."


"That means nag-enjoy ka nga. Sana ol." Gulat silang apat dahil biglang sumulpot si Aki na may bitbit na mga papel. "Pero grabe ha. Wala din akong masyado maalala nung gabi nung party. Sobrang labo. Di ko nga sure kung na-tsansingan ko ba si Yoongi o hindi eh. Kayo ba?"


"Kami din ate," ani Ara. "Medyo Malabo din yung gabing 'yon. Pero may mga naaalala naman kami. Konti nga lang."


"Like nung pinahawakan ni Lisa bigla kay JK yung boobs niya. Nakakatawa 'yon, Ate."


Ano?! Pina... pinahawak niya yung boobs niya kay JK?! Kelan?!


"Ay naaalala ko din 'yan ghorl! Lakas ng loob sis. Nawa'y lahat eh brave like you," tumatawang sambit ni Aki. "Kawawang JK. Nawala ata yung kaluluwa nung nahawakan. Pinisil niya kaya?"


Ang lakas naman ng naging tawa ni Angel, Ara at Lucille sa kanyang kahibangan nung nakaraang gabi. Bwisit kasi talagang alak na 'yan. Walang magandang naidudulot sa sambayanan.


"Speaking of, ayan na si JK," ani Aki. "Hoy JK! Halika nga dito—ay may pa-package. Ano 'yan?"


"Para kay Lisa," simpleng sagot nito sabay abot sa kanya nung paper bag. Hindi niya alam kung ano 'yon pero nakaramdam siya ng kakaibang kilig. Bwisit. Bakit ba ang gwapo nito sa umaga?


Dear hormones, not now please.


"Ay wow. May ligawang ganap ba?" tanong bigla ni Synn na napadaan lang din. "Sagot ko honeymoon niyo. San niyo ba gusto? Sa Jeju?"


"Speed lang, ate Synn?" natatawang tanong ni Angel. "Kasalan agad?"


"Don lang naman din punta 'non eh," nakangising sagot.


"Hindi 'yan regalo 'no," anas naman agad ng lalaki. "Naiwan niya 'yan nung nakaraan. Binalik ko lang. Baka kako hinahanap niya."


Nangunot naman agad ang noo niya. Naiwan? Kelan ba siya napadpad kina JK—Oh fuck. Don't tell me—


"Hindi ko actually alam na sa'yo 'yan. Pero ang sabi sa tag, cup A. Kaya it's either yours o kay Aki. Pero sabi ni Yoongi malabong kay Aki daw 'yan kaya napagtanto 'kong sa'yo."


Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang itim niyang bra sa loob ng paperbag. Narinig niya pa ang paghampas ni Aki sa lalaki.


"Hoy putangina bakit nasali nanaman dede ko sa usapang 'to?!" 


So ang naka one night stand niya ay... si JK?!


xxxxx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #tatlongbibe