Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot ba kamo?

Nalulungkot kaba o nalulumbay?

Pwes pupukawin ko ang iyong himlay

Ang librong ito'y alay ko sa mga kristiyanong kagaya ko

Mga avid followers ni Lord na may misyon dito sa mundo

O diba rhyme? Ang galing talaga ni Lord!

Well, well, well, ang pangunahing rason kung bakit ko ginawa itong libro na ito ay upang maimulat ang mga Kristiyano sa Katotohanan. Ano itong katotohanan na pinagsasabi ko? Na si Hesus lamang ang tanging daan sa buhay na walang HANGGAN.

Kung wala kang planong tanggapin si Hesuskristo sa buhay mo, pake ko! hehe joke lang. Pwes, tanggapin mo na siya ngayon din, hindi bukas, kundi ngayon, naintindihan mo? Payo ko lang , huwag na huwag mong sasayangin ang oras, anumang oras ang Panginoon ay darating, walang nakakaalam ng kanyang ikalawang pagbabalik na nabasa ko sa bibliya. Kaya nararapat lang na pagsisihan na natin ang ating mga kasalanan at sabihin iyon sa ating panginoon , humingi tayo lagi ng kapatawaran sa kanya dahil kung wala siya, wala din tayo sa mundong ito.

Sa mga Hindi Kristiyano diyan, okay lang na basahin niyo to, sana makarelate din kayo at mahal ko kayo. Hindi ko man mababago ang inyong paniniwala pero alam ko darating din ang panahon na tatanggapin niyo ang Panginoon sa inyong buhay. Ang Panginoon ang babago sa inyo, hindi ako.

Sa mga ka berks kong Kristiyano diyan, kumusta naman buhay buhay natin diyan? sinusunod mo pa baang mga utos sa iyo ng Panginoon? Tandaan, itigil mo nayang pagiging adik mo sa mga walang kabuluhang mga bagay imbes ituon mo sa ating Panginoon, hindi kita pinagbabawalan, kasi nakita ko wala kanang time kay Lord eh, tignan mo tuloy stress na stress kana, lumapit kalang kay Lord sa ligaya, pighati at tuwa, bibigyan ka niya ng kalinga, dahil nga diba mahal na mahal ka niya. O diba ang sweet niya?

Alam kong marami kang pinagdadaanan ngayon,marami kana ring mga pinaghuhugutan sa buhay mo, pero walang ibang taong makakagaling sa wasak mong buhay at puso kundi si Hesuskristo.

HAPPY READING!

By the way guys, you can also like or follow us on this pages:

Twitter: @iLoveRabboni7
Instagram: @iloverabboni7
Tumblr: iloverabboni7.tumblr.com
Google+: +iLoveRabboni 7
Facebook: Team Jesus (@iLoveRabboni7)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro