Hugot #9
Hanggang kailan kaba magsasawa diyan sa kasalanan mo na palagi mo nalang inulit ulit? Hashtag Repent to God.
Lahat ng tao nagkakasala, walang taong perpekto. Ano nga ba ang Sin? Bakit marami ang nahuhumaling dito?
Ang Sin o Kasalanan ay pagkakamali ng isang tao, from the word mali, nangangahulugan na hindi maganda, masama ang gawaing ito. Sa araw araw na nabubuhay tayo, tayo ay nagkakasala, minsan aware at unaware tayo sa mga kasalanang ito kasi feeling natin hindi naman mabigat pero ang kabayaran ng lahat ng ating mga kasalanan ay kamatayan, gusto mo ba yun? "The wages of sin is death" Romans 3:23
Ano ang masasabi ng Bibliya ukol sa kasalanan?
Sin is rebellion to God. Sin is lawlessness.
Everyone who makes a practice of sinning also practices lawlessness; sin is lawlessness - 1 John 3:4
Bilang isang Kristiyano, responsibilidad natin na sundin ng buong puso ang kautusan ng Panginoon. Mawawalang saysay ang pagiging Kristiyano mo kung hindi mo naman isinasabuhay ang salita ng Diyos. Huwag malunod sa kasalanan, huwag mong dalhin ang sarili sa kapahamakan. Habang may panahon, ipamalita mo ang salita ng Diyos, hindi yung pagbalik ni Lord naabutan ka niya na nakikipag away, sobrang vain, lust, pride, at lahat na ng klase ng kasalanan sa mundo. Eh ano ang dapat nating gawin sa mga kasalanan natin?
The answer: REPENT TO GOD ALL YOUR SINS.
Ano yung repent?
Repent o Magsisi, isa itong gawain na kung saan humihingi tayo ng kapatawaran. Kanino? Syempre kay God.
Gaano man kalaki o kaliit ang kasalanan mo, sabihin mo lahat sa Panginoon. Maiintindihan ka niya at mahal na mahal ka niya. Humingi ka ng tawad sa kanya palagi hindi yung kung feel mo lang. Alam niya ang lahat sa iyo, alam niya ang nasa puso mo, nasa isip mo kaya walang dahilan upang ikay magtago. Patatawarin ka ng Diyos Ama kung taos sa puso rin ang paghingi mo ng tawad sa kanya. Huwag kang mahiya na eexpress ang sarili mo sa kanya, pakikinggan ka niya.
Dapat willing ka ring magbago, kapag nagkasala ka, matuto ka sa lahat ng kamalian mo, hindi yung uulitin mo. Ang tendency kasi sa sa atin, ang hilig nating gumawa ng kasalanan at nadadamay ang iba. Hilig na hilig natin na gumagawa ng kasalanan at mang judge sa kasalanan ng iba. Tignan mo muna ang sarili sa salamin, isa kalang ding makasalanang nilalang na pinagbuwisan ng buhay ni Hesus. Pati ako, lahat tayo. Huwag kang magmalinis, pati nga mga alagad ng Simbahan, mga disciples ni Lord sa Bible nagkakasala ikaw pa kaya? Kaya payong Kristiyano, always repent to God.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro