Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #8

Disciple daw ni Lord pero nagpapaimpluwesiya parin sa makamundong bagay, huwag ganun ha.

Guilty ka noh? Kasi guilty din ako sa kasalanang ito pero keep in mind na kapag nagiging makamundo ka ulit, e pray mo sa sarili mo at paalalahanan mo ang sarili mo na "I am for Jesus, I am not for this world". Tandaan mo ang sinabi ng Panginoon sa Bibliya: "Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God's will is- his good, pleasing and perfect will." Romans 12:2

Will lang palagi ni Lord ang sundin mo, kasi kapag nagpadala ka sa mundo para mo na ring itinakwil ang relasyon mo kay Hesus. Bising busy kana kasi sa pattern ng mundo eh, hindi ka na nakafocus sa kanya, huwag ganun. Basahin mo ang word ni Lord palagi, meditate, apply, mas makinig ka sa boses ng Panginoon kaysa sa boses ng mundo.

Kasi minsan ang boses ng mundo nakakapagpa down sa atin. Tandaan mo, chosen one ka ni Lord, pinili ka niya na maging kanya kasi alam niya na ikaw ang magiging boses niya dito sa mundo. Sa mundo na puno ng hinanakit, sa mundo na marami ang taong nawawala na ang landas sa buhay, hatakin mo ang iba sa katotohanan, na si Hesus lamang ang tanging daan sa buhay na walang hanggan.

Kagaya ko, misyon ko ang ipamalita ang kabutihan niya, ang word niya. Utos niya yun eh, at bukal sa loob ko ang maging isang disciple niya. Calling yun na hinding hindi ko ipagpapalit sa anumang bagay. Wala akong pakialam kung anong trending sa mundo, ipapatrend ko si Lord, kasi siya ang dahilan kung bakit ako nandito, binigyan niya tayo ng buhay, kaya lahat ng gagawin mo, ialay mo sa dakilang lumikha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro