Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #7

Kristiyano ka? pangatawanan mo, hindi yung susuko ka kaagad kapag may problema.


Problema, problema.. nakakaumal pakinggan noh? Nakaka depress, nakaka stress pero kung walang problema sa buhay hindi tayo matututo, hindi tayo magiging matatag. Ang boring kaya ng buhay kapag walang problema,  parang bagyo yan eh, mag iiwan ng bakas, bakas ng sakit, pighati, kasawian pero laban lang ng laban at huwag susuko.

Kung feeling mo down na down kana sa buhay mo. Isipin mo lang na Hindi ibibigay ni Lord sa iyo yan kung hindi mo kaya, lahat ng problema may solusyon. Huwag mong sabihing "Lord, suko na ako", keep on trying, at huwag na huwag mong iisipin ang pagpapakamatay sa bigat na pasaning dinadala mo. Hindi napapagod ang Diyos sa pagbibigay sa iyo ng buhay, kaya huwag ka ring mapagod dahil lang sa mga problemang kinakaharap mo ngayon. Keep the faith. 

Magdasal, tatagan mo ang loob mo. Kaya mong malampasan ang mga problema. Weak ka man sa paningin mo pero sa likod mo may isang STRONG GOD. Mahal na mahal niya tayo. May dahilan ang mga problema. Huwag kang panghinaan ng loob. Manalig ka. Balang araw mawawala rin ang lahat ng sakit, promise ni Lord yun, subukan mo basahin yung Revelation 21:4, ang ganda ng promise niya, pupunasan niya lahat ng luha natin balang araw, kasi sa paraiso niya, wala na ang lahat ng sakit, pasanin, wala na tayong scars at wounds, kasi lahat ng iyon dinala na lahat ni Hesus para sa atin. Para mabuhay lang tayo. Nakakaiyak hindi ba? Grabe ang sakripisyo ni Lord para sa atin, at sana marealize mo yun. 

Sana marealize mo na may isang HESUS na handang makinig sa iyo. Tawagin mo ang pangalan niya, umiyak ka kung gusto mo, ilabas mo ang ninanais ng iyong puso, sabihin mo sa kanya ang mga problema mo. Ask His purpose sa mga problema mo hindi yung e a ask mo siya na sana mawala ang problema mo. May purpose ang lahat, alam kong matapang ka. Isa lang din akong kristiyano na sinubok ng panahon, ng pagkakataon, pero ni minsan hindi ko sinisi ang Panginoon bagkus nagpasalamat ako sa kanya kasi hindi niya ako iniwan, hindi niya ako pinabayaan sa kabila ng mga masasamang nagawa ko sa kanya. Sana ganun karin.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro