Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #68

Nagmahal, sinaktan, niluwas ang buong sanlibutan, yan si Lord.

(Picture is ctto @jesuspamore)

Trending na trending ngayon ang picture na nasa itaas, blasphemy daw dahil ginagamit ang pangalan ng Panginoon sa mga hugot.

John 3:16, ganyan ang ang sumasagi na verse kapag nakikita ko ang litratong nasa itaas.

Blasphemy is when you use the name of the Lord in vain. We don't know what's inside a person's heart when he/she post that, only God knows. Siguro kung ang nag upload niyan ay claiming to be a Christian but deep inside a deceiver, full of evilness, para sa pansariling interes, then that person is not of God but with satan.

Ano ba kasi ang gusto niyo? Palibhasa kinain na ng mga hugot ng mundo kaya kung maka spread ng hate wagas. Pasalamat nga tayo kasi may mga taong nagpopost ng ganyan para maipalapit tayo kay Lord. Kahit na marami tayong pagkakamali sa buhay handa tayong patawarin ni Lord, handa niya tayong mahalin ulit, pero anong nangyayari ngayon? We spread hate everywhere. Natutuwa ba si Lord sa mga nakikita niya? Hindi.

Sa mga mapanghusga, wala akong nakikitang masama sa mga hugot post patungkol kay Lord. Mas may katuturan pa nga yon eh kaysa sa mga hugot na makamundo (realtalk lang naman po).

Let me share this to you, I have a friend who always post love hugots in her timeline, hindi ko naman siya mableblame kasi nga inlove, pero naging over na, mi ultimo pag aaway nila ng bf niya pinopost niya sa social media. I mean, ganyan ang nangyayari ngayon, it's reality, we vent all our frustrations in FB, it's okay to express but sometimes what we post is not good. Bakit kailangan pang magparinig kung pwede mo nang e face to face ang mga nakaalitan mo? Settle your personal problems personally okay? Pwede mo namang e direct message eh.  Hayun ang ending naghiwalay sila. Hindi kasi nakasentro ang relationship kay Lord, nakasentro ang relationship nila sa isa't isa.

Kaya noong pinagsabihan ko siya I'm happy that she is now speaking life in some of her statuses. Medyo nakaalitan ko kasi siya before at kinuwestiyon niya pagiging Kristiyano ko, bakit daw puro about kay Lord mga status ko hindi naman daw ako role model. Tapos binuweltahan ko siya na, "Eh ikaw nga kung makaparinig ka sa ibang tao sa timeline mo wagas, would that make you a better Christian?" No.

Oo, hindi ako perfect na role model, I struggled on a daily basis as a Christian. Marami akong pagkukulang kay Lord, makasalanan sa lahat ng makasalan pero kung wala siya, ano pa ba ang silbi para mabuhay? I am not claiming to be self righteous. Kung wala ang pag-ibig niya, wala ako, wala tayo.

Hayun natamaan siya sa mga sinabi ko at panay ang sorry niya. Huwag kasing manghusga, and I'm glad she apologized to me and I have forgiven her.

Na shock nga ako ngayon kasi may post na siya na about kay Jesus  and it makes me happy. Ang galing ni Lord. It's not me who change my friend but it's Him.

Let me remind you clearly na kung wala kayang mga taong nag sprespread ng good news ng Panginoon, ano mangyayari? Tiyak ipaiiral natin ang hate kasi nga blinded na sa truth. Kaya imbes na magreklamo, let us appreciate those kind of people who brings us closer to Christ and not to satan. Let us also pray na those people na mag she share is with God at hindi for vanity purposes lang ang dahilan kaya nagpopost.

For me, kung daily basis lang ang basehan, nagkakasala talaga ako kay Lord at nakakakonsensiya. Minsan nga sinasabi ko sa sarili ko, hindi man ako deserve sa pagmamahal mo Lord? Palagi nalang kitang sinasaktan, ang kapal ng mukha ko para saktan ka, pero grabe yung forgiveness niya, grabe yung mercy niya grabe yung grace at love niya, umaapaw. At kapag nakakarinig na ako ng Christian song, o nag dedevotion naiiyak ako sa mga mensahe ni Lord. Tagos puso, tulo luha. Grabe yung impact niya sa buhay ko. I pray ganun din siya sayo.

Wala naman kasing perpekto na Kristiyano eh, lahat tayo may flaws. It reminds me of Saul who latter turned into Paul at naging instrument siya to spread the Gospel. Just like you and me, you and I may appear to be worldly, lost, sick, but everyday God is willing to change us, to save us, to come to us kahit ilang beses natin siya itaboy.

Kaya sa mga nagbabasa nito, I believe that God will use you no matter how you wander in life, if God uses Paul, he can use you too mahal na mahal ka ni Lord, at kahit ilang beses mo na siyang sinaktan, willing siya na e forgive ka as long as willing karin na mag repent sa lahat ng kasalanan mo sa kanya.

God loves you more than you could ever imagine.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro