Hugot #64
Kung nahihirapan kana sa pananampalataya mo, balikan mo ang iyong life verse.
Ikaw ano life verse mo?
My life verse nga pala is written in Luke 4:18-19.
Natanggap ko itong word na ito noong first Encounter God Retreat namin last 2012. Sobrang napakalaki ng impact ng life verse na ito sa akin. God's will din na maituturing na ang tawag sa batch namin ay "Batch Luke"-The Doctors, kasi pangarap ko talaga maging isang Doktor.
Nga pala, my life verse goes out like this:
"Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin dahil pinahiran niya ako upang ipahayag ang
ebanghelyo sa mga dukha. Sinugo niya ako
upang pagalingin ang mga sugatang puso.
Sinugo niya ako upang ipangaral ang kalayaan
sa mga bihag at ang pananauli ng paningin sa
mga bulag. Sinugo niya ako upang palayain ang
mga inapi. Sinugo niya ako upang ipangaral
ang katanggap-tanggap na taon ng Panginoon." (SND)
Diba sobrang powerful? Kaya kapag down na down ako, paulit ulit kong binabasa ang life verse ko and it will also encourage me to write here on wattpad. "Spread the Good news", "Share it to the Blind". Minsan kasi sa buhay natin, nakakapagod talaga. But always remember that if life is dragging you down, call God for healing.
Kaya ikaw, kapag feeling mo down na down kana, just look at the sky, ganyan kalawak ang pagmamahal ni Lord sayo. Read also God's word, pray, fast, cry out to Him. Kung wala kapang life verses, discern for it, God will reveal it to you.
Tandaan ang nakasulat sa Isaiah 40:8
"Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro