Hugot #61
Kung hindi ka na niya mahal, huwag mo na siyang habulin, pwede ka namang lumingon eh at pabalik na lumakad kay LORD.
Sa mga #TeamSawi, ito bagay sa inyo ay hehe sa atin pala.
Kung broken hearted ka ngayon, iniwan, binetray, pinagpalit sa iba, ginago, niloko, tinwo time, nahuli mo jowa mo na may iba, it's time to let go and let God fix your broken heart.
Alam kong hindi ganun kadali ang break-ups especially ang pagmomoving on, been there, done that, but to be honest I'm still on the process of healing until now. But you know what? Sa kabila nang pagiging broken hearted natin, it leads us to JESUS.
Let me share you my story:
I was once deeply in love with my seminarian boyfriend way back in highschool in the year 2010. Nag one year din kami pero nakipaghiwalay ako sa kanya kasi tutol ang tatay niya sa relationship namin at bata pa kami. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan. Dahil dun, hindi ako nagkaroon ng peace of mind kasi nasaktan ko siya at hindi niya alam ang dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan. Kaya hayun, after 4 years pa niya nalaman ang totoo.
2014, muli kaming nagkita, aaminin ko sobrang in love ako sa kanya, imagine after 4years nagkita kami? siya kasi yung unang tao na binigyan ko ng aking diary, alam niya lahat tungkol sa akin. May plano rin kaming magka anak, magpakasal. Marami narin kaming plano na sinabi sa isat isa, maraming memories na na share, siya ang ipinagdasal ko sa maykapal, pero nauwi rin sa hiwalayan dahil nalaman ko na may something pala sila ng kababata niya noon pa. Kinover photo niya rin yung girl sa FB kaya lubos ko itong ipinagtaka. Sobrang sakit kasi nag invest ako ng feelings sa taong in the first place hindi pala ako minahal, parang ang feeling ko nun isa akong basura, yung nag take advantage siya sa akin kasi alam niya na mahal na mahal ko siya. Ang masaklap pa sa text kami naghiwalay. Sana sinaksak nalang nila ang puso ko ng kutsilyo para wala na. Sobrang sakit. Sobrang naging bitter ako at hindi niyo ako masisisi.
Pero alam niyo ba kung ano ang natutunan ko sa karanasan ko? Sobra kong minahal ang ex ko at nakalimutan ko nang mahalin ang sarili ko pati narin ang pagmamahal ng Panginoon sa akin. Sobrang nakakakonsensiya. Kaya nung Encounter God Retreat namin last 2015, ibinuhos ko lahat ng luha ko kay Lord kasi sobrang sakit. Aaminin ko, kahit matagal na panahon kanang sinaktan ng mga tao, mananatili parin ang sugat kapag hindi mo inilet go. Yes, up until now I am still hurting and healing. Nasasaktan parin ako, pero ipinapaubaya ko ang aking wasak na puso sa Panginoon. Sobrang wasak padin ako ngayon, sabayan pa ng tatay ko na may iba rin.
Pero sa kabila nito, I always remind myself na yung pain na nararanasan ko ngayon is wala sa mga isinakripisyo ni Hesus para sa akin. Mas masakit isipin na nireject ko pagmamahal niya noon dahil nagbulag bulagan ako sa pagmamahal ko sa isang taong walang ginawa kundi saktan ako. Nakakakonsensiya.
Kaya ikaw, always guard your heart at focus on Jesus. Don't let other people hurt you from deep within, to the point na hindi kana makakabangon. Iba iba kasi ang tao eh, ang iba it took them months, years to move on. Don't allow yourself to be bitter just because people hurt you. Stay Strong. Sa mga team sawi, always remember, si Jesus lang ang makakabuo ulit ng wasak mo na puso.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro