Hugot #6
NAGSIMBA ka nga , hindi mo naman inapply sa totooong buhay, hahai.
Marami ang matatamaan nito for sure. Ano ang adhikain mo kapag nagsisimba ka? yun ba ay para lang masabi nang iba na relihiyoso ka? yun ba ay para makapasa ka sa exams mo? Ano man ang dahilan mo sa pagsisimba, alam ni Lord ang nasa puso ng bawat tao.
Brothers and Sisters, magsimba tayo hindi dahil may gusto tayong makuha galing sa Panginoon, kundi ang araw ng pagsisimba ay araw ng pag-pre praise and worship natin sa kanya, araw ng pagpupugay sa kabutihan niya gaano man tayo naghihirap o nagsasaya. Pero anong nangyayari ngayon? nagsimba nga tayo pero nawawalan ng essence ang pagsisimba dahil sa status palang natin sa FB napaka ungrateful na natin, backbite dito, backbite doon, saan ang application dun? Piliin mo paring e-honor ang Panginoon sa kabila ng pagsubok na dinadala mo at huwag kalimutang e-apply sa buhay mo ang mga sinabi niya sa iyo hindi yung basta mo lang narinig at magwawalang pakialam ka nalang sa mga sinasabi niya. Mawawalang saysay ang mga promises ni Lord sa iyo kapag hindi ka nag hold on sa kanya, sa mga salita niya. Isapuso at isaisip mo iyon kasi seryoso si Lord sa pkikipagrelasyon sa iyo, naiintindihan mo? Have faith palagi at huwag mong aakapin ang mga makamundong bagay, e focus mo ang sarili mo kay Hesus.
Tandaan: Faith without good works is dead, gaya ng pagsisimba, pagsisimba without faith is dead, pagsisimba without application is dead.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro