Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #58

Kahit inuuna mo ang iba kaysa sa akin, mahal padin kita at patuloy kitang mamahalin dahil ang pagmamahal ko sa iyo ay hindi nauubos. -JESUS

(This is a Fathers Day Special)

Sobrang nakakatouch kapag sinabi yan ni Jesus sayo hindi ba? pero heto parin tayo, araw araw natin siyang nirereject, yung oras na dapat sa kanya, tinutuon natin sa mga bagay na hindi naman deserve ng oras natin. Bakit ganun tayo kay Lord? Bakit palagi nalang natin siyang sinasaktan? Paulit ulit pa?

May araw sa buhay natin na makokonsensiya nalang tayo kasi saka lang natin siya naalala kapag may kailangan tayo. Manhid ba tayo? Hindi naman eh, minsan nakakalimutan natin siya, sadyang kinalimutan kasi happy pa, pero kapag waley na ang happiness, ayun tayo babalik balik sa kanya, ang kapal na talaga ng mukha natin pero kahit ganito tayo, always niya tayo iwewelcome. Mapapakanta nalang tayo ng "I ask you how many times will you pick me up, when I keep on letting you down... and each time I will fall short of your glory, how far will forgiveness abound?"

Alam mo kung ano ang pinaka sweet na nangyari sa buhay natin? Yun ay ang nalaman natin na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL TAYO NI LORD. Pero heto tayo, we are acting na walang nagmamahal, always chasing people to love us, nandiyan si Lord, hinihintay ka niya na e accept at receive diyan sa buhay mo. Yung pagmamahal niya unconditional, yung pagmamahal na yun ang dahilan kung bakit ka buhay ngayon. Kung naranasan mo nang maging isang organ donor, try giving your heart to JESUS.

Jesus, salamat sa lahat ng sakrispisyong ibinigay mo sa aming lahat. Hindi man kami deserve ng grace, pero sadya mo itong ibibigay sa amin kasi mahal na mahal mo kami. Sorry talaga kung minsan nakakalimutan namin na e praise ka, mag devo, pumunta ng simbahan, e share ka sa iba. Sobrang kapal na talaga ng mukha namin pero heto kami humihingi ng kapatawaran mo at kailanman hindi na madamot na mag forgive kasi mahal na mahal mo kami. Happy Fathers Day. We love you. Salamat at ipinadala ka ni God upang itubos kami. Kung wala ka, wala din kami. Salamat sa lahat lahat Ama. :'(

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro