Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #57

Si Hesus lang ang tanging makakagamot sa sugatan mong puso.

Kaway kaway sa lahat ng mga broken hearted diyan.

Ikaw ano dahilan mo bakit broken hearted ka ngayon?

Gaano man kasakit o kabigat ang dinadala mong hinanakit ngayon, maghihilom rin ang lahat ng sugat diyan sa puso mo. Talk to Jesus, tell him your sorrows. Alam kong hindi madali ang nasa posisyon mo pero Alam niya lahat.

Let me share you my story:

When I was in elementary, I thought magiging happy family yung kinalakihan ko, pagdating ko ng highschool nagkaroon ng mistress ang tatay ko, dahilan kong bakit broken kami, dahil youngest ago, sa limang magkakapatid, ako lang ang naiwan sa bahay, dahil nasa malayo ang mga kapatid ko, ako rin ang nakakasaksi ng pambubogbog ng Tatay ko sa Nanay ko. May time din na ako sumalo sa kamao ng Tatay ko nung binugbog niya si Nanay. For me, it was a total nightmare to live with parents who are fighting with each other that's why nadepressed ako at nag attempt magpatiwakal noon, imagine 16 years old palang ako noon. Nag prepray din ako kay Lord na sana mabago niya Tatay ko. Iyak, tago dito, tago doon. Kahit masakit para sa akin na may iba na siyang kinakasama hanggang ngayon, kailangan kong magpakatatag kasi kung magpapaapekto ako, buhay ko lang din ang sisirain ko.

Yes, I was in a state of rebellion noon minsan nirerebuke ko rin ang Tatay ko, telling Him that mali ginagawa niya. Pero hayun kahit ano gawin ko nandun parin siya sa kerida niya. But I am still hoping and praying na one day he will return kasi masakit, sobrang sakit na ipagpalit kayo ng sarili mong Tatay sa iba :(

Noong tumuntong din ako ng college, a faculty in school sexually harassed me. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya noon dahil tinuring ko siyang kaibigan. Kaya hayun, sobrang na depressed ako. Dahilan rin ito ng pagkakaroon ko ng anxiety.

Minsan iniisip ko rin na huwag nalang mag-asawa o kaya akoy mag madre dahil ayaw ko na magtiwala sa mga tao. Pero may isang tao na hinay hinay na ginagamot ang aking wasak na puso, siya ay si Hesus.

I am not telling this for you to pity me, but to tell you na kahit ano man ang pinagdadaanan mo, put your hope on JESUS.

Hindi paman ako totally healed sa mga sugat at pait ng kahapon, alam ko ba maghihilom rin ito.

Kaya ikaw, ano man ang pinagdadaan mo ngayon, stay strong kalang ha. There's a rainbow always after the rain. Lean on to Jesus :')

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro