Hugot #52
Hindi mo kailangang maging perpekto matawag lang na isang Kristiyano.
Anyone can be a Christian, pwede mong e brag sa ibang tao na Kristiyano ka, pero may taong alam talaga kung ano ang nasa puso mo at yun ay si Hesukristo.
Sad to say minsan nakakalimutan natin kung paano mamuhay ng kagaya niya. Minsan, hindi natin namamalayan, punong puno na tayo sa ating mga sarili pero kahit ganito tayo, si Lord hindi niya tayo iniiwan kasi alam niya na kahit bato yung puso natin, kaya niya itong palambutin kung willing din tayong e surrender ang buhay natin sa kanya.
Just like me, nakailang Encounter God retreat na ako, pero hindi parin ako nagtatanda. Hindi ako at home sa mga church na umiimvite sa akin kasi nakakalimutan ko na my home is JESUS, na my worth is found in Jesus alone. Napakarami ko nang kasalanan kay Lord pero kahit kailan hindi niya ipinaramdam sa akin na wala akong kwenta. At kahit ganito ako, I know God is not done with me yet. Kaya ikaw, kahit hindi ka perfect, willing kang baguhin ni Lord. Gagamitin ka niya for His glory. Tiwala lang. Huwag mo ring isipin na kahit matanda kana or bata hindi kana pwedeng manilbihan kay Lord.
Isa kamang kriminal, mamatay tao, adik sa ipinagbabawal na droga, may addiction (pornography, cigarette smoking, alcoholic), may sakit, baldado, wordly, suicidal, depressed, mahirap, mayaman, mataba, payat, bakla, tomboy, transgender, lalake, babae, prostitute etc. Kaya kang baguhin ni Lord. Mahal na mahal ka niya. Ano pang hinihintay mo? Alam mo ba na ikaw lang ang hinihintay niya para tawagin siya. Kahit pa ilang beses mo siyang itakwil, ikaw parin yung taong gusto niyang magbalik loob sa kanya, kasi alam ni Lord na may lugar parin siya sa puso mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro