Hugot #5
Marami kamang hiniling kay GOD na hindi niya ibinigay. Mas marami naman siyang ibinigay na hindi mo hiniling.
May mga kahilingan ka naba na hiningi sa Panginoon? ano ano ang mga iyon?
Makapasa sa board exam, maka sali sa basketball team, makapag audition sa the voice, makapasa sa scholarship... ilan lamang yan sa mga kahilingan natin na nais nating makamtan sa buhay, pero iba parin yung feeling na may mga bagay na ibinigay sa atin ang Diyos na ni minsan hindi natin hiniling sa kanya at yun ay matatawag natin na blessing in disguise.
Marami kamang hiniling o hiningi kay Lord, mas marami naman siyang gusto pang ibigay sa iyo, alam mo ba na merong 7,000 promises sayo ang Panginoon? nakaka-amaze hindi ba? ganyan niya tayo kamahal. Kaya kung feeling mo wala kang blessing galing sa kanya, subukan mong hawakan ang iyong pulso sa mga kamay mo, alam mo ba na sa bawat tibok ng puso mo, isa yan sa mga biyayang ipinagkaloob niya sa iyo, may dahilan kung bakit ka nabubuhay kaya huwag kanang malungkot.Mabuhay ka para sa kanya at gawin mo kung ano man ang ipinaguutos niya sa iyo. Hiniling mo yan ang maraming bagay, may mas ibibigay pa siya sayo nang hindi mo inaasahan , basta't manalig kalang sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro