Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #47

Ingat ingat ka sa pakikinig ng mga MUSIKA. Hindi mo namamalayan, inuudyok kana nito para MAGKASALA.

Ano ang favorite music mo?

Among laman ng playlist mo ngayon?

Favorite Singer?

Favorite genre of music?

Favorite Band?

Napansin niyo ba ngayon? naglipana ang mga bagong musika. Ang iba ang gaganda ng beat ng kanta pero ang panget pala ng meaning.

Napansin niyo rin ba na mas maraming views sa YouTube ang mga worldly songs kaysa sa mga christian songs? Sad but this is true to this generation.

Hindi naman sa pinagbabawalan ko kayo na makinig ng worldly songs. Choice kasi yan ng tao eh. Pero sana dumating yung araw na mga praise and worship songs yung maging star sa mga radio stations, na ang kinakanta ng mga tao ay ang mga kantang pumupuri sa Panginoon hindi puro pansarili lang.

Noon, I admit, I've been composing songs with nonsense content, but ng makilala ko si Lord nag iba yung mindset ko, binago niya yung mindset ko. Kasi all about me yung compositions ko before but this life is not about me at all. Its all about Him. I am here because of the Lord. Sa kanya lahat ng honor at glory.

Malaki din kasi ang impact ng music sa buhay natin, gaya nalang kapag nakikinig ka ng sad love songs, diba minsan naiiyak ka? tapos with matching throwback memories pa haha, nakakarelate ka?

Kapag sobrang depressed na depressed din ako, nakikinig ako sa Christian Songs kasi pinapa uplift nito ang loob ko at through music nakikipag usap si Lord sa akin. Tapos may mga Christian songs din na nagpapaiyak sa akin, na makokonsensiya ka kasi palagi mo nalang sinasaktan si Lord, gaya ng kantang "GRACE" ni Laura Story at "YOU MAKE ME BRAVE" ni Amanda Cook, "AT THE CROSS" ng Hillsong, "Estou Contigo" ni Jotta A

May mga Christian songs din ngayon na pang modern yung aura gaya nalang ng mga music ni Toby Mac, have you tried listening to "Keep movin", ang ganda grabe, nakakauplift ang meaning ng kanta.

You can also try listening to the music of Newsboys, Planet shakers, Hillsong United, Jimmy Needham, Jamie Grace, Kari Jobe, Natalie Grant, Chris August, and other Gospel and Christian Singers all around the globe.

The point is here is that, be careful what you listen for. Huwag mong hayaan na yung pinakikinggan mo hanguin ka na magkasala. But it's your choice to what will you listen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro