Hugot #4
Hindi perpekto ang buhay ko pero meron akong PANGINOON na nagpapakuntento kung anong meron ako.
Kuntento kaba sa buhay na meron ka ngayon? bakit hindi? bakit oo?
Ang mabuhay ng kuntento ang gusto ng Panginoon para sa atin, kung puro ka kasi reklamo, paano mo maapreciate ang mga biyayang ipinagkaloob sayo ng maykapal? normal lang naman ang magkaroon ng bad days sa buhay pero lahat ng iyan ay may dahilan, gusto rin ni Lord na matuto ka. Kahit isa kalang mahirap ngayon o mayaman, maging masaya ka, kasi pinagpala ka ng salitang "Life" o "Buhay". Araw araw hindi napapagod si Lord na bigyan tayo ng buhay, mahal na mahal niya tayo, kaya matutong makuntento ka sa mga bagay na mayroon ka ngayon.
Kung wala kang Pamilya o kaibigan, nandiyan si Lord, kung wala kang baon pang iskwela, gawin mong pagkain ang salita ng Diyos, kung ipinagkait sa iyo ang hindi nakapag-aral, magsikap ka sa pamamaraang naayon kay Lord. Huwag kang magreklamo kasi hindi nagrereklamo ang Panginoon kapag nakakagawa tayo ng kasalanan imbes pinapatawad pa niya tayo, what an unconditional love hindi ba?
Araw araw, huwag mong ialis sa isipan mo ang salitang pagmamahal, sa salitang yan natututo tayong maging kuntento at yan ay dahil kay Hesukristo, ang pagmamahal niya ang nagpapakuntento sa atin, binubuo niya tao araw araw, siya ang daan upang maging buo tayo ulit, maging masaya, maging kapakipakinabang, maging kagaya niya. Kaya araw araw, isipin mo lang palagi na kahit hindi ka perpekto, pinili ka ni Lord upang maging kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro