Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hugot #36

Trabaho ka ng trabaho, maraming ka ngang pera, pero masaya ka ba kung malayo naman ang puso mo sa Diyos.

Ano ang mas mainam sa iyo? Si Jesus o ang pera?

Ang pera, madali nauubos, oo mabibili nito ang mga gusto mo, pero minsan hindi parin sapat, alam mo kung bakit? Ang iba kasi sa atin hindi marunong makuntento. Gamitin mo ang pera sa mabuting paraan, kumita ka ng pera sa mabuting paraan kasi kung sa kasamaan lang din galing at sa kasamaan ang patutunguhan, hindi magiging masaya ang Panginoon sa ginagawa natin.

Si Jesus, kahit hindi siya mayaman, tinuturuan niya tayo kung ano ang tunay na Yaman at iyon ay ang buhay na kasama siya. Alam mo kung bakit? Hindi naman natin madadala sa eternal home ang mga kayamanan natin dito sa mundo eh. Kaya kung gahaman ka ngayon sa pera dito sa mundo, gamitin mo ito sa kabutihan at hindi sa kasakiman. Ipamahagi mo sa mga kapos palad nating kababayan ang yaman mo hindi yung napaka selfish mo. Hindi pera ang tunay na magpapasaya sa iyo kundi si Jesus. Aanhin mo ang kayamanan kung wala ka namang Diyos? Kainin mo ang salita ng Diyos, gawin mo ipinaguutos niya, tatagan ang iyong pananampalataya at huwag maging makamundo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro